Part 28: HALA PAKTAY!

53 47 0
                                    

KHANE’S POV

Kahapon ko pang hindi nakikita at nakakausap si Ashanti. Ni hindi siya pumayag na makipag-date sa akin, hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. Ano kayang nangyayari nanaman sa kanya?

“Ano pare na-contact mo?” tanong sa akin ni Blue pero umiling lang ako sa kanya. Binalik ko sa bag ang aking cellphone at nagsimula nang ayusin ang sintas ng aking sapatos. Andito kami sa gym, nagprapractice kami para bukas. Dahil may laban ang Business Administration at Engineering. Kailangan naming paghandaan ang laban na ito dahil alam namin na nagiging magaling na ang kalaban namin.

“Okay warm up!” sigaw ng coach namin, agad akong nagpunta sa pwesto at tumalon talon ng kaunti pagkatapos ay nag-dribble at nag-shoot ng ilan.

Pagkatapos ng warm up ay nagsiupo kami sa sahig, pinupunasan ang pawis at umiinom ng tubig samantalang ako ay tutok pa rin sa aking telepono at nag-aantay sa reply ni Ashanti na kagabi pa hindi tumutugon.

“Mr. Simpson, are you with us?” tanong niya sa akin, agad kong naitago ang telepono at tumango sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pag-di-discuss kung ano ang gagawin bukas.

“Okay, Simpson, Dixon, Harper, Catapang, Serrano. Kayo ang first five.” Turo sa amin isa-isa ni Sir na kanyang tinawag.

“Tandaan niyo, di ko kailangan ng magaling sa tres. Okay na ang dos lang, pero sana galingan niyo ang pag-assist at pagdadala ng bola. Kung kayang i-rebound gawain. Wag kayong magpapauyuhan. Ang kailangan ko unang una, teamwork, hindi yung matakaw sa bola. Understood?” seryoso niyang sabi.
“Yes, Sir.” Sabay-sabay naming sabi.

“Oh sige last game nalang at pwede na kayong magsi-uwi.” Sabi niya sabay tayo, at naglakad papunta sa bench. Namili ako ng aking kasagpi. Ganun din si Blue. Kaming dalawa ni Blue ang magkalaban, at kailangan na naming mamili ng kasapi.

Nang matapos mamili ay agad na sinumulan ang labanan. Sa una ay easy palang para sa akin ang laban, dahil hindi naman seneseryoso ni Blue ang paglalaro kapag practice lang, pag- nagtatangka siyang mag-shoot ay laging block kay Macamundo isa sa kasapi ko.

Nang makuha na namin ang bola, ay agad na pinasa sa akin ni Macamundo ang bola, at mula sa half court ay tinira ko. AND BEYM! Tres for Khane! Patakbong lumapit sa akin si Eleven at hinampas ako sa balikat.

“Good job bro!” bulong niya bago tumakbo muli pabalik ng court. Na kay Kyle ang bola at ang binabantayan ko ngayon ay si Blue. Nakangiti siya sa akin, alam ko ang galawan niya.

Nginingitian niya ang kalaban para madistract ito at isipin ng kalaban kung ngingitian din ba siya, pero hindi ume-effect sa akin ang gusto niyang sinabi na “Hallucination”.

Tapos na ang 1st quarter at 19-22 lang ang score twenty-two kami at nineteen sila. Kaunti lang ang lamang, pero kaya nilang habulin yan kung hindi kami magseseryoso sa laban.

Nag-timeout muna si Coach at tatakbong pumunta ako sa bench para kunin ang aking inumin. Nagpa-palit ako kay Catapang at nagpahinga muna ng kaunti. Nagsimula muli ang labanan at kinuha ko lang ang phone ko at tiningnan kung nakapag-reply na si Ash pero wala pa rin.

“Simpson may problem aba?” tanong sa akin ni Coach, agad kong tinago ang aking cellphone ng tumabi siya sa akin. “Wala po Coach.” Matigas kong sabi sa kanya. Tinapik niya ang balikat ko at umupo sa tabi ko.

“Kung mayroon man ay ayusin mo na agad, alam ko ang ugali mo kapag may problema ka at may laro. Masyado kang nanggigil sa bola at kalaban.” Natatawa niyang sabi, natawa rin ako sa sinabi niya.

Totoo ang sinasabi ni Coach kapag may problema nga ako ganoon akong tao sa loob ng court pero ibang-iba sa labas ng court. Nga pala si Coach nga pala ay isang FIL-AM. Kinuha siya ng school para talagang dito mag-coach sa University na ito at dinodoble pa ng school na ito ang trabaho niya upang hindi na siya umalis ng bansa at nangyari nga iyon dahil sa napamahal na rin siya sa estudyante niya ay nag-aral siya magtagalog. Kaya ayan, nakaka-usap na namin siya ng ayos.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon