NAHZURY’S POV
Halos hindi magkandauga-ga si Ate Astrid at Olivia sa kakakatok sa kwarto ni Ashanti, masyadong masarap ang tulog nito at hindi niya alam na nagkakagulo na rito sa loob ng mansion.
Pagkabukas na pagkabukas ng tv ay balita agad kay Ashanti at sa isang hindi daw na kilalang babae, nakita na sinabunutan ng hindi kilalang babae si Ashanti at kitang kita sa video ang pagbangga ni Ashanti ng sasakyan sa likuran na kotse.
Sinasabi pa sa balita na aksidente na nabangga ni Ashanti dahil hindi ito marunong magmaneho. Pero para sa amin na kilalang kilala siya talagang hindi niya sinasadya ang pangyayaring iyon. Halatang binayaran ang lahat ng TV Station para ipalabas na mas masama ang babaeng hindi kilala. Pero hindi natin alam kung sino ang may kasalanan, dahil wala naman ako sa pangyayaring iyon.
Napag-alaman pa namin na nasa auction si Ashanti kagabi, kaya naman pala alas onse na siya nakauwi at hatid-hatid pa siya ni Mr. Harisson at ang isa pang nakakapagtaka kasama daw ni Ashanti ang binatang si Ribo Elexier Lee na may-ari ng Pearl University sa auction na iyon.
Kaya naman pala kanina ay may dumating ditong isang Mercedes Benz dahil nakuha niya ito mula sa auction.
“Ashanti!” sigaw ni Ate sa pintuan ni Ashanti. Walang magagawa, tulog mantika ang isang iyan. Kaya kahit anong ingay at bulabog ay hindi siya magigising.
“Olivia, go get the keys!” sigaw niya muli, agad akong tumaas sa second floor.
Baka kung anong gawin na ni Ate Astrid kay Ashanti kapag nagkataon na nabuksan na niya ang pintuan. Ilang minuto ay dumating si Olivia dala dala ang mga susi ng kwarto.
Isa-isa naming tenesting lahat ng susi at matapos ang tatlong minuto nabuksan rin namin ang pintuan ng kwarto ni Ashanti. “The hell you are!” sigaw ni Ate sabay hablot ng unan sa kama at hampas kay Ashanti. Napasigaw naman si Ashanti sa pagkakagulat sa paghampas.
Agad na lumabas si Olivia sa kwarto dahil alam na niya ang mangyayari.
“OLIVIAAAAAAAAAAA!” sigaw ni Ashanti, si Olivia talaga ang una niyang sisigawan dahil ito lang may hawak ng susi at ang ayaw ni Ashanti sa gitna ng pagtulog niya ay ginigising siya.
Umupo si Ashanti sa kanyang kama at masama ang tingin sa amin. “Anong ginawa mo nanaman kagabi?” tanong ni Ate sa kanya na halatang nagpipigil lang ng galit at nagiging mabait baitan lang kay Ashanti.
“Pinaganda ko lang naman ang araw ng isang taong nagtatangka sa akin.” nakangiti niyang sabi, nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
“Huh?” yan lang nasabi ko.
“Kinakalaban niya ako simula palang, kaya binigyan ko lang naman siya ng araw na hindi makakalimutan ang maging sikat siya.” nakangiting sabi nito ulit.
“Anong ginawa mo sa auction na iyon?” tanong ni Ate Astrid pero tumayo lang si Ashanti at naglakad papunta sa kanyang bintana, hinawi ang kurtina at tumingin sa labas.
“Nagpakilala, uminom ng wine, nakipag bid sa mga sasakyan na nandoon at naglustay ng aking pera.” nakangiti niyang sabi habang nakatingin pa rin sa labas ng kanyang bintana.
“Ow mukhang madami dami akong bisita ah.” nakangiti niyang sabi.
“Kanina pa ang mga reporter na iyan, gusto ka nilang hingian ng sagot tungkol sa nangyari kagabi.” paliwanag ni Ate Astrid sa kanya.
“Papasukin mo sila, magbibigay ako ng statement.” nakangiti niyang sabi sa amin, humarap siya sa amin at naglakad papunta sa kanyang banyo.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...