Sumama si Angela hanggang sa bahay ni Brandon. Umuwi naman si Dylan sa cabin nito para doon na maligo. Susunod na lang daw ito sa kanila. Naunang pumasok sa banyo si Brandon para maligo kaya naiwan sila ni Marko sa sala.
Tinangka nitong lumapit sa kinauupuan niyang bamboo sala set. "Hep! Amoy-isda ka, huwag kang lalapit sa 'kin."
"Honey naman, minsan na nga lang ako makawala sa mga mata ng mga pinsan mo, eh," mahinang wika nito bago naupo sa tabi niya.
"Anong honey? Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan," kunwa ay sita niya pero lihim naman siyang kinilig.
Naging mapangahas na naman si Marko nang hawakan nito ang kamay niya. "Ang lapit-lapit mo pero pakiramdam ko, miss na miss na kita. Kung puwede nga lang na yakapin na kita ngayon, eh. I will hold you in my arms like there's no tomorrow," wika nito sa mahinang tinig at sa malamlam na mga mata.
"M-Marko..." Iyon lang ang tanging nasambit niya dahil natutunaw na siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. She felt the tension in his hand, and it pleased her. Pakiramdam niya ay nasa init ng mga palad nito ang sinasabi nitong pagka-miss sa kanya.
"Angela, honey..." Marko moved closer to her. Oo, amoy-isda ito pero pakiramdam niya ay nangingibabaw pa rin ang natural na amoy nito. His distinct manly scent that made her shiver. And his eyes, he was looking at her intently as if he wanted to compel her to do as he whished. Ah, tila gusto niyang magpasailalim sa kapangyarihan nito at magpadala na lang sa agos kung saan man siya dalhin niyon.
Napalunok siya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha. She knew he was going to kiss her and she was excited. Pero bago pa tuluyang dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya ay narinig na nila ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Marko sighed in frustration. "Mag-usap tayo mamaya. Please, I want to talk to you. Gagawa ako ng paraan para makapag-usap tayo, okay?" wika nito bago tumayo at mabilis na lumabas ng sala. Eksaktong paglabas ni Brandon sa sala ay nasa labas na ng cabin si Marko habang siya ay nagkunwaring abala sa pagbabasa ng magazine na nadampot niya sa mesita.
"Where's Marko?" tanong ni Brandon sa kanya.
"Baka nasa labas," wika niya na hindi ibinababa ang hawak na magazine na tumatakip sa mukha niya. Salamat sa magazine at naitago niyon ang pamumula ng mukha niya.
Nagulat siya nang bigla na lang mawala ang hawak niyang magazine. "Angela, baligtad ka na bang magbasa ng magazine ngayon?" nakangising tanong ni Brandon. Inayos muna nito ang magazine at saka nito iniabot sa kanya. Lalong nag-init ang mga pisngi niya dahil doon. Palpak pala ang cover-up niya.
Sa sobrang inis niya ay binilog niya ang magazine at inihampas iyon kay Brandon na humahalakhak pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/133305109-288-k420602.jpg)
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)