KHANE'S POV
"No!"
"Please No!" sigaw ko.
"Ashanti No!" pagkasigaw ko noon ay napabangon ako mula sa pagkakahiga, agad akong tumingin sa paligid at inilagay ang dalawang kamay sa ulo.
Panaginip lang pala.
Agad akong tumayo sa hinihigaan at naglakad papunta sa pintuan, hindi ko pa napipihit ang doorknob ay nagulat ako ng may makita akong tao sa walk-in closet ko. Napatingin ako doon at sumilip.
"Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan. Nagulat sila sa pagsulpot ko at nanlaki ang mata ng makita ako.
Mabilis nilang itinago ang kamay nila sa kanilang likuran, agad akong lumapit sa kanila at agad na kinuha ang mga kamay ng mga ito, napatawa ako kay Blue ng makita sa kanyang kamay ang aking bagong bili na relo.
"Ganan ka na ba kakuripot?" tanong ko rito.
"Alam mo naman na galante iyan kay Ivette pero pagdating sa sarili niya hindi siya makabili." natatawang sabi ni Eleven sa akin.
Si Ivette ang isang kaibigan ni Ashanti si Ivette Cortney, nagkakilala sila dahil kay Nahzury. Noong naging official na magkarelasyon ang dalawang sina Eleven at Nahzury laging isinasama ni Nahzury ang dalawang kaibigan sa pagbisita sa amin rito sa China kaya naman nagkakilala ang dalawang ito at nahulog sa isa't isa.
Agad akong lumapit kay Eleven at kinuha ang isang kamay nito, nakasarado pa ang mga kamay nito na halatang may tinatago, pwersahan kong binuksan iyon at nakita ko ang isang flashdrive sa kamay nito.
"256gb?" gulat na tanong ko rito, mabilis niyang sinarado ang kamay niya at ngumiti sa akin na nagpapaawa.
"Sige na boss, ito na ang advance pabirthday mo sa aming dalawa. Since, malaki nanaman ang kinikita ng kompanya at malaki ang sinisweldo mo." ngiti nito sa akin.
Mabilis kong itinaas ang kamay ko at kinaltukan silang dalawa. "Malaki rin naman sinusweldo niyo pero mukha kayong pulubi sa ginagawa mo!" sigaw ko sa dalawa sabay talikod at lakad palabas ng walk-in closet.
Pumunta sa pintuan at pinihit ang door knob. Sumunod naman sa akin ang dalawa habang naglalakad ako.
"Bro, napaginipan mo nanaman ba si Ashanti?" tanong ni Blue sa akin, napatigil ako sa paglalakad.
Tuwing malapit na ang death anniversary ni Ashanti ay lagi ko itong napapaginipan, sinasabi niya sa akin na sumama ako sa kanya, inaabot niya sa akin ang kamay niya pero kapag kinukuha ko ito mabilis niyang inaalis at tumatakbo palayo sa akin.
Agad akong naglakad at nagsimulang humakbang pababa sa hagdan. "Uuwi ka ba sa Pilipinas ngayon?" tanong ni Eleven sa akin, agad akong nagpunta sa kusina at kinuha ang baso at isinalin ang tubig na nasa pitchel na nakapatong sa lamesa.
"Oo, mamayang gabi ang flight ko. Anniversary kasi namin ni Ashanti bukas kaya gusto kong makasama siya ulit." sabi ko sa mga ito, agad kong binaba ang pitchel sa lamesa at sinimulang inumin ang nasa baso kong tubig.
Pagkababa sa baso ay agad akong tumingin sa kanila. "Bakit nga pala nandito kayo sa bahay ko?" tanong ko sa dalawang ito.
"May meeting daw kasi mamaya sa NextGen ay hindi daw macontact ang cellphone mo kaya pinadala kami rito." paliwanag ni Blue.
"Anong oras daw?" tanong ko sa dalawa at tumingin sa orasang nakasabit sa living room.
"9pm daw." sabi ni Blue, agad na nanlaki ang mata ko sa dalawa noong makita kung anong oras na.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...