KHANE'S POV
Isang linggo ang nakalipas pagkatapos ng pangyayaring iyon sa Tagaytay. Hindi namin inaakala na andoon si Ashanti sa Tagaytay at makakasama namin siya sa gala namin. Wala akong nagawa kundi ang samahan siya dahil ayaw kong maging malungkot siya.
Parang kapag kaharap ko siya ang plano kong pag-iwas sa kanya ay nawawala. Naging masaya ako noong kasama ko siya, grabe iyong saya ko sa mga sandaling nakasama ko siya sa gala na iyon. Pero nawala rin ang mga iyon sa mga sunod na araw.
Tuluyan ko ng iniiwasan si Ashanti, hindi na ako masyadong natawag sa kanya at hindi na rin ako masyadong nagpapakita sa kanya. Gumagawa talaga siya ng paraan para makasama ako, pero itong gumagawa ng maraming dahilan para iwasan siya.
May pagkakataon na nagpunta si Ashanti sa bago naming bahay para puntahan ako at mag-date kami, pero wala ako doon, tamang tama na nasa warehouse ako at may ginagawa kami ng grupo ko. Kaya noong nalaman niya na wala ako doon ay sa pamilya ko nalang siya nakipag-bonding.
May isang pagkakataon pa na talagang bumisita siya ng school ko para makasama akong kumain ng lunch dahil nagpareserve daw siya ng table para sa amin sa isang kilalang restaurant, pero wala ako sa building ko, dahil nasa hideout ako. Noong hindi niya ako mahanap sa buong campus, umalis na rin siya sa school ko.
Gusto ko man na samahan siya pero hindi ko magawa, ngayon ume-effective na ang mga plano namin, hindi na si Ashanti nakikipagkita sa kahit sinong tao na involve sa Organization. Tahimik na siya ngayon, wala na siyang mga planong ginagawa.
Kaya mas maganda na nga itong pag-iwas ko sa kanya, nababaling sa iba ang mga planong gusto niyang gawain.
Halos araw araw wala siyang palya sa pagpunta sa mga pinupuntahan ko, nagbabakasali na makikita niya ako. Wala siyang palyasa pagtawag sa telepono ko kada araw, sa isang araw ay mahigit trenta na beses niyang tinatawagan ang telepono ko at ako naman ay nagpipigil na sagutin ang mga tawag na iyon.
Hindi rin nawawala ang pagpapadala niya ng mga order na pagkain sa warehouse ko, kung nasaan ang mga kagrupo ko. Nagbabakasali siya na baka pag nagdeliver sa amin ang delivery boy ay makikita niya akong nandoon.
Tinatanong niya ako araw araw sa bawat text niya, kung may nagawa ba siyang masama para iwasan ko siya. Pero hindi ko masagot ang mga tanong niya. Gusto kong sabihin na wala siyang ginawang masama para iwasan ko siya dahil ginagawa ko lang ito para protektahan siya.
Napapadalas ang magkasama kami ni Astrid, alam kong nakakahalata na si Ashanti na parang may mali sa aming dalawa. Pero alam kong hindi niya lang pinapahalata sa amin ang nararamdaman niya.
Nasasaktan ako sa bawat ngiting ipinapakita niya kahit ang totoo ay talagang nasasaktan na siya. Ayaw niyang kinakaawaan siya, ayaw niyang ipakita sa iba na nasasaktan siya. Mas gugustuhin niyang siya nalang ang masaktan kesa ang iba.
Pero kaya ko bang makita na masaktan siyang mag-isa? Parang hindi ko kaya!
Pero wala akong magagawa ei, kailangan kong gawain ito para sa kapakanan niya.
"BROOOO!" sigaw ni Lucas sa akin.
Naandito ako ngayon sa isa sa mga warehouse ko dahil may ginagawa kaming isang proyekto, ang warehouse na ito ay kakaiba sa hideout ko. Ang warehouse na ito ay binili ko para dito gawain ang mga project tungkol sa gagawin kong business. Dalawa ang warehouse ko ang isa iyong inambush ni Ashanti na mga tauhan ng Fifth Ranker at 8th and 9th Ranker.
"Tingnan mo.." sabi niya sabay pakita sa akin ng laptop na hawak niya.
"Naghahanap ang NextGen ng mga bagong developer ng games, ang mga laro ay i-screening sa kanilang Company at ang magugustuhan ng Company na game ay bibilhin nila at ilalaunch." sabi ni Lucas sa akin, napatingin ako sa kanya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Ficção AdolescenteAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...