Part 48: Mission In America 1

39 21 0
                                    

KHANE'S POV

"Are you sure about this Love?" tanong ko kay Ashanti. Nasa biyahe kami papunta sa airport ihahatid ko siya dahil aalis siya ngayong araw papuntang America. Kailangan daw niyang samahan ang mga bata sa America dahil sa nangyari sa kanila.

Syempre wala naman akong magagawa kasi nasa kanya naman ang desisyon, ayaw din naman niya akong pasunurin sa America para samahan siya. Mas maganda daw kung ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko kesa raw itigil ko ito para samahan siya.

"Mabilis lang naman ito Mahal, wag kang mag-alala. Mag vivideo-call naman tayo lagi para iupdate ang isat-isa." ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"But!.."

"Walang pero pero Khane, babalik din ako. Kapag lumamig na ang sitwasyon rito sa Pilipinas masyadong mapahamak para sa akin at sa mga alaga ko para tumigil pa rito." paliwanag niya sa akin.

Tama nga naman ang sinabi niya masyadong delikado para sa kanya ang sitwasyon rito lalo na noong nangyari ang pagsabog sa LSU at sa Axacademy, at ayaw ko ng may isa pang pangyayari na papahamak sa buhay niya.

"Okay, I understand. Pero yung bilin ko ha." nakangiti sa kanyang sabi.

"Yes I know, bawal makipag-friends sa boys. Bawal magpunta sa mga bar at restaurant ng walang kasama, at last wag ibibigay ang number sa kahit sino. Nasaulo ko na Love. Ikaw may tiwala ako sayo, wala akong ipagbabawal sayo. Nasa sa iyo na mahal kung sisirain mo tiwala ko." nakangiti niyang sabi sa akin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti

"Promise na hinding hindi ko sisirain ang tiwala mo, malayo ka man sa akin."

Nagkwentuhan at nag-usap muna kami sa mga gagawin namin pagbalik ko rito sa Pilipinas ulit, masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan na para bang huli na namin itong pag-uusap. Ang masaklap pa, aalis ako sa araw ng monthsary namin. Kaya mahirap para sa aming dalawa ang malayo sa isa't isa, kasi hindi kami sanay na hindi kami magkasama sa monthsarry namin.

Pagkarating namin sa airport ay agad akong bumaba sa kotse, binuksan ko ang pintuan ng kanyang kinauupuan at pumunta sa likod ng kotse para kunin ang mga gamit niya. Nagpaalam muna kami sa isa't isa bago siya tumalikod sa akin.

Gagawin ko na ba? Shit! Kinakabahan ako, ngayon lang ako kinabahan sa tanang buhay ko ng ganito. Napatingin ako sa kabilang daan, andoon ang mga tropa ko sa kabila at nakathumbs-up lahat sakin.

Tinulungan nila ako para rito, balak ko talagang gawin ito sa beach, kaso noong nagpaalam na sa akin si Ashanti noong isang araw na babalik siyang America para alagaan ang mga bata. Kinancel ko na lahat ng mga plano ko, at napagdesisyunan namin na dito nalang sa airport.

Lumingon ako kay Ashanti na hahakbang na sana. Bahala na! Lord guide me, sana magustuhan ni Ashanti ang surprise kong ito. "Ashanti Liyan Lane Sy?"

Lumingon siya sa akin, napakagat nalang ako ng labi sa sobrang kaba. Tumngin siya sa akin at nanlaki mata niya siguro nagulat siya ng makita hawak ko. "Oh My God Khane Laxus Simpson" yan lang ang nasabi niya sa akin habang gulat na gulat pa din siya at ang mga kamay ay napatakip sa kanyang bibig.

Lord, help me. Sana magustuhan ni Ashanti ito. Pangako namin ito para sa isa't isa at pangako ko ito para sa kanya. Ito na game!

"Ashanti Liyan Lane, ito ay promise ring sa ating dalawa. Gusto kong ibigay ito sayo, para sa simbolong hinding- hindi kita iiwan at hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit sino. Sasamahan ka hanggang sa pagtanda at hanggang sa mawala na tayong dalawa sa mundong ito."

"Kahit magkalayo man tayo, pumunta ka man sa Mars or Jupiter pupuntahan kita. Pumunta ka man sa dulo ng mundo, pupuntahan pa rin kita. dahil mahal na mahal kita."

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon