ZIA'S POV
Naandito ako ngayon sa isang Italian restaurant kung saan kumakain ang magsyotang Ashanti at Khane, kanina pa ako rito sa kotse at walang ginawa kundi manmanan ang nasa kotseng itim na pag-mamay-ari ni Hillary.
Lunch ngayon ng LSU kaya naman nakakalabas ang mga estudyante. Kaya naman nakagawa ako ng dahilan upang bantayan si Hillary.
Masayang makikita ang magsyota sa loob ng restaurant na nagsusubuan ng pagkain at nagkukulitan, di mo rin aakalain na ang isang Ashanti ay magmamahal pa. Kanina ko pa tinitingnan sa scope ang kotse ni Hillary pero hindi ko maaninag ng ayos ang loob ng kotse niya, dahil sa sobrang tinted ng salamin niya.
Binantayan ko lang ang magsyota hanggang sa umalis na ang sila sa restaurant at papalabas na. Agad kong binuhay ang makina ng aking sasakyan at tinawagan ang mga tauhan ko na nakabantay lang sa kung saan.
Masaya sina Ashanti at Khane na magkahawak kamay na naglalakad papunta sa sasakyan nila, pagkasakay na pagkasakay nila ay agad rin silang umalis. Inantay ko munang sumunod itong binabantayan ko, pero hindi pa siya umalis nagbilang ako ng sampung minuto saka lamang siya umalis ng restaurant, binaling ko agad ang manibela at sumunod sa kanya.
Hindi mabilis ang takbo niya, tama lang para sabihin na hindi siya nakasunod sa target niya. Malapit na kami sa may school ng tawagan akong muli ng mga kasamahan ko.
"San na?" tanong ko sa kausap ko.
"On the way na." sabi niya, sabay overtake sa akin ng isang itim na van.
Alam ko na sila na iyon kaya hininaan ko ang takbo at tumigil saglit, upang isuot ang aking mask at sunglasses, pati gora para hindi halata ng cctv.
Pagkalagay ko noon ay nagsimula na uli akong magdrive, tiningnan ko ang van na umu-overtake sa kotse pero hindi ito makagawa ng kilos dahil sa paparating na sasakyan. Ilang saglit pa ay dumaan kami sa lugar kung saan may isang park na hindi pinupuntahan ng mga tao, malapit na ito sa university kaya agad akong nagsalita sa kausap ko sa telepono.
"Now."
Nakita kong nakaovertake ang van at agad na iniharang ang sasakyan sa kotse, mabilis at sobrang lakas ng preno ng kotse at agad na napahinto.
Tinigil ko ang sasakyan ko sa likod, at agad na kinuha ang baril na nakalagay lamang sa gilid ng bewang ko.
Lumabas ako sa kotse kasabay ng ilang tauhan sa van. Lumabas sila ng may ibang mask at ibang porma, para hindi halata na isa kami sa org gangs.
Binasag ng isa ang salamin ng bintana kung nasaan si Hillary, at agad na pinalabas. Sumunod naman ang babae, pero maya-maya pa ay pinagsisipa niya ang mga alaga ng mga ito.
Nakatingin lang akong lumapit sa kanya habang pinagsusuntok niya ang mga tauhan ko, dinagukan ko siya ng malakas na agad na kinatulog nito.
Pinabuhat ko na sa mga tauhan ang babaeng iyon at dadalhin na sa hideout kung saan doon ang pinag-usapan namin ni Ashanti.
Pagkasakay sa kotse ay tinawagan ko agad si Ashanti. "Hawak ko na." sabi ko sa kanya, habang nakangiting tinitingnan kung paano ipasok ang tulog na si Hillary sa van.
"Okay, I'll be there on 30 minutes." Sabi niya sabay patay ng tawag. Binuksan ko na ang engine ng sasakyan at binaling na ang manibela upang umikot at makaalis na sa lugar na iyon.
ASHANTI'S POV
"Ibang gora, ibang mask, ibang damit." May awtoridad na sabi ko kay Nahzury habang nagpapalit siya ng damit. Paulit- ulit ko ng sinasabi sa kanya pero hindi pa rin niya magets. "Okay! Okay!" sabi niya habang ang dalawang kamay ay nakataas na parang pinapakalma ako.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Novela JuvenilAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...