Part 54

7.6K 202 1
                                        


DAHAN-DAHANG dumilat si Angela. Nasa'n ako? Iginala niya ang kanyang paningin. Pulos puti ang nakikita niya at nangangamoy-gamot ang lugar na iyon. What happened? Bakit nasa ospital ako? tanong niya sa sarili nang mapagtantong nasa ospital siya.

She closed her eyes and tried to remember what happened to her. Sa isang iglap lamang ay bumalik na sa kanya ang lahat. Agad na bumukal ang mga luha niya nang tuluyang luminaw sa kanya ang dahilan ng lahat ng iyon.

Kilala niya ang ama ni Marko. Ito ang lalaki sa bangungot niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nagkaroon na ng linaw ang mga bangungot na iyon...

"Yaya Mina, can you fix my doll, please? It's broken," anang siyam na taong gulang na si Angela. Sa likod ng inosenteng ngiti niya ay nagtatago ang isang kapilyahan—isang kalokohang nais niyang gawin sa kanyang yaya.

Sabado noon. Wala siyang pasok sa eskuwelahan. Wala rin ang daddy niya at tanging ang mga katulong lang ang kasama niya sa bahay.

"Ah, oo, siyempre. Para sa magandang prinsesa." Itinigil ng yaya niya ang ginagawa nito at naglakad na papunta sa kuwarto niya. "Teka at pupuntahan ko na."

Dali-daling pumunta sa kusina si Angela, binuksan ang refrigerator, at mula roon ay inilabas ang isang pitsel ng orange juice. Ilang beses na nagpalinga-linga siya bago inihalo roon ang sleeping pills na nakuha niya sa kuwarto ng kanyang ama. She put the remaining pills inside her pocket.

Ilang sandali pa ay binibigyan na niya ng juice ang mga katulong habang nangingislap ang mga bilugang mata niya sa kapilyahan. Hindi naman nagduda ang mga katulong dahil madalas naman niyang binibigyan ang mga ito ng juice, lalo na kung naiinip na siya sa bahay at walang magawa. Ilang sandali lang at nagsipaghikaban na ang tatlong katulong. Ganoon kabilis umepekto ang gamot ng daddy niya sa insomnia nito dahil agad na nakatulog ang mga ito.

Wala naman siyang masamang balak gawin sa mga katulong. Gusto lamang niyang lagyan ng makeup ang mga ito habang natutulog gamit ang water base makeup kit na ginagamit niya sa mga bratty dolls niya. Sinisimulan na niyang ayusan si Yaya Mina nang may mag-doorbell. Pinag-isipan niya kung bubuksan ang pinto. Kabilin-bilinan kasi ng daddy niya na huwag na huwag siyang magbubukas ng pinto. Ngunit nanaig ang kagustuhan niyang buksan iyon, tutal naman ay pinayagan itong makapasok sa loob ng bakuran ng guard on duty.

She saw a man looking so worried and exhausted.

"Hi! You're Angela, right?" tanong nito bago nagpaskil ng isang palakaibigang ngiti sa mga labi.

"Y-yes," tumatangong sagot niya.

"I'm your Tito Manuel. I don't know how to say this but you need to come with me, hija. Your daddy has met an accident."

Agad tumimo sa isip niya ang huling sinabi nito. Naaksidente raw ang daddy niya. "N-no!" hiyaw niya. Agad pumatak ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Her mother died giving birth to her and her father was the only family she had. She couldn't afford to lose him.

Dali-dali siyang sumama sa lalaking nagpakilalang Tito Manuel niya. Nagtaka pa siya kung bakit walang guard na nagbukas ng gate at sa halip ay nakita pa niya itong nakayukyok sa guard house na animo natutulog.

Malayo na ang tinatakbo ng sasakyan nang unti-unting mawala ang pag-aalala niya para sa ama. Sa halip ay nilalamon na ng takot ang dibdib niya. Ilang oras na ba silang bumibiyahe? Isa? Dalawa? Her father taught her never trust a stranger, and she begin to panic.

"W-who are you? You tricked me!"

Nang humalakhak ang lalaki ay lalo siyang sinagilahan ng takot. Pakiramdam niya ay demonyo ang kasama niya.

"Lagot ka sa daddy ko kapag nalaman niya 'to!" nagtatapang-tapangang wika niya rito.

"He'll never know, darling, he'll never know," anito bago muling humalakhak na para bang nasisiraan na ng bait.

Ilang sandali pa ay nasa Manila Yacht Club na sila. Alam niyang Manila Yacht Club iyon dahil ilang beses na rin siyang isinama roon ng daddy niya.

