NAHZURY’S POV
Two weeks!
Oo, two weeks na. Nagising na si Ashanti 2 days pagkatapos niyang dalhin rito sa N.Y. Mag-iisang linggo na rin ako rito sa N.Y.
Nagising si Ashanti 2 days, then agad siyang chineck ng mga doctor kung may nararamdaman daw itong kakaiba. Pero normal lang daw naman lahat, pero nakahiga pa rin si Ashanti sa kama niya. NIlipat na siya rito sa mansion, 3 days pagkagising niya at dito na siya binantayan ng mga doctor niya.
Nasa I.R si Ashanti (Important Room) bawat mansion ng mga Lane at Sy ay may I.R kung saan nandoon ang mga makina at gamit sa hospital, parang mini hospital siya. Pero kasing laki ng dalawang master room ito. Pinagawa talaga nila ito para kay Ashanti dahil laging nakaratay at may nakakabit na makina sa katawan ni Ashanti kaya ginawan na siya ng sariling hospital sa loob ng mansion. Para kahit papaano nababantayan siya at alam namin na walang pumapasok na iba sa kwarto niya.
Naikwento na sa amin lahat ni Ashanti tama ang hinala ni Ate Astrid na si Simpson ito at ang dalagang si Montellier.
Pagkagising nga ni Ashanti para pa rin siyang katulad ng dati, mayabang at nagtatapang-tapangan kapag nasa harap niya ang lahat. Noong una nga siyang magising ang tanong niya sa lahat.
“Bakit kayo andito? Hindi pa ako mamamatay, saka niyo na ako puntahan ng kompleto kapag patay na ako.”
Nasugatan na nga’t lahat muntik ng mamatay tapos yayabangan pa ang mga pinag-alala niya!Iba talaga!
Wala na lang kaming nasabi sa narinig na iyon, wala na lang nagsalita sa amin. Panigurado kasing lalaki pa ang gulo kapag may nagsalita sa amin, paniguradong magagalit siya.
May bakas pa rin ng pasa sa katawan niya at ginagamot pa rin ang mga sugat niya, marami kasi siyang natamo na sugat, yung labi nga niya halos pumutok na at mabingot na siya sa laki ng sugat, pero walang effect iyon, bumalik lang sa dati.
Ewan ko lang kung nabingot itong si Ashanti tanggal kayabangan nito sa katawan.
Dumating kami rito sa America ng malaman na nagising na si Ashanti, ako at si Lola kasama si Kuya Maximus.
Pagkadating namin ang siya naman pag-alis ni General dahil may mission pa daw ang mga ito at kasunod si Daddy na ayaw magpakita at makita si Ashanti. Noon naman palimang araw ang umalis si Mommy para asikasuhin ang kompanya.
Tapos bukas aalis si Ate Astrid para sa napakahalagang misyon para sa buong pamilya. Kami lang magkakapatid ang maiiwan dito kasama si Lola kasi aalis din si Kuya Howard kasabay ni Ate Astrid bukas.
Kami ang magbabantay kay Ashanti at bahalang umintindi sa kanya habang inaasikaso ng iba naming pamilya ang pag-target kay Simpson, kasama si Chrizty at ang mga alipores niya. Nasabi din sa amin ni Ashanti na si Laury White ang tumulong sa kanya sa pagtakas, at sobrang pasasalamat ni President at General kay Laury sa ginawa niyang iyon.
Ngayon andito ako sa I.R kasama itong si Ashanti na kalipon ang tatlong bata, nakahiga si Jaina at Jackie sa magkabilang higaan ni Ashanti habang si Dane ay nakaupo kalapit ng higaan ni Ashanti at hawak hawak ni Dane ang kamay ng kanyang Tita-Mommy.
“Tita-Mommy this is the first time I saw you that you have lots of bandages in your body.” sabi ni Jaina sa nakahiga ding kausap.
“Tita-Mommy is a hero, like wonder woman. Kinalaban ko lahat ng mga bad guys at kaya ako nagkasugat ay dahil reward ko ito mula sa kanila.” natatawang sabi niya sa mga bata.
“Tita-Mommy, lagi po ba kayong nakikipag-away?” tanong ni Dane, napaangat ng ulo si Ashanti at tiningnan si Dane saka tumingin sa akin si Ashanti.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...