"ANGELA... Angela. Angela! Honey, wake up..."
Habol ang hiningang napabalikwas si Angela sa kama. Nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Marko ay agad na pumaloob siya sa mga bisig nito. Katabi lang ng silid niya ang inookupang silid ni Marko kaya marahil narinig nito ang kanyang pag-ungol. Dapat pala ay sa tabi na lang niya ito pinatulog at hindi sa guest room. Baka sakaling hindi siya binangungot kung nasa tabi niya ito.
"Sshh... Don't be afraid. Honey, panaginip lang 'yon," pag-aalo nito sa kanya nang marahil ay maramdaman ang panginginig ng katawan niya. Takot na takot talaga siya dahil nagkaroon na ng ibang bersiyon ang panaginip niya. Nakita niya mula roon ang batang Angela na pinagpipiyestahan ng mga pating. Nakita pa niya kung paanong sagpangin ng isang pating ang kanyang braso. Pakiramdam niya ay mas tumindi na ang takot na hatid niyon sa kanya.
"M-Marko..."
"It is just a nightmare, honey," patuloy na pag-aalo nito habang hinahagod ang likod niya. Unti-unti ay kumalma na rin siya. "Sige na, matulog ka na uli."
"No," umiiling na sabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan itong umalis.
"Babantayan kita, I promise. Come on, go back to sleep, honey."
Nang hindi pa rin siya tuminag ay sumampa na sa kama si Marko. Nahiga ito roon, pagkatapos ay marahang pinahiga siya sa mga bisig nito. "Come on, sleep in my arms. You'll be safe here," anito sa nang-eengganyong tinig. Gayunman, nasa mga mata pa rin nito ang matinding pag-aalala.
Dahan-dahan siyang humiga at pumaloob sa mga bisig nito. Marko drew her closer and held her tenderly. It felt good. Pakiramdam niya ay ligtas siya roon at walang maaaring makapanakit sa kanya maging ang bangungot na iyon. Naramdaman niya nang marahang halikan nito ang ulo niya. Mayamaya pa ay bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso niya pero alam niyang malabong antukin pa uli siya.
Gumalaw siya at isinandig ang kanyang ulo sa malapad na dibdib nito. Napapikit siya nang maramdaman niya ang pagtibok ng puso ni Marko habang marahan nitong hinahaplos ang kanyang buhok.
"M-Marko..."
"Hmm?"
"May sasabihin ako sa 'yo. 'Y-yong tungkol sa bangungot ko... B-bahagi talaga 'yon ng pagkatao ko..."
Naramdaman niya ang tangkang paggalaw nito pero pinigilan niya ito. Mas gusto niyang pakinggan ang pagtibok ng puso nito habang isinisiwalat niya rito ang lihim ng pagkatao niya. If he really loved her, he had to accept her for what she really was, kahit madilim pa rin ang bahaging iyon ng kanyang pagkatao.
Marko held her hand and planted soft kisses on it. "Makikinig ako."
Huminga muna siya nang malalim bago niya sinimulang ipagtapat dito ang mga ipinagtapat sa kanya ng kinalakihang ina. Ipinagtapat din niya ang kaugnayan niyon sa bangungot niya. Marko, as he promised, was all ears. Tahimik lang itong nakikinig sa kanya habang paminsan-minsan ay pinipisil nito ang kamay niya, na para bang ipinapaalala nito sa kanya na naroon lang ito sa tabi niya at hindi siya iiwan nito. At bago pa siya matapos sa pagkukuwento ay basang-basa na ng mga luha niya ang dibdib nito.
"M-Marko, d-do you still love me? Mahal mo pa rin ba ako kahit na hindi ko alam kung sino ba talaga ako?" humihikbing tanong niya rito.
Marahan itong kumilos at saka naupo sa kama. Siya man ay napaupo na rin pero nanatiling nakayuko. Kinuha nito ang isang kamay niya at ipinatong iyon sa dibdib nito. "May nabago ba sa tibok ng puso ko? Yes. Of course, meron."
Lalo siyang napahikbi. Did that mean he no longer loved her? Parang gusto niyang bumulalas ng iyak dahil doon. Ang akala pa naman niya ay maiintindihan siya nito.
Tinangka niyang bawiin ang kamay niya ngunit humigpit lang ang hawak nito roon. "Feel my heart beat, Angela. Mas malakas ang tibok nito ngayon. Do you know what it means? Ibig sabihin, mas mahal kita ngayon."
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong niya ang mga mata nito. At sa pamamagitan ng mga matang iyon ay ipinahatid nito sa kanya ang katotohanan ng mga sinabi nito.
"D-do you still love me?"
Marko cupped her face and kissed her tears away. "I love you even more, forever and always. Salamat sa pagiging tapat mo. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi na kita mahalin. Mahal kita, mahal ko ang lahat-lahat sa 'yo. Kung ano man ang nakaraan mo o ang pamilyang pinagmulan mo, buong puso ko 'yong tatanggapin."
Napahagulhol na siya. "Oh, Marko! Thank you so much, honey!" aniya rito at saka ito pinaghahalikan sa mukha.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