He dragged her out of the car. Ano mang pagpupumiglas niya ay walang nagawa sa lakas nito. Naisakay siya nito sa yate na walang nakakapansin sa kanila. They sailed over the west Philippine Sea. Inilagak siya ng lalaki sa isang cabin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa hitsura ng cabin na iyon. Her mother's picture was all over the walls. Hindi man niya nakilala ang kanyang ina, hindi pa rin iyon naging dahilan para hindi niya malaman ang hitsura nito. Her father never failed to talk about her mother. Isa pa, may life-sized portrait ang kanyang ina na centerpiece sa kanilang family room kaya kilalang-kilala niya ang mukha ng mommy niya. A face she also had dahil magkamukha sila ng namayapa niyang ina. Kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin, pulos litrato ng kanyang ina ang nakikita niya.

"Kamukhang-kamukha mo siya, 'di ba? Mahal na mahal ko siya pero mas pinili niya ang ama mo kaysa sa akin. Pagkatapos, pinatay mo pa siya! She died giving birth to you!" anitong nanlilisik ang mga mata.

Wala siyang maunawaan sa sinasabi nito at nangingibabaw pa rin ang takot niya para dito. Alam niyang mapanganib na ito at tila wala na ito sa tamang pag-iisip.

"You want to know what my plans were?" tanong nito bago siya nginisihan. "Plano kong patayin kayo ng ama mo but then I changed my mind. Sa pagkawala mo ay siguradong maloloko ang ama mo sa kakahanap sa 'yo. 'Yon pala, narito ka sa piling ko, kapalit ng ina mo," anito bago hinaplos ang pisngi niya.

Kinilabutan siya. Nanayo ang mga balahibo niya."D-don't touch me!" umiiyak na wika niya bago nagsumiksik sa isang sulok ng cabin. Kailangang makatakas siya bago mahuli ang lahat at maisakatuparan ng lalaking ito ang plano nito sa kanya. Humahalaklak na iniwan na siya nito roon.

Magdamag na pinaglabanan ni Angela ang antok. Kapag nakahanap siya ng kahit maliit na pagkakataon ay susunggaban niya iyon para lang matakasan ang baliw na lalaking iyon. Sumilip siya sa peephole ng cabin, nakita niya si Manuel na umiinom habang tumatawa. Mayamaya, bigla itong umiyak. Nasa ganoon siyang posisyon nang biglang tumigil ang yate.

"Shit! How could I forget to refuel the engine!" narinig niyang sigaw ni Manuel bago tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ng marahil ay makina ng yate.

She instinctively put her hand inside her pocket. Nanlaki ang mga mata niya nang makapa niya roon ang ilang tabletas ng sleeping pills. Tila inawitan siya ng mga anghel dahil doon, lalo na nang pihitin niya ang pinto ng cabin at nakitang bukas iyon. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa iniinom ni Manuel kanina. Dali-dali niyang inilagay roon ang mga tableta bago bumalik sa cabin. Ilang sandali pa ay naramdaman na rin niya ang muling pag-andar ng yate. Bumalik ang lalaki sa pag-inom. Agad tumalab ang gamot at ilang sandali lang ay nakayukyok na ang ulo nito sa mesa.

Sa batang edad ay champion swimmer na siya. Pinagtiwalaan niya ang kakayahan niyang iyon. Hindi rin niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na mayroon siya kaya nagawa niyang tumalon sa yate pagkatapos maisuot ang life vest na nakita niya.

Palutang-lutang na siya sa dagat nang maunawaan niya ang panganib na dala ng ginawa niyang iyon. Dapat pala ay ginamit na lang niya ang communication device ng yate para humingi ng saklolo, hindi iyong tumalon siya sa napakalawak na karagatan. Nagsimula siyang mag-panic, lalo na nang mapagod na siya sa kakalangoy. Pakiramdam niya ay lalo lang siyang napupunta sa pinakagitna ng dagat sa bawat pagkampay niya. Unti-unti nang kumakalat ang dilim. Nang may matanaw siyang driftwood ay agad siyang lumangoy palapit doon. Nang hawak na niya iyon ay sumampa siya roon at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Umusal siya ng panalangin na sana bukas ay sikatan pa siya ng araw...

Tumulo ang mga luha ni Angela. Ngayon ay malinaw na niyang napagdugtong-dugtong ang mga bahagi ng kanyang pagkatao. Napadpad siya sa Catalina, nakita siya ng Mama Anna niya, at nawala ang memorya niya kaya itinuring na lang siya nitong anak nito. May dahilan pala talaga ang mga bangungot niya. Nakadama siya ng walang kapantay na galit para sa Manuel na iyon dahil sinira niyon ang buhay niya, ang buhay nilang mag-ama.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon