Part 35

7.6K 215 3
                                    


NAPANGITI si Angela nang makita niyang dumaong na ang bangkang kinalululanan nina Dylan, Brandon, at Marko. Galing ang mga ito sa laot at nangisda. Sabado noon at wala siyang clinic kaya naroon siya at nag-aabang sa pagdaong ng mga ito. Napapalatak siya nang makitang naka-shorts na lang ang mga ito. Nagpapaligsahan yata ang mga ito kung sino ang may pinakamagandang katawan.

Nang tingnan niya si Marko ay napansin niyang bahagya na ring namumula ang balat nito dahil sa mahigit isang linggo na pananatili nito sa Catalina. Lalo na at palagi pang isinasama sa laot ng mga pinsan niya ang binata. Tapos na kasi ang pag-aani sa fruit farm kaya sa dagat naman naglalagi ang mga ito. Wala namang reklamo si Marko. Sa hapon ito dumadalaw sa bahay nila na siyempre pa ay kasama rin sina Brandon at Dylan. Si Charlie kasi ay napaluwas sa Maynila dahil sa emergency diumano sa restaurant nito.

Mabilis siyang lumapit sa bangka at kumapit doon. "Marami kayong huli?" nakangiting tanong niya sa mga ito.

"Suwerte yata si Marko, eh. Tuwing kasama namin sa laot ay maraming isda ang lumalapit sa lambat namin," nakangiting sagot ni Dylan sa kanya.

"'Buti pa ang mga isda nahuhumaling sa kaguwapuhan ko. Ewan ko ba 'yong isa riyan kung bakit hindi madala sa good looks," ani Marko na lumapit sa kinaroroonan niya. Napapitlag pa siya nang pasimpleng ipinatong nito ang isang kamay sa kamay niya. He squeezed her hand lightly ngunit kung umakto ito ay animo wala lang dito iyon. Pinagbigyan na niya ito, tutal naman ay minsan lang itong makalusot sa mga mata ng mga pinsan niya.

"Aw! Tanghaling-tapat, brod, dumidiskarte ka na agad. Take your hands off her, man. Akala mo makakaisa ka na, ha," natatawang sita ni Brandon.

Napapakamot sa ulong sumunod naman si Marko habang siya naman ay namumula ang mukha sa pagkapahiya. Ganoon kahigpit ang mga bantay niya.

"Kapag sinagot na ako ni Angela, lagot kayo lahat sa 'kin, lalo ka na, Brandon! Kawawa naman ang magiging anak mong babae sa sobrang higpit mo," tila naaasar na wika ni Marko na ikinatawa nilang tatlo.

"Dapat nga magpasalamat ka na si Brandon lang ang nakaharang sa daan mo. Dahil kung nagkataong naririto ang lahat ng binata, baka hindi mo na magawa ni sulyapan man lang si Angela," wika naman ni Dylan nang huminto na ang halakhakan.

"Eh, kung itanan ko na lang kaya si Angela? Tamang-tama dahil nasa helipad pa ang helicopter ko. Anytime, puwede kong itakas si Angela," sabi ni Marko bago siya kinindatan na nagpasikdo na naman sa dibdib niya.

"Gawin mo 'yan, pero magtago ka na sa baril ni Vladimir. Siguradong hindi n'on patatawarin ni dulo ng buhok mo," sagot ni Brandon.

Napapangiti na lang si Angela sa tinatakbo ng usapan ng mga ito. If Marko only knew, ramdam kasi niya na hindi na iba ang turing ng mga pinsan niya kay Marko. They were treating him as if he was one of them. And to her that was a good sign. Ang ibig sabihin lang niyon ay pasado si Marko sa panlasa ng mga ito.

Nagtira lang sila ng matatabang isda na iihawin nila sa cabin ni Brandon habang ang karamihan ng isda ay ibebenta nila kay Manang Luz—ang madalas bumili sa mga huli nilang isda. Itinitinda naman nito ang mga iyon sa Centro. Ang mga napagbebentahan nila sa isda ay iniipon nila at idino-donate sa simbahan ng Catalina. Bukod doon ay may kanya-kanya ring pinapaaral ang mga pinsan niya bukod pa sa mga batang nasa ilalim ng Valencia Foundation—isang nongovernment organization na ang layunin ay pag-aralin ang mahihirap na kabataan ng Catalina.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon