Part 28

8.7K 240 6
                                    


Hacienda Catalina

INIROROLYO ni Angela sa kanyang braso ang manggas ng suot niyang long-sleeve polo nang makarinig siya ng ugong ng helicopter. Malakas ang pakiramdam niya na si Alexander na ang sakay niyon. Madalas kasi ay helicopter ang ginagamit ni Alexander sa pagpunta sa Catalina dahil sa busy schedule nito. Aabutin kasi nang higit-kumulang walong oras mula sa Maynila hanggang sa Catalina kung travel by land ang pipiliin nito. At dahil walang helipad sa Centro kaya sa Helipad ng kanilang pamilya nagla-landing ang kaibigan niya. Wala namang problema iyon dahil hindi na iba ang turing ng mga Valencia sa magkapatid na Mondragon.

Nakangiti ang mama niya nang tingnan niya ito. "Si Xander na siguro 'yan. 'Akala ko ba next week pa siya pupunta rito?" tanong nito bago iniabot sa kanya ang kanyang sombrero. She looked like a cowgirl in her outfit. Nakasuot siya ng polo at skinny jeans, habang ang suot niyang boots ay halos umabot na sa kanyang mga tuhod. Isang brown na cowboy hat ang kumompleto sa getup niya. Balak kasi niyang pumunta sa fruit farm para bisitahin ang mga tauhan nila na kasalukuyang nag-aani ng pakwan, mangga, at melon. Pagkatapos ay tutuloy siya sa Centro para manggulo kay Dylan sa hardware store nito. Huling araw iyon ng bakasyon niya sa clinic. Si Jenny naman ang pagbabakasyunin niya at siya ang tatao sa clinic araw-araw.

Nagkibit-balikat siya. "Baka tinopak na naman si Alexander. Sasalubungin ko na siya, 'Ma," aniya bago ito hinagkan sa pisngi.

Ilang saglit lang ay sakay na siya ng isang kabayo at mabilis ng tinatahak ang clearing na patungo sa helipad na di-kalayuan sa bahay nila.

Nakalapag na ang helicopter sa airstrip at bahagya na lang umiikot ang mga elise niyon nang makarating siya roon. Kumunot ang noo niya nang makitang hindi iyon helicopter na madalas arkilahin ni Alexander tuwing pumupunta ito ng Catalina. Gayunman, ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Baka hindi available ang helicopter na madalas nitong arkilahin.

"Ano ba ang drama ng kumag na 'to at ayaw pang bumaba?" napapantastikuhang usal niya nang tuluyang mamatay ang makina ng helicopter pero nananatiling sarado pa rin iyon at hindi pa lumalabas si Alexander.

Noon naman bumukas ang pinto ng cockpit. Napaawang ang mga labi niya sa pagkabigla nang mula roon ay tila slow-motion na lumabas ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng kompletong uniporme ng isang piloto. Bahagya pa itong nakayuko kaya hindi niya mabistahan nang maayos kung sino ba ito. Isa pa ay may-kalayuan din ang kinatatayuan niya. Pero tila pamilyar sa kanya ang tikas nito. The way he stood, his aura, the sexiness he radiated. Naka-shades din ito na lalong nagpatingkad sa nag-uumapaw na karisma nito. She held her breath when he took off his pilot hat. Dahil doon ay may ilang hibla ng buhok nito ang tumabing sa noo nito.

Para siyang natuklaw ng ahas nang mabistahan na niya ito nang mabuti. It was Markopolo de Gracia! Makapigil-hininga ang kaguwapuhan nito sa suot nitong iyon. Bigla niyang na-imagine si Tom Cruise sa pelikulang Top Gun.

Pinatakbo niya ang kabayo papalapit dito. Ano ang ginagawa ni Markopolo sa Catalina?


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon