NAHZURY’S POV
Nagising na si Ashanti mula sa mahabang pagkakatulog. Pero ngayon tulog na ulit siya, talagang inantay lang niyang mawala si Khane sa kwarto niya at natulog na muli siya.
Pwede na siyang ilabas ng Ospital pero itong si Mommy ang mapilit na wag muna daw at baka mayroon pa daw sakit si Ashanti.
Maayos nanaman ang kondisyon ng kalusugan ni Ashanti, pero talagang may isang parte ng katawan niya na natamaan ng husto. Naikwento niya na napatakan daw siya ng isang bahagi ng kotse sa kanyang kanang bahagi ng katawan at iyon ang kanyang braso at kamay. Marami rin naman siyang natamo na paso, pero ngayon sabi niya okay na daw.
Ni hindi na niya maitaas ng ayos ang kanyang kamay na iyon, dati ay nagagawa pa niya itong itaas kahit kakaunti lang, ngayon ay hindi na niya maiitaas ng ayos depende kung ipapasemento na talaga ang kamay nito. Pero hindi papayag ang Daddy niya na mangyari yun. Alam ko, dahil may dahilan kung bakit hindi niya maigalaw ang bahagi ng katawan ni Ashanti, at may kwento sa mga bakas ng tahi sa katawan nito.
“Doc, gisingin niyo na nga yan. Nagpapa beauty rest lang yan.” Sabi ko kay Doctor Simpson. Kapatid ni Khane na Personal Doctor ni Ashanti. Nakabantay si Doc pati ang apat na nurse niyang kasama kay Ashanti, para kung ito man ay magsabi ng mayroon sa kanyang masakit ay madali lang na malapitan ang doctor.
“Ano ka ba Nahzury, kailangan niya iyan. Paniguradong may pinaghahandaan yan kaya grabe ang tulog niyan. Siguro bumulong si Brother na mag-date sila bukas ng gabi noh?” pabirong sabi sa akin ni Doc.
Hindi lang basta doctor itong si Devon, kaibigan din siya ni Ate Astrid, matalik silang magkaibigan simula noong Elementary at sabay na rin silang pumunta ng ibang bansa para sa High School and College. Kaya nakilala na rin namin itong si Devon.
Naging malapit na rin siya sa amin at tinuring na rin niya kaming pangalawang pamilya.
Napatawa ako sa birong sinabi niya, sabay kuha ng ponkan na nasa lamesa ni Ashanti at naghagis sa mga nurse at kay Devon ng mga prutas na inaalok ko sa kanila. Share your blessings di nga diba? Habang kumakain kami ng prutas ay biglang dumating si Kuya na nakasuot pa ng uniform ng pang opera. May dala siyang isang chart at agad na tiningnan ang monitor ni Ashanti.
“Devon paki tingnan nga ng xray ng kaliwang braso ni Ashanti, andiyan pa ba?” tanong ni Kuya, agad na nilagay ni Devon sa isang may ilaw ang xray na iyon at tiningnan ng maigi. “Narito pa, sadyang malaki na ang baling buto sa braso ni Ashanti. Kailangan na natin alisin iyon sa kanya.” Seryosong sabi ni Devon.
“Oo alam ko, pero hindi ako ang mag dedesisyon kung kailan aalisin ang bagay na iyan.” Sabi ni Kuya sabay upo sa katabing upuan ni Ashanti at hinawakan ang kamay ng malakas na harok ng parang hindi dalagang si Ashanti.
“Kunting tiis na lang.” sabi ni Kuya sabay halik sa noo nito. Kung sana ganan lahat ng kuya ano? Edi sana walang nabubully na kapatid. Tsk Tsk.
Buti nalang may kapatid kaming ganito. Handang gawain ang lahat para sa kapatid niya.
Umalis na ang mga doctor at break time na nila pati mga nurse. Tanging ako nalang ang naririto sa loob ng room ni Ashanti, tulog pa rin siya.Samantalang ako ay tumayo para kumuha ng inumin sa refrigerator ni Ashanti. Kumuha ako ng isang pineapple juice at binuksan ito. Pagkasara ko ng pintuan ay napatingin ako sa kama ni Ashanti. Gising na si Ash at nakaupo na ito sa kanyang kama. Hawak ang braso niya na di niya maigalaw.
“Gising ka na pala Abo.” Sabi ko sa kanya, lumapit ako sa kanya. Halatang hindi maganda ang gising niya.
“Dahil sa kanya kaya hindi ko na maitataas muli ang kamay na ito.” Sabi niya habang hinihimas ang braso niya na hindi na niya talaga maitataas. Tanging tuwid lang ang kaniyang kayang gawain at hindi na niya maililiko pa.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...