Part 43

7.3K 191 0
                                    


Sumunod si Marko sa kanya hanggang sa makapasok sila sa bahay. Hindi niya ito pinansin dahil na-offend talaga siya sa ikinilos nito kanina.

"Sorry," mayamaya ay sabi nito ngunit binale-wala lang niya ito. Pumunta siya sa silid niya para maligo na. Sumunod pa rin ito sa kanya hanggang sa silid niya.

"Hon..."

"Huwag mo 'kong ma-hon-hon diyan, Markopolo!" aniya bago ito pagsarhan ng pinto ng silid niya. Dumeretso na siya sa shower room at nagbanlaw roon. Napapalatak na lang siya nang maunawaan niya kung bakit ganoon ang inakto nito. Markopolo de Gracia was a possessive man! Napapangiting napapailing na lang siya. Hindi niya inaasahan na kahit ganoon ito kaguwapo at kakisig ay may agam-agam pa rin ito na maaaring mawala pa siya rito. Minadali na niya ang pagbabanlaw at pagbibihis. Paglabas niya ng kanyang silid ay nakita niya itong nakatayo sa veranda, nakatanaw sa napakalawak na karagatan, at animo napakalalim ng iniisip.

Napabuntong-hininga siya. Nilapitan niya ito at niyakap ito mula sa likuran. "You're overreacting, Marko," aniya bago inihilig ang ulo sa malapad na likod nito.

Marko reached for her hand and rested it on his face. "You can't blame me for reacting this way, Angela. You're so sexy, 'tapos nag-iisa ka pa rito. What if may masasamang-loob na makakita sa 'yo at gawan ka nang masama?" Humarap ito sa kanya at ipinulupot ang mga bisig sa baywang niya. "Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala."

"Marko, I grew up in this place. Pribado ang hacienda at walang nakakapasok dito na ibang tao. Ang mga trabahador naman, hanggang sa fruit farm lang. At ang mga tao sa Centro, well, they are very grateful to us. Sila pa nga ang mas protective pagdating sa 'min ni Mama, eh. There's really no need to worry, honey. Safe ang mga tao dito sa Catalina, ganoon din sa hacienda. Hindi lang security guards ang proteksiyon namin, haven't you heard of modern gadgets? Hindi ka pa pamilyar sa lugar na 'to, Marko. Sa tingin mo ba, papayag ang mga Valencia na mag-isang manirahan dito si Mama kung hindi ligtas ang lugar na 'to?" aniya rito. He was acting weird, all right, but somehow she found it cute.

"Okay, I overreacted. I'm sorry," anito bago siya hinalikan nang masuyo sa noo.

She smiled in forgiveness. "You're forgiven. Halika na, kain na tayo ng early dinner."

Agad naman itong sumunod sa kusina. "Si Manang Salud? Hindi ko yata siya napapansin?" mayamaya ay tanong nito habang magkatulong silang naghahanda ng hapunan.

"Nasa Centro, manganganak na yata si Sally—'yong anak niya, kaya kailangan muna niyang alalayan. Hindi mo nga pala alam na magaling na kumadrona rin si Manang Salud, suki siya ng mga taga-Centro."

"That means tayo lang talagang dalawa ang tao rito? Dito ako matutulog, hindi ka puwedeng tumanggi." Nangingislap sa kapilyuhan ang mga mata nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata kahit na kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Tila ganoon na lang din kalaki ang tiwala ng kanyang ina kay Marko para iwan siya nito roon kasama ito.

"Markopolo! You and your filthy mind!" kunwa ay saway niya rito pero ang totoo ay aware na aware siya sa tensiyon na nagsisimulang bumalot sa kanilang dalawa. Tensiyon na dulot ng pisikal na atraksiyon. "Kumain ka na nga diyan!"

Subalit wala yata itong balak na tigilan siya sa panunudyo dahil lalong lumagkit ang titig nito. Pinagpapawisan na rin siya nang malamig. Marko was teasing her. Bahagya pa nitong sinisipa ang mga binti niya sa ilalim ng mesa na ipinanlalaki ng mga mata niya.

"Markopolo!" sita niya rito. "Aayos ka ba riyan o sisipain kita palabas ng bahay?"

Sa gulat niya ay humalakhak lang ito.

Napasimangot na siya. "You're making fun of me."

Tumikhimito at itinigil na ang panunukso nang makitang malapit na siyang mapikon."Sorry na. I'm not making fun of you. I just love it when you blush. Come on,let's eat." Mayamaya pa ay itinuro nito ang mga bitbit nitong paper bag kanina. "Pasalubong ko nga pala sa 'yo."

"Thank you. Bakit ang dami naman yata n'on? Saka akala ko kasama mo rin na babalik dito si Mama?"

"'Yong paper bags? Actually, padala ni Hanna sa 'yo ang karamihan diyan. Si Tita Anna naman, tinawagan ako. Ayaw raw siyang payagan ng amiga niya na umuwi agad kaya malamang, bukas na lang siya makakauwi."

Tumango-tango siya. "Kukunin ko 'yong number ni Hanna mamaya. I'll call to thank her."

"Sure. So, pa'no, honey, dito ako matutulog, ha."

"Hindi puwede," mabilis na sagot niya rito.

ik[y

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon