"WHAT are you doing here?" gulat na bulalas ni Angela nang makababa siya ng hagdan at makitang si Marko ang tinutukoy ni Yaya Mina na bisita niya. Nakapamulsa ang mga kamay nito habang nakatayo at nakatingin sa malaking portrait ng tunay niyang ina. Wala na sa sala ang daddy niya at ang mama niya. Marahil ay pahapyaw nang naikuwento ng mama niya sa papa niya kung sino si Marko sa buhay niya.
"What am I doing here? Narito ako dahil narito ang asawa ko, at hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya naisasama pabalik sa bahay namin," sagot nito sa mariing tinig.
Natawa siya nang mapakla. "You don't know what you're saying, Marko."
"Oh, yeah? Then make me understand, damn it!" bulyaw nito na ikinapitlag niya. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang emosyong iyon kay Marko. Huminga ito nang malalim na para bang kinakalma ang sarili. "I'm sorry, honey. I didn't mean to yell at you. Nandito ako para humingi ng paliwanag. What happened between us, Angela? Ang bilis ng pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi ko pa rin maunawaan ang lahat. Nangangapa pa rin ako sa kawalan. Ayaw mo 'kong kausapin sa ospital, 'tapos kanina halos mabaliw na 'ko nang wala na akong madatnan do'n. Nalaman ko na lang na nakalabas ka na pala," mahabang wika nito. Mababakas sa anyo at tinig nito ang matinding kalituhan sa mga pangyayari.
Naantig ang puso niya, lalo na nang mapagtuunan niya ng pansin ang hitsura nito. Magulo ang buhok at wala rin sa ayos ang damit nito.
"M-Marko..." Nag-aalinlangan siya sa nararamdaman niya. She was mad at him, mad at his father but she couldn't stand seeing him miserable. Bakit kasi kailangang maging anak pa ito ng taong may atraso sa kanya? Bakit huli na niyang nalaman ang lahat, kung kailan pagmamay-ari na nito ang puso niya? Napakalupit naman ng tadhana para paglaruan siya at ang damdamin niya. Kung sana ay noon pa niya nalaman kung sino ito, di sana ay naiwasan niya ito at narendahan ang kanyang puso na umibig dito.
Marko strode towards her. Bago pa siya makahuma ay nakakulong na siya sa mga bisig nito. "H-honey..." Mababakas sa tinig nito ang matinding pangungulila.
She bit her lip. Ipokrita siya kung hindi niya aaminin sa kanyang sarili na na-miss niya ang boses nito at ang pamilyar na init ng katawan nito, pero kailangan niyang sikilin at patayin ang ano mang nararamdamn niya para dito. He was her enemy and she should stay away from him.
"Kailan pa bumalik ang alaala mo? It must have been so hard for you; I wish I was there nang bumalik ang alaala mo, para nadamayan kita at—"
Oh, Lord! Help me, please! Nanunuot sa pagkatao niya ang nag-aalalang tinig nito maging ang init na dulot ng yakap nito. Pakiramdam niya ay bibigay ang katatagang pinanghahawakan niya at ano mang oras ay gaganti na siya ng yakap dito.
Magpakatatag ka, Angela. She closed her eyes as to try to clear her thoughts. Inipon niya ang natitira pa niyang lakas para lang makawala sa mahigpit na yakap nito.
If you can only change the past, Marko...
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomansaPHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
