Part 5

11.9K 307 0
                                    


"Are you ready, Angela? Handa ka na bang marinig ang lahat?"

Handa na nga ba siya? No, she was not ready. Hindi pa siya handang malaman kung ano o sino ang pamilyang kanyang pinagmulan. What if she was the daughter of a criminal? Pero ang maririnig niya ay ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya, dapat niya iyong tanggapin dahil bahagi iyon ng kanyang katauhan. Dahil sa huling naisip ay tumango na rin siya.

"Makinig kang mabuti, anak," anito bago sinimulan ang pagkukuwento.

"A-ang akala ko ay perpekto na ang buhay ko sa San Francisco. Masayang pamilya, magandang trabaho, mapagmahal na asawa at anak—What more could I ask for? Pero biniro ako ng tadhana. I-isang araw ay n-naaksidente ang mag-ama ko. A c-car accident... T-they died instantly." Naglandas ang mga luha sa mga mata nito sa bahaging iyon ng kuwento. Pain and longing were evident too. Gusto niya itong aluin pero hindi niya alam kung paano.

"I lost the will to live, Angela. Ayoko nang mabuhay. Wala nang rason para mabuhay pa ako dahil ang mag-ama ko ang buhay ko. Pakiramdam ko, pinagsakluban ako ng langit at lupa nang mga panahong iyon. I lived my life miserably. Araw-gabi akong umiiyak. I became a living zombie. To me, life had no meaning at all. Kaya napagpasyahan ng mga kapatid ko na iuwi ako sa Pilipinas, sa Catalina.

"Ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para muling maibalik ang sigla ko. Pero hindi sila nagtagumpay... But everything changed one morning. Nasa dalampasigan ako habang kinukunan ng litrato ang malungkot na pagsikat ng araw. Hanggang sa may makita akong bata na nakadapa sa dulo ng dalampasigan. Gula-gulanit ang suot niya at puro sunburn..."

Napapikit siya. Alam niyang siya ang batang iyon.

"I don't know...but at that moment I saw sunshine, I saw life...Dinala ko ang bata sa villa at binigyan ng paunang lunas. My family had the money and the connections kaya sa isang tawag lamang ay nagawan ko agad ng paraan na magpadala ng helicopter sa villa. P-pinagana ko ang kapangyarihan ng pera kaya walang nakaalam ng tungkol sa bata maliban sa aking pamilya. Magdamag ko siyang binantayan. W-when that little girl woke up, you know what she said to me? She called me 'Mommy.' Ikaw ang batang iyon, hija, at t-tinawag mo akong 'Mommy,' Angela..."

Hindi siya nagkomento sa sinabi nitong iyon.

"I-it turned out that you were suffering memory loss— Amnesia. Dahil din sa koneksiyon at sa pera kaya nagawan ko ng paraan na madala ka sa San Francisco na walang sinuman na taga-Catalina ang nakakaalam at—"

Hindi na niya kayang pigilin pa ang damdamin niya. Tuluyan na siyang napaiyak. "A-at pinaniwala mo ako na anak mo ako?"

Tumango ito habang patuloy sa pag-agos ang mga luha. "You see, nang dumating ka sa buhay ko, nawala ang lungkot at pangungulila ko sa aking anak. Pakiramdam ko ay dininig ng Diyos ang pighati ng puso ko at ibinalik niya ang anak ko. Patawarin mo ako kung mas pinili ko na angkinin kita bilang anak ko."

"B-bakit hindi mo hinanap ang pamilyang pinagmulan ko? Hindi mo ba naisip na maaaring sila naman ang nahihirapan dahil sa pagkawala ko?" tanong niya rito. Hindi niya mapigilang langkapan ng pait ang kanyang boses.

"M-maniwala ka. I-ilang beses na tinangka kong ipaalam sa awtoridad ang tungkol sa iyo pero sa tuwina ay pinangungunahan ako ng takot." May kinuha ito mula sa envelope at ibinigay iyon sa kanya. "Suot mo iyan nang makita kita. Sa kalidad ng kuwintas na iyan ay nasisiguro kong mayaman ang pamilyang pinagmulan mo."

Nanginginig ang mga kamay na sinuri niya ang kuwintas. Nabasa niya ang "Angela" na nakaukit sa maliit na lock niyon. Kung ganoon ay doon nito kinuha ang pangalan niya.

Ipinikit niya ang mga mata at pilit hinahagilap sa kanyang isip ang mga alaalang hindi niya matandaan. Pero kahit anong gawin niya ay wala siyang mahagilap ni katiting na bahagi ng nakaraan niya. Tanging ang kinilalang ina at ang paglaki niya sa hacienda at sa San Francisco ang nasa alaala niya.

"P-paano ako napunta sa dalampasigan ng Hacienda Catalina?"

"Posibleng may foul play na nangyari. Lihim akong nagpaimbestiga nang araw na matagpuan kita, Angela. Pinaimbestigahan ko kung nagkaroon ba ng sea accident o kung may lumubog na yate, o kahit na anong aksidente ng sasakyang pandagat. Pero walang ganoong pangyayari, Angela. Ilang linggo at buwan din akong nakaantabay sa balita ng mga missing person pero wala ka sa mga iyon. Lumakas ang hinala ko na may pagtatangka sa buhay mo, hija. Natakot ako kaya itinago na lang kita at itinuring na anak ko. Patawarin mo ako, Angela..."

She looked at her. Ito ang nakilala niyang ina at pulos masasayang alaala at pagmamahal ang naramdaman niya mula rito. Dapat ba siyang magalit dito dahil nabubuhay pala siya sa isang kasinungalingan? Kinapa niya ang kanyang puso. Hindi niya mahagilap ang galit doon ngunit naroon pa rin ang tampo para sa ina. Dahil ba hindi pa rin niya mahagilap sa memorya niya kung sino ba talaga siya at anong pamilya ang pinagmulan niya? Hindi niya alam.

"D-do... do my c-cousins know? Alam ba ng mga pinsan ko at ng buong angkan ng mga Valencia na hindi nila ako k-kadugo?" mayamaya ay tanong niya rito. Her cousins treated her like a princess.

"Y-yes," pagkumpirma nito. "Alam nina Charlie, Brandon, Dylan, at Vicente..."

"Oh!" Lalo siyang napaiyak sa katotohanang iyon.

Hinawakan nito ang kanyang kamay. "A-Angela, anak, you're my daughter in every way that matters. I-it's not biological ties that binds people—"

Napapiksi siya. "N-naguguluhan pa rin ako, Mama. Bigyan n'yo po muna ako ng kaunting panahon para mag-isip," aniya bago lumabas ng library. Tuloy-tuloy na tinungo niya ang malaking pinto. Nang makalabas siya ng bahay ay tinungo niya ang kinaroroonan ng kuwadra at inilabas niya mula roon ang kanyang kabayo.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon