Part 41

7.7K 207 1
                                    


MARKO was so happy. He was so happy that he wasn't able to get any sleep last night. Parang nakalutang sa hangin ang katawan niya sa sobrang gaan ng pakiramdam niya. Finally, she was his now. And he intended to keep her for the rest of his life. Sa edad niyang tatlumpu ay tatatlong babae pa lang ang dumaan sa buhay niya. Isang Irish at dalawang Filipina. Minahal niya ang mga iyon pero nauwi lang din sa hiwalayan ang lahat. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon pero sa pagtatapos ng mga relasyong iyon ay nagpapatuloy pa rin ang buhay niya.

And then he saw Angela. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay may kung anong sumikdo na agad sa pagkatao niya. He had never seen her before and yet he felt like he had known her all his life. Her beauty haunted him. Hindi ito nawawala sa isip niya at pakiramdam niya ay biglang nagkaroon ng puwang sa pagkatao niya nang hindi na uli niya ito nakita. Hanggang sa aminin na rin niya sa kanyang sarili na mahal niya ito. Love at first sight, maybe. O baka ito ang kanyang tadhana tulad na lang ng sinabi ni Hanna sa kanya. He loved her like no other. Hindi niya maikompara ang nararamdaman niya para kay Angela dahil tila buong pagkatao niya ang naghuhumiyaw ng pagmamahal para dito. Ah, whatever it was, ang mahalaga ay nagkakaunawaan na sila nito.

"What's the matter? Kanina ka pa pangiti-ngiti diyan, ah."

Lalong lumawak ang ngiti ni Marko nang tabihan siya ni Angela sa sofa. He took her hand and kissed it softly. Finally, puwede na rin niya itong halikan kahit anong oras. Nakauwi na sina Brandon at Dylan habang siya naman ay nagpaiwan pa sa bahay ng mga ito.

"I have you. I have every reason in the world to smile."

"Ang cheesy mo na naman," humahagikgik na sabi nito. "Speaking of cheese..." Kumapit ito sa braso niya at naglalambing na sumandal sa kanya. "Gusto ko ng cheesecake. Tara sa Centro, gala tayo sa plaza," she said, grinning.

Marahang pinisil niya ang ilong nito. Masarap sa pakiramdam ang paglalambing nito para sa simpleng cheesecake lang na iyon. "How about we go to church first? I have to thank Him."

"Marunong ka palang magsimba?" tanong nito na halatang nanunudyo lang. It was obvious that she loved his idea. Agad din naman itong pumayag. "Then, manood na rin tayo ng sine. Wait, I'll just go freshen up," nakangiting wika nito bago nagmamadaling nagtungo sa silid nito.

Nang makita niya si Tita Anna na patungo sa library ay dali-dali niya itong sinundan. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok sa pinto. "T-Tita."

"O, Marko, hijo. Come in," sagot nito mula sa loob ng library. Binuksan niya ang pinto at nakita niya itong nakatayo sa mga bookshelf na tila namimili ng libro. "May kailangan ka ba, hijo?"

"Hmm, puwede ko po ba kayong makausap?"

Nginitian siya nito. "Sure, tungkol ba 'yan sa inyo ng anak ko? Maupo ka," anitong itinuro ang sofa set na naroon. Naupo rin ito sa katapat niya. "So?"

Biglang naumid ang dila niya. Alam niyang maaaring mabigla ang ginang sa nais niyang sabihin dito. Maaaring maaga pa para sa gusto niyang mangyari pero mahal na mahal niya si Angela at sigurado na siya sa nararamdaman niya.

He cleared his throat and looked directly into her eyes, hoping she could see how sincere he was. "T-Tita, I want to ask for Angela's hand in marriage."

Katulad ng inaasahan ni Marko ay bumakas ang gulat sa mukha nito. Ilang sandali itong natulala bago sumagot at tila kumislap pa nga ang mga luha sa gilid ng mga mata nito. "Don't you think it's too soon? Ano'ng sabi ni Angela?" she said calmly.

"I don't plan on popping the question yet. Bago ko gawin 'yon, gusto ko munang hingin ang pagpayag ninyo. I know it's too soon but I swear, I swear on my ancestor's grave that I really love her. Tita, I'm old enough to know how I feel and I'm certain about this."

Hindi sumagot ang ginang kaya kinabahan siya. "Tita, I'll do my very best to make her happy. Ibibigay ko sa kanya ang lahat-lahat pati ang buhay ko. Wala akong hindi kayang—"

"I believe you," putol nito sa sasabihin pa niya.

"Tita..."

"Ask her. If she says yes, then you have my blessing. Basta ipangako mo lang, Marko, na hindi mo—"

"Na hindi mo sasaktan o paiiyakin si Angela. Dahil oras na saktan mo si Angela, sa amin ka mananagot, de Gracia."

Magkasabay pa silang napabaling ng tingin ni Tita Anna nang marinig nila iyon. Nakita nila si Brandon na nakahalukipkip at seryoso ang mukha habang nakasandal sa hamba ng pinto. Maybe he had been standing there long enough to hear them. Maaaring nakalimutan niya na isara ang pinto sa sobrang tensiyon na nararamdaman niya.

"I'm sorry for eavesdropping, Tita," hinging-paumanhin naman nito sa tiyahin. "I didn't mean to. Pupunta po talaga ako sa library para kumuha ng libro. Nakabukas ang pinto kaya narinig ko kayo."

"No harm done, Brandon. Come in, napansin mo ba si Angela?"

"Hindi ko po napansin." Bumalik ang tingin sa kanya ni Brandon. Sa pagkakataong iyon ay malambot na ang ekspresyon ng mukha ito. "I have nothing against you, Marko, and I believe you when you say you love my cousin. Just don't hurt our princess, okay?"

"I promise not to hurt her intentionally, Brandon. I love her and I promise to make her happy each day."

"Walang problema kung ganoon."

Nagpasalamat siya sa magtiyahin bago ipinagpaalam na rin si Angela para sa date nila. Pagkalabas niya ng library ay tamang-tama naman na kalalabas lang ni Angela ng silid nito. Base na rin sa basang buhok nito ay napagtanto niyang naligo pa ito kaya marahil natagalan ito.

Tila lumundag ang puso niya nang ngitian siya nito nang ubod-tamis.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon