Part 30

8.4K 246 10
                                    


Suddenly, she wanted to touch his eyes in a sweet caress. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at dinala iyon sa mukha nito. Marahang hinaplos niya ang paligid ng mga mata nito na para bang sa pamamagitan niyon ay agad mawawala ang pasa at pamamaga niyon.

Umapaw ang kakaibang fondness sa mga mata ni Marko dahil sa ginawa niya. She composed herself. Agad niyang binawi ang kamay.

"H-have you been to see a doctor?" Bakit parang gusto niyang murahin si Alexander dahil doon?

He chuckled in amusement. "Wala 'to. Malayo naman sa bituka. And to answer your question, yes, pinatingnan ko na 'to, no harm done. Nagpasa lang talaga ang paligid ng mga mata ko. In fact, kitang-kita ko kung gaano ka ka-sexy sa getup mong 'yan."

Kinuha niya ang shades nito at siya na ang nagsuot niyon sa binata. "'Ayan, mas guwapo ka na uli," natatawang sabi niya rito, saka tinapik-tapik ang pisngi nito. He laughed freely. Damn! Why are you so hot, Markopolo?

"Wait, I have something for you," anito nang humupa na ang halakhak nito. Tinungo nito ang helicopter na ilang hakbang lang ang layo sa kanila. Nagtaka siya nang matagalan ito. Nagulat na lang siya nang pagbalik nito ay may bitbit na itong dalawang bouquet ng bulaklak at isang basket na punong-puno ng iba't ibang klase ng chocolates. Sa pagitan ng braso at tagiliran nito ay may nakaipit na isang teddy bear na may-kalakihan, habang sa likuran nito ay may isang malaking backpack.

"For you," nakangiting sabi nito bago iniabot sa kanya ang mga bulaklak, chocolates, at ang teddy bear.

"Paano ba 'yan, Marko, hindi ako mahilig sa bulaklak, eh. Hindi rin ako mahilig sa matatamis, at lalong hindi ako mahilig sa teddy bear." Gusto niyang mapabungisngis nang maging alanganin ang ngiti nito. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Sa katunayan ay gustong-gusto niya ang mga dala nito. Kay Alexander din kaya nito nalaman ang mga bagay na iyon?

"Teka, ano naman 'yang nasa backpack mo?"

"Ah, ito ba? Mga personal na gamit ko 'to. Magpapaampon ako sa mommy mo habang nanliligaw ako sa 'yo. Okay lang kahit saan niya ako patulugin, basta dito rin muna ako sa Catalina."

Napanganga siya sa sinabi nito. "Seriously?"

"Yes."

"Sino'ng magbabalik ng helicopter na 'yan? Teka, license pilot ka ba? Ano'ng drama mo at naka-uniform ka pa?"

Muli itong ngumiti na lalong nagpasikdo sa dibdib niya. "Lisensiyado naman ako and I can afford to own a private chopper. And this uniform? Uniform ko 'to kapag may exhibition ang PAP."

Nanlaki ang mga mata niya. "Member ka n'on? Kasama ka ba sa nag-perform sa Subic Freeport last August? I was there with Captain Vladimir. We watched the show." Ang PAP na sinasabi nito ay ang Philippine Association of Pilots na minsan sa isang taon ay nagdaraos ng exhibition sa bansa. Doon ay ipinapakita ng mga ito ang kaalaman ng bawat isa sa pagmamaniobra ng sasakyang panghimpapawid. Hindi commercial plane ang gamit ng mga ito kundi mga private jet at kung minsan ay kasama pa ang ilang fighting jets ng Philippine Air Force.

Saglit itong nag-isip. "Last August, hmm... Nasa Los Angeles yata ako no'n. I wasn't able to come home in time. Sayang! Noon pa sana pala nagtagpo ang mga landas natin. So, pa'no, Angela? Manliligaw ako sa 'yo, ha?"

"'Yong mga single lang ang pinapayagan kong manligaw sa 'kin," nakaingos na sabi niya rito nang maalala niya ang babaeng kasama nito sa restaurant sa huling event na pinuntahan nila ni Alexander.

"Kung ganoon, qualified pala ako," malawak ang ngiting sabi nito. "I'm single, Angela, and very much available. Wala akong girlfriend at lalong wala akong asawa. Kapag sinuwerte ako, baka magkaroon ako ng girlfriend at asawa bago ako umalis ng lugar na 'to," makahulugang dugtong pa nito. Malinaw na narinig niya ang huling pangungusap nito pero nagpatay-malisya na lang siya. Gayunman, hindi maikakailang kumabog ang dibdib niya dahil sa mga sinabi nito. Somehow, the idea of being Markopolo's girlfriend excited her.

Bigla niyang naalala ang sinabi nitong single daw ito. Gusto sana niyang usisain pa ito kung sino ang babaeng kasama nito pero itinikom na lang niya ang kanyang bibig. She couldn't find the courage to ask him who that girl was. Maaaring natatakot siya na malaman ang katotohanan. O maaaring natatakot din siya na mapurnada pa ang isang magandang pangyayari na dulot ng pagpunta nito roon. Of course, someday she would ask him who that girl was, hindi lang ngayon. Sa tingin niya ay hindi pa iyon ang tamang pagkakataon.

Mayamaya pa ay tinalikuran na niya ito at sumakay na siya sa kabayo niya. Nang maihanda na niya sa pagtakbo ang kabayo ay saka lang niya nilingon si Marko. "I love the flowers, I have a sweet tooth, and I love teddy bears. Gawan mo ng paraan kung pa'no mo madadala 'yan sa bahay," aniya, saka pinatakbo na ang kabayo. Bahala na itong tumalunton ng daan nito papunta sa bahay nila, tutal naman ay tradisyonal na panliligaw raw ang gagawin nito. Ibig sabihin ay puwede niya itong pahirapan.

"Angela, wait! Puwede mo naman akong iangkas sa kabayo mo, ah," malakas na sabi nito nang malayo na siya.

She waved her hand without looking back at him. "See you there!"


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon