Part 29

8.4K 235 1
                                    


"What are you doing here?" tanong agad ni Angela rito nang makalapit na siya rito nang tuluyan. Hindi niya maiwasang mapasinghap nang makita ito sa malapitan. He was so gorgeous! Nakadagdag sa malakas na appeal nito ang unipormeng suot nito.

His lips formed a sexy, killer smile. Nahulog yata mula sa kinalalagyan ang puso niya sa ngiting iyon. Another pogi points, Angela, tudyo ng isip niya. Napalunok siya nang mapagtantong sa mga labi nito siya nakatingin. Napakasensuwal ng mga labing iyon, na para bang napakasarap hagkan.

"Hi," anitong hindi pa rin mapagkit-pagkit ang ngiti sa mga labi. Alam kaya nito na epektibo sa kanya ang ngiting iyon? Ngiti na nagpanginig yata ng mga tuhod niya.

Kinalma niya ang kanyang sarili bago uli magsalita. "What are you doing here? Pa'no mo nalaman 'tong Catalina?"

"What am I doing here? Mabuti itinanong mo agad 'yan," anito bago humakbang papalapit sa kanya. "Nandito ako para manligaw. Liligawan kita hanggang sa sagutin mo ako."

Umawang ang mga labi niya sa pagkabigla. Ilang saglit pa ay napabungisngis na siya. Hanggang sa ang pagbungisngis niya ay nauwi sa paghalakhak. Aliw na aliw siya sa sinabi nito.

"I'm glad I can make you laugh that freely. Pero hindi ako nagbibiro sa sinabi ko, Angela. Liligawan talaga kita, seryoso ako," nakasimangot na sabi nito.

Nang makita ang kaseryosuhan nito ay napatigil siya sa paghalakhak. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. "Manliligaw ka talaga?"

"Yes," anitong nakaliyad pa ang dibdib na para bang ipinagmamalaki nito ang bagay na iyon. "Manliligaw ako sa tradisyonal na paraan, sweetie. Handa akong magpaalipin, mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy, at kung ano-ano pa."

"You're crazy! Isusumbong kita sa boyfriend ko!" aniya rito. Pero magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin na kinilig siya sa mga sinabi nito.

Marko gave her another smile that made her heart do a somersault. "Oh, si Xander? Siya ang nagturo kung saan kita matatagpuan." anitong malawak ang pagkakangiti.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ba at kahapon lang ay sinuntok pa ito ng kaibigan niya? Naningkit ang mga mata niya nang mapansin niyang hindi pa rin ito nagtatanggal ng shades. Nahuhulaan na niya kung ano ang ibinigay rito ni Alexander kahapon; black eye. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pag-aalala sa isiping iyon. "Si Alexander Mondragon ang nagturo ng lugar na 'to sa 'yo? Are you kidding me?"

"Yes, si Xander nga. In fact, hindi lang siya kundi silang dalawa ni Vladimir. Boyfriend pala, huh?" nakangising sabi pa nito.

Naiinis na napaungol siya. Hindi niya inakalang si Alexander pa mismo ang magtuturo dito kung nasaan siya.

"Tanggalin mo 'yang shades mo," mayamaya ay utos niya rito.

Kumamot ito sa ulo. "Ayoko nga. Baka mamaya niyan lalo kang kiligin kapag nakita mo ang magaganda kong mata. Thank, God, ipinamana sa 'kin ni Mommy ang asul niyang mga mata. By the way, my mother is Irish, while my father is Filipino. That's why I have blue eyes."

"Conceited! Hindi ako kinikilig sa 'yo, 'no. At hindi ko rin itinatanong kung bakit asul ang kulay ng mga mata mo," nakaingos na sabi niya. "Sige na, tanggalin mo na 'yang shades mo. Alam ko naman na black eye ang nakuha mo mula kay Xander. 'Pag hindi mo ipinakita sa 'kin 'yan ngayon, hindi ka puwedeng manligaw." Nakagat niya ang ibabang labi niya nang mapagtanto niya ang implikasyon ng huling sinabi niya. Gusto niyang bawiin iyon pero huli na ang lahat dahil nasabi na niya.

"Ibig sabihin, pumapayag ka nang manligaw ako?" Hindi niya naiwasang mapangiti dahil sa naging reaksiyon nito. Para itong bata na pinayagang maglaro sa gitna ng ulan. Nakakahawa ang kasiglahang ipinapakita nito. "Okay, tatanggalin ko na," anito, sabay tanggal sa shades nito.

Sabi niya sa kanyang sarili ay pagtatawanan niya si Marko oras na makita niya ang black eye nito pero ngayong tumambad na iyon sa kanya, tila biglang nanikip ang dibdib niya sa nararamdamang pag-aalala para dito. Nangingitim nga ang isang mata nito at bahagya rin iyong namamaga. Nakaramdam siya ng awa para dito.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon