Part 16

9.6K 250 7
                                    


Jesus! He's dangerously handsome! She tried to look away, but failed. He turned his head, akala niya ay manunungaw lang ito sa harap ng jeep pero nanindig na lang ang balahibo niya nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya at saka mahinang nagsalita.

"Remember me? We meet again, for the seventh time, right?" bulong nito sa tapat ng tainga niya. Naramdaman din niya nang samyuhin nito ang buhok niya.

Hindi niya alam kung ano ang mas nangibabaw sa reaksiyon niya: ang pagkagulat sa kapangahasan nito o ang pagkagulat sa sinabi nito. Kung ganoon pala ay natatandaan nito ang pagkikita nila nang hindi sinasadya. Gayunman, nagtataka siya kung bakit pitong beses ang sinabi nito gayong pangatlong beses pa lang naman nila iyong pagkikita.

"Yes. But this is only the third time," nakakunot ang noong pagtatama niya rito sa mahinang tinig. Sana lang ay hindi ganoon kalakas ang pakiramdam nito para maramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Why on earth that she was finding it so hard to breathe? Ah, sino nga ba naman ang hindi pangangapusan ng hininga sa lalaking ito na tila gusto nang ihimlay ang ulo sa balikat niya?

"And we do not meet, we only see each other," dagdag pa niya. Gusto na niyang sawayin ito na tumahimik ito dahil bukod sa ugong ng sasakyan ay napakatahimik ng buong jeep. Pakiramdam niya ay nanghahaba na ang mga tainga ng ilang mga pasahero sa pakikinig sa kanila ng lalaking ito. Pakiramdam niya ay tila nanonood ang mga ito ng isang shooting sa pelikula at silang dalawa ng weird na lalaking ito ang bida.

Umiling ito. "No, seventh. Napanaginipan na kita. We saw each other in my dreams for four consecutive times. This is destiny, huh? Narinig ko na minsan na kapag pitong beses daw nagkita ang dalawang tao sa magkakaibang pagkakataon ay sila ang nakalaan para sa isa't isa. This is our seventh time... Doesn't it mean we're meant to be?"

Umawang ang mga labi niya at hindi na niya napigilang mapasinghap. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na alam ng lalaking tulad nito ang bagay na iyon. At ang ipinagtataka pa niya ay kung bakit nagsasalita ito ng ganoon sa kanya. What did he mean by it? Was he flirting with her? Iyon lang ang maaari niyang isipin kung bakit nito sinasabi ang bagay na iyon. Kung pagbabasehan ang klase ng ngiti ng lalaking ito, tila ginagamitan siya nito ng charm. He was acting like a total boy-next-door. Charming and definitely attractive.

Kung iyon nga ang pakay nito, nagtagumpay ito. Yes, she was attracted to him. She wasn't going to deny it. Para ano pa at lumaki siya sa isang liberated country tulad ng San Francisco kung ang simpleng atraksiyon na iyon para sa lalaki ay hindi pa niya kayang aminin sa sarili niya? Napansin niya na deretso itong magsalita ng Tagalog, kung ganoon ay may dugo itong Pilipino. Gayunman, hindi na niya ito sinagot. Tumingin na lang siya sa harap ng jeep.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon