Part 11

11.2K 289 0
                                    


Hanna rolled her eyes and then smiled mischievously. "Ah! I'll trade a million bucks for this moment, Marko. Ngayon lang kita nakitang ganito kamiserable. Hmm, let me guess, babae?"

Miserable? Ganoon na ba ang hitsura niya?

"You love to exaggerate things," nakasimangot na wika niya sa kapatid. Hanna was his sister. Half sister, to be precise. Kailan lang nila iyon nadiskubre at hanggang sa kasalukuyan ay lihim pa rin ang pagiging magkapatid nila. Maaari kasing lumikha ng eskandalo ang bagay na iyon kaya naman lihim lang ang pagiging magkadugo nila. Pinoprotektahan lang nila ang kanilang mga pamilya. They didn't get along the first time they met. Pero nagkaayos din naman agad sila at para makabawi sa mga taong lumipas na hindi sila nito nagkasama ay pinipilit nilang magkaroon ng oras para sa isa't isa sa kabila ng pagiging abala nila sa kanya-kanyang trabaho.

Mayaman ang pamilya niya pero hindi sila katulad ng ibang mayayaman na kilala sa mundo. Sa panlabas na hitsura ay maipagkakamali siyang isang foreigner. Matangkad kasi siya, malaki ang kaha ng katawan, natural na maputi, matangos ang ilong, pangahan, at asul ang mga mata na binagayan ng makakapal na kilay. Purong Irish kasi ang kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay purong Pilipino. He got his mother's blue eyes.

Marami rin ang nagugulat kapag naririnig siyang magsalita ng Tagalog, lalo na ang mga hindi nakakakilala sa kanya. He was just half Filipino pero halos sa Pilipinas na siya lumaki at buong buhay niya ay sa bansa na niya inilagi. Nagpunta lang siya ng Ireland noong nagkolehiyo siya at kapag dumadalaw siya sa mga kamag-anak niya sa mother's side.

"I'm hardly exaggerating, Marko. Tell me, who's the girl?" tanong nito bago pulutin ang mga nagkalat na folder sa sahig.

"Pabayaan mo na lang 'yan, Hanna," saway niya rito.

"Masakit sa mata ang mga kalat mo, Marko," anito bago itinuloy ang pagliligpit ng mga folder.

Tumayo siya at tinulungan si Hanna sa pagliligpit.

"Magkuwento ka na," anito.

Nagkibit-balikat siya. "Wala akong ikukuwento."

"Oh, come on! As if I don't know how to read between the lines, Marko. Sino ba siya na hindi mo na 'kamo pakakawalan 'pag nakita mo uli? Past girlfriend na na-realize mong mahal mo pa pala?" panunudyo nito.

Umiling siya. "No. She's someone I don't know."

"What? Natutuliro ka sa isang babaeng hindi mo kilala? Can you please elaborate?" Nakakunot ang noo nito pero mababakas sa mukha ang excitement. He knew why, of course. Mahigit dalawang taon na rin kasi mula nang huli siyang ma-involve sa isang babae. Inabot nang ganoon katagal dahil masyadong natuon ang atensiyon niya sa pagpapalago ng negosyo niyang may kinalaman sa mga integrated circuit.

Lalo siyang nawalan ng oras sa pakikipagrelasyon nang magkaroon ng economic crisis nang nakaraang taon. Sa totoo lang ay walang problema kahit bumagsak ang negosyo niya. With their money, he could always put up a new business. Pero dahil maprinsipyo siyang tao, ginawa niya ang lahat para maisalba ang kanyang negosyo. Ngayon ay matagumpay at matatag na iyon. They were now the leading manufacturer of integrated circuits. They even exported worldwide.

Ah, lumipas na pala ang mga taon nang hindi niya namamalayan. O marahil, wala ni isa man sa mga babaeng nakilala niya ang nakakuha ng interes niya katulad ng interes niya ngayon sa babaeng iyon na dalawang beses pa lang niyang nakikita.

"Marko!"

Napapitlag siya. Hindi niya namalayan na nakatulala na pala siya sa pag-iisip sa magandang babaeng iyon. Bumaling siya kay Hanna. "Ano nga uli ang sinasabi mo?"

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Saan kaya nakarating ang isip mo? Ang layo siguro ng nilakbay niyan. Anyway, I was asking you to tell me who that girl is that's bothering you."

Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Ikinuwento na niya rito ang tungkol sa babaeng gumugulo sa isip niya. Kung tutuusin, kay Hanna lang siya nakakapaghinga ng mga bagay na bumabagabag sa kanyang kalooban.

"So? Ano'ng hatol mo?" tanong ni Marko kay Hanna pagkatapos niyang sabihin dito ang lahat.

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Destiny! Fate!" Kasabay ng pagkumpas ng mga kamay nito ay ang pagkalaglag ng mga folder na hawak nito. Pero tila nawala na roon ang atensiyon nito dahil hinila na siya nito paupo sa mahabang sofa. "Alam mo ba na kapag pitong beses nagkita ang dalawang tao nang hindi sinasadya ay sila ang nakalaan para sa isa't isa? Imagine, ilan na ang populasyon ng Pilipinas? Napakalaki na pero nagtatagpo pa rin ang landas n'yo. She's the one, Marko!" nangingislap ang mga mata na sabi nito.

"Ows?" nakakunot ang noong tanong niya rito. Pero bakit parang gusto niyang maniwala sa sinasabi nito? At bakit tila gustong lumukso ng puso niya palabas ng kanyang dibdib? Seven times. Destiny. Kung isasama niya ang panaginip niya, anim na beses na niyang nakita ang babae. "L-let me guess, napulot mo 'yan sa collection mo ng mga romance novel, 'no?"

"No. Matagal nang paniniwala 'yon, 'no. Saang bundok ka ba nagtago at hindi mo 'yon alam? Ah, alam ko na. You're a man!" Pumalatak pa ito. "Dalawang beses na 'kamo kayong nagkita nang hindi sinasadya? You tell me, dalawang beses pa lang, Marko, pero tingnan mo na kung ano ang naging epekto sa 'yo. Hindi ka na matahimik. Hindi ka makapagtrabaho nang maayos dahil okupado niya ang isip mo. Gustong-gusto mo uling makita siya. At higit sa lahat, hindi na normal ang tibok ng puso mo."

Nagulat siya sa huling sinabi ni Hanna. Hindi niya ito makontra dahil iyon mismo ang nararamdaman niya. So, this is destiny, huh? Napailing siya sa kanyang naisip.

"Come on, Marko, gumawa ka na ng paraan para makilala siya."

"Bakit pa ako gagawa ng paraan? I thought destiny would bring us together?" Nakataas ang sulok ng kanyang mga labi habang sinasabi niya ang bagay na iyon. Ganoon talaga si Hanna, romantiko.

"Hmp! Bahala ka. Pero sinasabi ko sa 'yo na minsan lang mangyari ang bagay na 'yan. Ikaw rin, baka magsisi ka sa huli. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa, Markopolo. Kumilos ka na!"

Gusto niyang sabihin dito na kumikilos na siya. Na para na siyang tanga na naglalakad sa loob ng mga mall sa pagbabaka-sakaling maligaw uli roon ang babae sa panaginip niya. Pero sinarili na lang niya iyon. Baka pagtawanan lang siya nito kapag nalaman nito iyon.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon