ASHANTI’S POV
Maaga pa lamang ay umalis na kami sa resort na tinutulugan namin. Balak na naming tapusin sa araw na ito ang ilang trabaho na naririto sa lugar na ito. Para sana ay may ilang araw pa kaming magbakasyon, pero magagawa naman namin yun. Kung mahahanap at makukumbinsi agad namin ang mga tao na kailangan naming na hanapin.
“San ba kasi ang bahay nong Greg Matahimik na yun?” nasusurang tanong sa akin ni Nahzury habang nagmamaneho ng kotse.
“Dito daw yun.” Turo ko sa paligid nang makita ko na ang number ng bahay na hinahanap namin ay agad akong bumaba at agad na hinanap ang taong kailangan ko. Katulad ng una, ganun din ang gagawin ko ang makipag-usap sa kanila at ang kumbinsihin na sampahan ng kaso itong si Sandoval.
Agad ko siyang hinanap at nakipagkilala sa kanya, okay naman ang usapan naming dalawa, tungkol sa nasabing lupa.
“Mister Matahimik, bibilisan na namin ang usapan na ito, dahil marami pa kaming pupuntahan na tao katulad niyo na naagrabyado ni Sandoval.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Sige Iha, kaano-ano ba kayo ni Sandoval at bakit kayo ang gumagawa ng mga kailangan niyang gawin?” nakakunot ang noo na sabi ni Manong.
Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Wala po, di po siya namin kaano-ano pero trabaho po namin ito.” Seryosong sabi ko sa kanya. Agad na naming sinimulan ang pagtatanong.
“May nakatayo na po bang building sa lupain niyo?” tanong ko sa kanya. Agad naman niyang pinagdikit ang dalawang palad at tumingin ng seryoso sa amin.
“Meron na mga iha. Kaya masasabi ko na wala nang laban ang lupa ko.” Mahina pero may halong galit sa sinabi niya. Agad siyang tumungo kita sa mukha niya ang lungkot na nadarama.
Nagkatinginan kami ni Nahzury at tinanguan lang niya ako para ipagpatuloy ang ginagawa ko. “Maari pong wala ng laban ang lupa niyo, pero dapat bayaran kayo sa tamang presyo.” Seryosong sabi ko sa kanya agad siyang tumunghay at nagliwanag ang kaninang malungkot na mukha.
“Diba kulang ang binayad sa inyo ng negosyante na iyon? Maari po nating makuha ang kulang na bayad na iyon sa kanila.” kumpyansang sabi ko sa kanya.
“Kung ganoon may matatanggap pa kaming pera sa lupa na naipagbenta namin?” tanong niya agad akong tumango sa sinabi niya. Agad siyang tumayo at niyakap ang asawa na buntis.
“May pera na tayo para sa panganganak mo, Mahal.” Sabi niya sa asawa at niyakap ulit ito.
“Ilang buwan na po ang dinadala niyong iyan?” tanong ni Nahzury sa asawa ni Manong Greg.
“Walong buwan na tagay. Pasalamat nga ako at nakapagbuntis pa ako, dahil sabi ng doctor ay wala ng tyansa na mabuntis pa ako.” Naiiyak na sabi ng ginang.
“So lucky, that’s a miracle Maam. Ano po babae ba o lalaki?” natutuwang tanong ko sa kanya.
Agad niyang hinimas ang malaking tiyan ng nakangiti at agad na binalik sa amin ang paningin. “Twin itong dinadala ko, isang babae at lalaki.” Tuwang saad ng ginang sa amin. Agad naman naming pinalakpakan ang mag-asawa.
“You’re so lucky Mrs. Matahimik.” Saad ni Nahzury na nakatingin sa ginang habang kinukuhanan ng video ang mag-asawa na magkayakap.
“Thank you. Miss Lane and Ms. Choi.” Pasasalamat niya sa amin.
Ilang oras rin ang nilagi namin doon ay umalis na kami para hanapin ang iba pang tao na nasa listahan namin.
Agad naman silang natuwa sa mga narinig at kung ano anong balita tungkol sa amin. At laking tuwa namin ni Nahzury na bigyan kami ng masarap na agahan ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...