KHANE’S POV
“Dahil si Ashanti ay tunay na Ashanti Liyan Lane-Sy at siya ay ang tunay na may-ari ng napakaraming ari-arian ng mga Lane at Sy at ang isa pa dahil siya ang highness at nasa katawan niya ang kinabukasan ng bawat tao. Ang buhay na walang kamatayan!”
“Oo Khane, ako nga! Ako nga si Z ang Axe Sy, at tapos ka na sa trabaho mo para sa anak ko. Wala ka ng trabahong gagawin sa kanya. Dahil nakuha mo na ito!”
“Now, ang target mo na ay ang kalaban ng highness. Bilang isang protector ng Highness.”
Nalilito ako, hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko at hindi ko alam kung ano ang naririnig ko, kung tama ba ang naririnig ko? Kung tama ba lahat ng nalalaman ko, kung totoo ba ito o panaginip lang.
Andito ako ngayon sa mga bench nakaupo, iniisip pa rin kung ano ba ang nangyayari at nalaman ko, kung totoo ba lahat ng ito. Halos mag-iisang oras na din ako rito, nakatingin sa tahimik na dagat na nasa malayo.
“Khane?” boses ng isang babae, humarap ako sa tumawag at ngumiti kay Astrid na naglalakad palapit sa akin na may hawak na isang ipad.
Umupo siya sa tabi ko at binigay sa akin ang ipad na hawak niya. “Siguro kailangan mo rin malaman kung ano nga ba si Ashanti at sino talaga ang babaeng minamahal mo.” nakangiti niyang sabi sa akin.
Tumingin lang ako sa kanya.
“Paniguradong naguguluhan ka pa rin sa mga oras na ito, pero kapag nalaman mo na ang katotohanan ay maiintindihan mo na kung bakit namin ikaw kailangan.” nakangiting sabi niya.
Tumingin lang ako sa ipad na hawak hawak ko at nagsimula ng magkwento si Astrid tungkol kay Ashanti.
“Si Daddy at Montellier ay matalik na magkaibigan, lagi silang magkasama sa mga overseas operation, kung saan parang Organization rin, sa isang operation nila ay nakakita sila ng malaking kaso sa Iran, may isang lalaki na nagbigay sa kanilang dalawa bago ito mamatay ng isang flashdrive kung saan naglalaman ang mga pagawaan at malaking taniman ng marijuana at napakaraming mga illegal na business ang nasa loob noon. Sa sobrang kasakiman ni Montellier at mas gusto pa niya lalong maging mayaman ay gusto niya makuha ang flashdrive na iyon na hawak ni Daddy para siya ang mag-operate ng mga iyon.”
“Pero bago pa man, ay nasabi na ng aking ama na may nakuha sila na ganong impormasyon sa Iran noong may operation ang mga ito. Sinabi niya ito sa Presidente at ilan pang Presidente ng bansa, ang gusto nila ay tahimik na sirain ang mga iyon na hindi lumalabas sa media at sa mga tao at nasabi na rin niya ang plano ni Montellier sa nakuhang impormasyon, kaya walang ano ano ay pinatalsik nila ito sa serbisyo.”
“Nasaan ang flashdrive na iyon?” tanong ko sa kanya.
“Malalaman mo rin mamaya, kapag nalaman mo na ang totoo kay Ashanti.” nakangiting sabi niya, nangunot naman ang aking noo sa sinabi niya.
“Si Ashanti ay totoong anak nina Axe Sy at Ashley Lane, mali ang sinasabi niya na anak siya sa labas. Noong daycare si Ashanti may nangyaring trahedya, tinatago namin si Ashanti dahil siya ang kahinaan ng aming ama, kapag may nangyaring masama rito ay paniguradong gagawa siya ng paraan para maayos ang gulo. Nabaril si Ashanti sa kanyang kanang braso, kasabay ang pagbagsak nito sa sahig at napasalpok ng malakas ang kanyang ulo. Si Montellier ang gumawa nito, namatay ang asawa ni Montellier dahil sa pagprotekta sa balang tatama kay Ashanti na dapat sana ay sa dibdib ito tatama pero kay Mrs. Montellier nito ito nabaril.”
“Isang taon at apat na buwan si Ashanti na comma, unang dinala siya sa China upang ayusin ang kanang kamay niya. Ang mga Choi ang nag-asikaso sa kanya habang ito ay nakacomma at ilang mga magagaling na doctor galing sa ibang bansa. Kasabay ng pag-alalaga kay Ashanti ay ang pagbuo ng kanilang experiment na gagamitin sa hinaharap na tinatawag nilang New World. Hindi sila nagtagumpay sa China kaya nilipat sa Korea kung saan may isa sa mga hospital ang mga Choi, hindi rin sila nagtagumpay dahil talagang hinahanap sila ng mga tauhan ni Montellier para malaman kung nasaan si Ashanti.”
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...