Part 11: Double Proposal

82 54 2
                                    

ASHANTI'S POV

Isang malakas na tugtog ang narinig ko na nakapag pagising sa akin, hinampas ko ang alarm clock ko, pero hindi pa rin ito tumigil kaya naman dali-dali akong bumaling sa kabilang bahagi ng kama at kinuha roon sa lamesa ang aking cellphone, at walang tingin tingin ay sinagot ito.

"Ano ba ang sarap sarap ng tulog ko tapos gigisingin mo ako, nakakapunyeta ka ei!" sigaw ko sa kanya mula sa telepono.

"Ganan ka ba mag-hello sa napaka gwapo mong kakilala?" tanong niya sa akin. Agad naman naningkit ang mata ko sa sinabi niya, ano daw gwapo?

"Gago! Walang gwapo rito sa bahay! Wrong number ang tinawagan mo!" sigaw ko sa kanya at pinatayan siya ng tawag. Ibinagsak ko nalang ang cellphone ko sa kama at nagpatuloy muli ng pagtulog.

Nang...... isang ring muli ang narinig ko. Sinagot ko muli ang tawag at agad na sinigawan ang tumatawag na ito.

"Ano ba?! Sinabing inaantok pa ako ei! Gago ka ba talaga o ginagago mo sadya ako?!" Sigaw ko sa kanya sa telepono.

"Ganan ka ba mag good morning sa lolo mo?" tanong sakin ng isang pamilyar na boses. Nang makita ko sa phone ko ang pangalan ng tumatawag ay agad akong napatayo sa higaan at napaupo ng ayos. Kagat labi na nakikinig sa sinasabi ni Lolo.

Ano ba Ashanti? Bakit ba kasi hindi mo tinitingnan kung sino ang tumatawag sayo? Napaka- gagi mo sadyang babae ka!

"May bisita ka, bumaba ka rito nang nakaligo na at bihis na, mukhang may date kayo ng boyfriend mo." Yan ang sinabi niya na nakapagpalaki sa mata ko.

"BOYFRIEND!" sigaw ko sa kanya. Natawa naman siya sa kabilang linya bilang sagot at pinatay ang tawag na iyon, agad akong nagtatakbo sa cr at agad agad na naligo.

10 minutes, yan lang ang oras ko nang panliligo at agad na kinuha sa drawer ng cr ang wardrobe ko, at lumabas ng cr. Hinalikwat ko ang mga damit ko sa drawer at namili ng isusuot.

Alin ba rito? Dress? Cocktail Dress? Long Dress? Tshirt? Sando? Pants? Leather Jacket? Shorts? Palda? Ano ba? Ano? Gusto ko yung feeling na magiging maganda ako sa panginin niya at iwan niya si Farah.

Ano?! Ano ang sinabi ko kanina? Maganda sa paningin niya? Bakit? May gusto na nga ba ako sa kanya? NO! NO! NO! this can't be! Bawal Ashanti tandaan mo, ang trabaho mo Ashanti! Ang pagtaas ng increase ng sweldo mo! Hoy wag ka papagago sa hayop na iyon, may gayuma siyang dala. Hawak ang ulo ay pabalik balik ako sa kwarto na ito ay sinasabi ko yan sa utak ko.

May gusto na nga ba ako sa kanya? Bakit ganito? Bakit ganito ang feeling ko na kapag naririnig ko na andiyan siya hindi ko alam ang gagawin? Na natataranta ako sa bawat kilos niya, na kinakabahan ako sa paglapit niya, na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag andiyan siya.

Bakit? Naguguluhan na ako! Anong ginawa mo sakin? Anong nangyayari sakin? Binigyan mo ba ako ng spell? O kaya naman pinainom mo ako ng gayuma? Pero hindi mo magagawa yun? Nalilito ako Arrrgh!

At sa mahabang pag-iisip na iyon, napagdesisyunan ko nalang na mag off shoulder na damit at Rip Jeans at mag sneakers. Bakit? Wala trip ko lang paki niyo ba? Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan kita ko si Khane na nakikipag usap sa mga kamag-anak ko. Na parang close na close sila ng mga kapatid ko. Na parang kilalang kilala siya ng mga ito.

Lumapit ako sa kanila at nag goodmorning at umupo ako sa tabi ni Khane.

"So, bakit ka narito?" tanong ko sa kanya, tiningnan ko ang wrist watch ko, at makita ko ang oras na 6:30 na pala. Di ko namalayan ang oras sa sobrang puyat ko kagabi sa party napahaba ang tulog ko, sinabi ko sa sarili ko kagabi na gigising ako ng maaga at balak mag jogging pero wa-effect ang alarm clock ko sira ata.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon