Part 64: Not Your Target Anymore

27 15 0
                                    

RIBO’S POV

Matapos ang pangyayari na iyon kagabi ay ang ginawa lang ni Ashanti sa maghapon ay amuhin si Khane at ipahanap si Nahzury. Gusto niyang makapagpaliwanag rito ng ayos at masabi rito ang katotohanan tungkol sa desisyon na ginawa niya. Pero mukhang ayaw talagang magpakita ni Nahzury.

Sabay sabay ang trabaho ni Ashanti, bukod sa pagsuyo kay Khane at paghahanap sa magkakapatid na Choi ay inaasikaso rin niya ang planong surprise nito kay Khane dahil sa susunod na linggo ay Anniversary na ng mga ito.

Masyado itong busy sa lahat ng bagay at hindi na magawang magtanghalian at umagahan sa dami ng ginagawa, bukod pa rito ay ang mga iba’t ibang meeting tungkol sa kompanya at sa team niya ang kanyang mga dinadaluhan, ako naman na laging nagsasabi sa kanya na magpahinga muna pero hindi niya ako magawang sundin.

Halos lahat ay alalang-alala kay Ashanti sa buong araw na ito, sinabi ko kasi sa kanila ang ginagawa ni Ashanti rito sa kompanya at mukhang walang balak itong umuwi para makapag-pahinga. Sa dami ng nakatambak na babasahin at pipirmahan niya sa lamesa ay masasabi kong wala talaga itong balak na umuwi sa mansion nila.

Pinadalhan siya ng mga Familia ng pagkain at makakain rito sa kompanya, nagpadala rin ang mga ito ng mga taong tutulong sa kanya pero hindi niya tinanggap, mas gusto niyang mag-isa nito itong tapusin, kahit ako ay hindi ko magawang tulungan siya dahil ayaw niya na may tumutulong sa kanya.

Kitang kita mo na ang pagod sa kanyang mga mata, ilang tasa na ng kape ang naiwan sa kanyang lamesa at ilang papel na ang kanyang nagusumot at pinagtatapon sa lapag, miski mga documents na hindi niya gusto ay inihahagis nalang niya basta basta.

Walang sinuman na empleyado ang gustong makipag-usap sa kanya at makipagkita dahil sa kasungitan niya ngayong buong araw at sobrang pagiging cold, miski pag-ngiti ay hindi niya magawa, talagang poker face lang ang mukha niya, para siyang babae na nawalan ng emosyon dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa kanya.

“Ashanti?” tawag ko sa kanya, nakaupo lang ako rito sa couch kasama ang dalawang guard niyang nakaupo sa ibang upuan. “Oh?” sagot nito, habang abala pa rin sa pagbabasa ng mga dokumentong hawak niya.

“Wala ka bang balak umuwi?” tanong ko rito, tumingin ako sa labas ng bintana. Gabi na at hindi pa kami nagdidinner, wala ba itong balak na pakainin ako? Nagugutom na ako.

“Umuwi ka na kung gusto mo.” seryoso niyang sabi, napatawa naman ako sa kanya. Wala talaga akong mapapala sa pagiging cold ni Ashanti ngayon. Grabe ganto pala ang isang Ashanti kapag wala sa mood ano? Ang sungit tapos lagi pang walang emosyon.

“Ahh sinabi ko nga hindi ako uuwi, dito ako kasama mo.” sabi ko sa kanya, tumingin siya saglit sa akin at muling binalik ang tingin sa kanyang ginagawa.

Pumindot sa kanyang telepono at bigla itong nag-ring. Balak na ba niyang umuwi, salamat naman makakahiga na ako sa malambot kong kama at makakapagpahinga na ako ng ayos. Salamat naman!

“Dalhan mo ng unan at kumot si Ribo sa opisina ko.” sabi nito, ang ngiting nasa labi ko kanina ay biglang nawala. Talagang sineryoso niya ang sinabi ko, binibiro ko lang tapos kinagat na agad ang biro ko. Grabeeeee!!!!

“Tsaka umorder ka ng pagkain para sa aming apat.” sabi ulit nito sa intercom. Ang nadidismaya kong mukha kanina ay napalitan ng ngiti, napatingin rin ako sa mga guard at ganoon rin siya, napangiti rin sila sa sinabi ni Ashanti. Syempre sino ba naman hindi ngingiti sa pagkain? Alas dose pa kami naglunch noong pagkaalis namin sa Warehouse ni Khane.

Tapos alas diyes na ngayon, anong balak nitong si Ashanti twelve hours bago kami kumain?

Hindi na siya nagsalita pa at bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi na namin pa siya inabala at wala nalang kaming ginawa kundi magdudotdot sa aming telepono ng kung ano. Wala nga kaming maisipan na gawain hanggang sa pinakita sa akin ng isa sa mga guard ang isang kilalang laro na sikat na sikat daw.

I'm Her Target And She's My Target (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon