ASHANTI’S POV
Limang buwan ang nakalipas…..
Sa loob ng limang buwan, maraming pangyayari ang nangyari sa akin rito sa Amerika. Maraming mga bagay ang nagbago at maraming bagay na kusang binabago.
Sa loob ng limang buwan, marami akong mga bagong kaalaman na nalalaman, marami akong planong inilaan. Marami akong bagay na sinisimulan at marami akong taong natutulungan.
Sa loob ng limang buwan na iyon ang dami kong natutunan.
Dalawang buwan ang nakalipas dumating ang magkapatid na White rito sa America at dito na naninirahan hanggang hindi pa natatapos ang problema sa Pilipinas, sa sumunod na apat na buwan ay pasikretong pinapunta ko rito si Zia.
Sa loob rin ng apat na buwan, umuwi lahat ng mga kasama kong pamilya sa Pilipinas at naiwan sa akin ang tatlong bata.
Sa loob din ng apat na buwan nagtapat sa akin si Ribo ng kanyang pagmamahal, wala naman akong magawa dahil talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Sa loob ng ilang buwan na iyon, talagang pinakita niya sa akin na karapat-dapat siya at ipinakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Pero ayaw ko naman na umasa siya kaya sinasabi ko na lagi sa kanya na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya wala ng iba. Wala ng iba pang meaning ang pagiging mabuti ko sa kanya.
Pero hindi pa rin siya tumigil, talagang pinakikita at pinararamdam niya na mahal na mahal niya ako at handa niyang gawain lahat para sa akin.
Nandiyan siya noong panahon na kailangan ko siya, nandiyan siya noong panahong ang lungkot-lungkot ko at umiiyak mag-isa. Andiyan siya sa lahat ng iyon, pero wala akong maibigay na sukli sa lahat ng pagmamahal niyang iyon.
Sa loob ng apat na buwan, nagsabi sa akin si Zia ng balita na mayroong ibang babae na nilalapitan si Khane at hindi ko naman siya masisi kung maghanap siya, dahil wala naman ako sa tabi niya noong panahong kailangan niya ako. Pero hindi naman ako papayag na mangyari ang bagay na iyon, hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.
Sa loob ng tatlong buwan, lumabas ang aking pakulo na balita tungkol sa tunay na may-ari ng aking kayamanan. Nabigla lahat ang mga tao at ang inaakala nilang si Nahzury Choi ang may-ari ay hindi pala. Lumabas ang iba’t ibang opinyon, iba’t ibang mga kwento tungkol rito. Pero tanging ako lang ang nakapagsabi ng totoo.
Lumabas ako sa lahat ng media, nagpakilala bilang ako. Dahil doon ay masyadong naging mapanganib ang buhay ko, sa bawat galaw ko ay may mga camerang nakaabang sa akin. Sa bawat pupuntahan ko ay may higit sa labing lima ang mga kasama kong mga bodyguards.
Sa loob ng buwan na iyon ay masyadong maraming stalker ang gustong lumapit sa akin, nagpang-abot abot ang tawag at email tungkol sa kung gusto kong mag-invest sa kanilang kompanya, umabot din ang mga humihingi ng tulong para sa kanilang kompanya. Ilang charities ang humihingi ng tulong para sa kanilang project.
Nang lumabas ang balitang iyon, masyadong naging busy ang aking buhay at hindi na nagawang bigyan pa ng atensyon ang ilang mga bagay. Wala rin akong kaalam-alam na may ganoong nangyayari sa fiancé ko, wala akong kaalam-alam kung anong aksyon ang ginagawa ng Pamilya ko tungkol rito.
Sa loob ng limang buwan iyon, masyadong naging mabilis ang pagbabago.
Narito ako ngayon sa loob ng mansion kasama ang mga napaka-importanteng mga tao sa buhay ko, ang mga taong walang sawang tumulong at nagsubaybay sa akin sa bawat aksyon na ginagawa ko. Ang mga taong laging nakasuporta sa bawat desisyon na ginagawa ko.
May simple kaming farewell party, dahil bukas ang isang malaking pagbabago. Andito ngayon sina Mr. Harisson, Yale at Ferrer. Kasama ang pamilya ni Irene at ni Nathalia, kasama ang ilang importanteng tao sa loob ng paggawa ng New Life at ang mga kasama ko sa mansion pati na rin ang best buddy ko na si Ribo kasama ang ex-mutual relationship kong si Icharry.
BINABASA MO ANG
I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)
Ficção AdolescenteAng pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong sumugal. Minsan kailangan mo ring mandaya. Minsan ikaw ang nadadaya pero sa huli makakamtan mo ang saya sa larong pag ibig. Hindi sa lahat...