Part 43: The Start of KARMA

36 27 0
                                    

KHANE’S POV

Malakas ang ulan ngayong katanghalian, naandito ako sa isang food chain sa loob ng university, kasama si Ashanti at kumakain ng inorder namin na pagkain, katulad ng sinabi niya ay natuloy ang usapan naming mag lunch kahit maulan.

“Saan ka galing kagabi?” tanong ko sa kanya, napatigil naman siya sa pagsubo ng pagkain at binaba ang kutsara na may laman pa.

“Sa mansion, bakit saan pa ba ako pupunta?” tanong niya sa akin, at sumandok muli ng pagkain sa pinggan.

Sinungaling! Ngayon lang ikaw nagsinungaling sa akin, ngayon lang siya naglihim sa akin. Anong ginawa mo sa presinto? Bakit ka nandoon?

Bumalik ulit siya sa pagkain at hindi ko na siya tinanong pa.

“Bakit kaya hindi na kumakanta ngayon si Miss A?”

“Siguro busy sa lovelife?”

“Oy tingnan mo si Miss A.”

“Tara alis na tayo, baka narinig nila tayo.”

Tumingin si Ash sa dalawang babae at ngumisi, hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

“Don’t mind them.” nakangiting sabi ko sa kanya, tumango siya sa akin.

“Nga pala napag-isipan mo na ba ang gagawin mong proposal sa lolo mo?” tanong niya sa akin, tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti.

“Balak ko sana na magpatayo ng isang Game Entertainment.” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Susuportahan kita sa gusto mo. Pero ano ang ipapangalan mo? Kung ang Mobile Legends ay may Moontoon ang Clash of Clans ay may Supercell. Ano ang sayo?” tanong niya sa akin, napaisip naman ako sa sinabi niya.

Kailangan ko ng pangalan para sa gagawin ko na iyon, balak ko naman talaga na magpatayo noon, kasi isa kaming gamer ng mga barkada ko.

Libangan namin ang maglaro ng online games kapag walang trabaho at practice ng basketball.

Yun ang pinagkakaabalahan namin bukod kumanta. Anong ipapangalan ko doon? Bahala na.

“Pag-iisipan ko muna.” nakangiting sabi ko sa kanya. Siguro kapag napag-isipan ko na saka ko ibibigay ang proposal kay Lolo. Kapag ayos na kaming dalawa.

Nagsimula na kaming kumain, ng bigla kong marinig ang isang balita sa tv. “Pinaghahanap ngayon ang isang mayaman na negosyante na si Solomon Montellier na sinasabing nagmamay-ari ng mga niraid ng mga pulis na gawaan ng mga shabu. Sinasabing hindi lamang iisang gawaan ang mayroon siya at mayroong iba. Siya rin ang tinuturo na nagpasabog ng parking lot ng LSU dahil kitang kita sa usb na ang isa sa pamangkin niya ay ang naglagay ng bomba sa sasakyan ng anak ng may-ari ng eskwelahan. Nagbabalita ……..”

Tumingin ako kay Ashanti, ito ba ang dahilan kung bakit nasa presinto siya kagabi? Kung bakit lagi siyang busy? Hindi ko alam at bakit hindi ko inalam? Ang gago ko!

*phone rings*

Kinuha ni Ashanti ang cellphone sa bulsa at nagpaalam muna siya sa akin saglit para sagutin ang tawag pumayag naman ako sa kanya at nagsimulang sumubo ng pagkain.

Tiningnan ko lang siya sa labas at halata sa mukha niya na seryoso siya.

Sorry kung pinagsupetsyahan kita, sorry kung pinababantayan kita.

Sorry hindi ko alam na may ganito ka palang pinagdadaanan at sorry dahil hindi ko man lamang inalam.

ASHANTI’S POV

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon