KHANE’S POV
Bigla akong kinabahan, mukhang may masamang nangyayari.
May kausap kanina si Montellier sa kanyang laptop at tanging siya ang nakakarinig noon, pinapakita niya ang mga mukha namin isa-isa. Sino ang kausap niya?
Ashanti kung naririto ka man sa lugar ito. Please Mahal, huwag mong isusuko ang sarili mo para sa kaligtasan naming lahat.
Huwag mong isusugal ang sarili mo para sa aming lahat, may way kami para makatakas rito. Kaya huwag mong isusuko ang sarili mo rito sa napakahayop na kalaban nating ito.
Nagulat kaming lahat ng biglang may pumasok rito sa loob ng warehouse, isang taong may sako sa ulo. Hindi ko makilala kung sino ito, pero sa tingin ko isa itong babae.
“May special kayong bisita.” nakangiting sabi ni Montellier sa amin at nilapitan ang babaeng nakaupo sa upuan na may sako sa ulo.
Tiningnan ko ang paa nito at biglang nanlaki ang mata ko ng makita kung kaninong paa ito. “Ashanti.” sabi ko kahit na parang bulol ako magsalita dahil sa tape na nasa bunganga ko. Napatingin sa akin ang ilang kasama ko.
Tumingin ako sa kanila at tinuturo sa kanila gamit ang ulo ko si Ashanti, tumayo si Lolo sa pagkakaupo at lumapit kay Ashanting nakaupo at may sako sa ulo, tiningnan ako ang paa nitong duguan at ang damit nitong puro duguan.
Anong ginawa niyo?!!!!
Mga demonyo kayo! Anong ginawa niyo sa minamahal ko! Mga hayop kayo! Anong ginawa niyo sa kanya!
Unti-unting tumulo ang luha ko sa pag-aalala kay Ashanti, tumingin ako sa paligid. Ribo!
Asan si Ribo?
Dapat kasama niya ito! Bakit wala si Ribo?
Dapat hindi hinayaan ni Ribo na mangyari ito! Nasaaan siya?!
“Totoo ngang hindi nagsisinungaling ang pag-ibig.” sabi ni Montellier tumingin ako sa kanya ng masama.
“Putangina mo!”
“Demonyo ka!”
“Anong sinasabi niya?” tanong ni Montellier sa kasamahan. “Ewan ko Sir, ngungo ei.” sabi ng mga ito sabay tawa.
“Gusto ko lang ipakilala sa inyong lahat ang inyong tagapagtanggol.” nakangiting sabi ni Montellier sa amin, tumingin si Montellier kay Lolo.
Lumapit si Lolo kay Ashanti. “Tama ka Iho, ito ang minamahal mo!” sabi nito sabay tanggal ng sako na nasa ulunan nito.
Duguan ang kaliwang bahagi ng mukha ni Ashanti na mukhang pinalo siya sa ulo at dumugo ito at tumulo sa kanyang kaliwang pisngi, duguan rin ang katawan nito at may mga galos ito sa katawan pati sa mukha.
“Gisingin niyo!” sigaw ni Lolo, kinuha ng tauhan ang isang balde ng tubig at binuhos kay Ashanti.
Basang basa si Ashanti ay dahan dahan niyang ginalaw ang katawan niya at iminulat ang kanyang mga mata, tumingin ito sa paligid at pagkatingin sa amin ay ngumiti ito sa amin na mukhang masaya siyang nakita kami.
Tumingin siya sa nasa gilid, ngumiti si Ashanti rito at nakita kong pumatak ang hula mula sa mata niya.
“Ito lang naman ang taong magsasalba sa inyong lahat.” sabi ni Montellier sa amin, nagsimulang mag-ingayan ang pamilya ni Ashanti, pero si Ashanti ay nakangiti pa rin sa amin.
“Patayuin niyo iyan, dalhin sa laboratoryo.” pagkasabi ni Montellier noon ay nagsimulang mag-iyakan ang pamilya ni Ashanti. Tinagtag ng tauhan ni Montellier isa isa ang mga tape sa aming mga bibig.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...