Part 29: MIA (MISSING IN ACTION)

62 45 0
                                    

ASHANTI’S POV

“Where did you go?!” sigaw sa akin ni Kuya Howard.

“None of your business.” Yan lang ang nasabi ko habang naglalakad palampas sa kanya.

“Ash what’s wrong with you?” tanong niya sa akin, pero umakyat na ako ng hagdan.

“ASH!” hindi ko nalang siya pinakinggan at nagpatuloy lamang sa paakyat sa hagdan. Wala akong pakialam ngayon sa mundo, ang gusto ko lang ay magalit at magalit sa nasaksihan at nakita ko!
Paano niya nagawa sa akin iyon?

Wala pa kaming isang buwan na mag syota ay nagawa niya na lokohin ako, anong klase siyang tao? Na porke’t hindi ako nagpaparamdam sa kanya ay hahanap siya ng taong makakapunan ng ligaya niya?

What the fuck! Lalaki ba talaga siya?! Seryoso ba talaga siya sa nararamdaman niya?! Oh niloloko niya lang ako, at talagang hindi siya seryoso sa nararamdaman niya.
                               ----
Day past.. Mag-iisang linggo na kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Wala akong pakialam kung umabot kami ng isang buwan o isang taon.

Hindi man lang siya nag-abala na magpaliwanag, ni hindi rin siya nag-abala na magpunta sa bahay. Syota ko ba talaga siya?

“Ash may bisita ka.” Sabi sa akin ng bakla kong kaklase. Tumingin lang ako sa pintuan, ang mga kaibigan ni Khane na may dala-dalang mga bulaklak.

Tumayo ako para puntahan sila at pagkatayo ko ay agad na naghiyawan ang aking mga kaklase sa hindi ko malamang dahilan. Lumapit ako kay na Blue na may dalang white rose, anong pakulo nila?

Lumuhod sila sabay-sabay at inaabot sa akin ang hawak nilang mga bulaklak.

“Ash patawarin mo sana kami, hindi namin nasabihan si Khane na lumayo kay Hailee.” Sabi ni Eleven, napameawang ako sa sinabi niya.

“Kailangan pa bang sabihin Eleven? Dahil kung talagang seryoso siya, siya na ang lalayo sa hitad na iyon! Hindi yung hinahayaan niya lang na kumapit sa kanya at landiin siya ng hitad na iyon!” sigaw ko sa mga kaharap kong nakaluhod na lalaki.

Napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin sa akin at sa amin.

Tumingin muli ako sa mga lalaking nakaluhod sa harapan ko. “Blue sabihin mo don sa magaling mong kaibigan na hindi ko kailangan ng asungot niya at mga pabulaklak niya.”
Pagkasabi ko noon kay Blue ay agad akong pumasok ng room at kinuha ang bag ko.

“Miss Ash, san po kayo pupunta? Mayroon pa po tayong klase.” Sabi ng President ng classroom namin. Di ko na siya tiningnan at sinakbit sa balikat ang bag ko.

“Nawalan ako ng gana.” Yan lang ang sinabi ko at lumabas na ng room.

Agad na sumakay sa elevator at bago pa man sumara ang pintuan ng elevator ay nakita ko si Khane na nakatayo sa tapat ng elevator at ang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

Siniringan ko lang siya ng mata. Ano? Anong gagawin mo? Tatayo ka lang ba diyan? Maghihintay ng himala? Ganan pala pataasan ng pride? Oh sige tingnan natin kung sino ang mawawalan ng bula sa sa ating dalawa.

Nang magbukas ang pintuan ay agad akong nagulat ng makita ko sa harapan sina Khane kasama ang
kanyang mga asungot.

“ASH please listen to me.” Mahinahon niyang sabi. Pero di ko siya pinansin patuloy lang akong naglakad palabas ng building at maglakad papunta sa parking lot.

Agad na sumakay sa kotse at mabilis na binuksan ang makina at harurot na umalis ng lugar na iyon. Habang nagmamaneho ay napapatingin ako sa front mirror, nagbabakasakali na habulin niya ako. Pero, Wala! Hindi niya ako hinabol!

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon