ASHANTI'S POV
Ngayong nalaman ko na kung sino talaga ang nasa likod ng pangyayari na ito, kailangan ko na muli ng mga plano para laruin ang matinik na kalaro. Kailangan ko na rin tapusin ang mga nasimulan ko ng plano.
Naandito ako sa opisina ni Chua, kakarating lang niya kagabi galing sa isang business trip sa Korea. Marami naman siyang nakuhang mga ka-partner para sa panibagong itatayo niya na negosyo. Sinabi niya sa akin na gusto niyang magtayo ng isang Ospital lalo't lalo na rito sa Pilipinas, marami na rin kasing mga lugar na walang ospital. Kaya gusto niyang magpatayo sa probinsya upang malapit lamang ang mga ospital na ito sa mga tao.
Tama naman ang naisip niya, bukod sa nakapagpatayo siya ng Ospital ay mas mura ang mga pa-konsulta at mga gamot ng Ospital na ipapagawa niya.
"Kamusta ang trabaho?" tanong niya sa akin, tumingin ako sa kanya na may maskara sa mukha. Talagang hindi siya nagpapakita ng mukha sa kahit sinong empleyado niya.
Talagang hindi niya hinahayaan na malaman ng iba ang itsura niya. Minsan naiisip ko, masama ba siyang lalaki? Para itago ang mukha niya? O baka naman nasunog ang mukha niya, kaya tinatago niya.
Basta kapag tinatanong ko siya tungkol sa pag-aalis ng maskara ay ganito lang ang sasabihin niya'Tatanggalin ko ito, kapag nasa tamang panahon at oras na.' Yan lang ang sinasabi niya, hindi ko man maintindihan pero sa tingin ko. Pinaghahandaan niya ang pagpapakita niya ng mukha.
"Okay lang naman ako Chua, ikaw kamusta ang Trip sa Korea? Nga pala, nabayaran ka na ba ng Batang Chua sa kanyang nakuha sa iyo?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"Okay lang naman ako, Oo nabayaran na ng Batang iyon ang utang niya. Tapos na ang palugit na dalawang buwan sa kanya. Kaya kailangan na niyang magbayad."
"San mo naman ngayon dadalhin ang perang nakuha mo, paniguradong barya nalang sa iyo ang ganoong halaga Chua. Sumisikat ka na ata." Palabiro kong sabi sa kanya.
"Ano ka ba Anak.. este my Princess. Hindi naman porket kumikita ang kompanya at dumadami ang investor ay sumisikat ako?" sabi niya. "Sa pagkakaalam ko ay, marami ng gustong makipag negosyo sa iyo?" tanong ko sa kanya.
"Maraming nakikipag negosyo, maraming kaaway. Tandaan mo Ash, sa pagsikat mo, mas marami ang naiinggit sa iyo." Seryoso niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Kaya maingat ka sa padating na delubyo, mamaya magigitla ka nalang sa kilos ng kalaban mo." Sabi ko sa hangin.
"Ano?" tanong niya sa akin. "Wala, paniguradong may mga tao na hindi tapat sa iyo, lalo't lalo na ang mga taong pinagkakatiwalaan mo." Nakangiti ko sa kanyang sabi sabay lagpas ng tingin sa dalawang babae na katabi ng butler ni Chua.
Inirapan nila ako ng mata, napatingin muli ako kay Chua. "Tapos na ang trabaho ko Chua, kaya sana ay bigyan mo ako ng ilang buwan na pahinga upang sa ibang trabaho naman ako magfocus." Nakangiti ko sa kanyang sabi, tumingin si Chua sa butler niya at may binulong.
Tumingin naman ako sa dalawang babae na nakatingin sa akin.
Dito pala kayo nagtratrabaho? Ngayon, kayo ang pupuntiryahin ko para sa plano ko. Ang tatalino niyong tao, talagang kayo ang lumalapit para maging madali ang trabaho ko."Paano Chua, aalis na kayo. Magkita nalang tayo kung may oras ka pa." nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumayo na ako at lumakad palayo pero bago ko pihitin ang doorknob ay tumingin muli ako sa dalawang babae na nakacross arms at masama ang tingin sa akin. Nang makaalis na ako sa opisina ay agad kong pinaypayan ang sarili. Grabe ang init ng awra sa loob ng opisina.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Teen FictionAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...