Part 34

8K 219 10
                                    


LIHIM na nangingiti na lang si Angela hanggang sa makarating sila sa clinic. Marko knew exactly what to do. Inihanda na agad nito ang mga kakailanganin niyang gamit at ini-sterilize na rin nito ang mga dapat i-sterilize. Pediatrician siya kaya natural lang na ang mga pasyenteng napapasyal sa clinic niya ay mga bata. Ilang sandali pa ay may mga bata na roon kasa-kasama ang mga nanay ng mga ito. Pulos checkups lang naman sa ubo at sipon ang naka-schedule niya para sa araw na iyon kaya mabilis ding naubos ang mga pasyente niya.

Tinatapos na niya ang mga record ng mga bata nang maisipan niyang sumilip sa blinds ng pinakaopisina niya. Agad nanungaw ang tuwa sa mga mata niya sa tagpong bumulaga sa kanyang mga mata. Si Marko ay nakaupo sa rocking chair na bahagyang iniuugoy-ugoy nito habang sa dibdib nito ay nakadapa ang isang sanggol na limang buwang gulang. Marko was carefully holding the little angel as if she were his own.

Napangiti siya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit lalo itong napapalapit sa puso niya. Tulad kasi niya ay magiliw rin ito sa mga bata at sa isang linggong pag-oobserba niya sa kilos nito ay masasabi niyang hindi iyon pakitang-tao lang. He really loved kids and she was sure that he would make a great father someday. Ipinasya niyang lumabas ng opisina niya at lapitan na ito.

Agad itong ngumiti sa kanya nang makita siya nito. "May kailangan ka?" mahinang wika nito na tila ba natatakot na magising ang sanggol.

Umiling siya bago naupo sa isa sa mga silyang laan para sa mga pasyente. "Where's the mother?" tanong niya patungkol sa nanay ng baby na nakilala niyang si Rica. Siya ang pedia ni Rica. Naroon ito ngayon para sa vaccination nito.

"Sasaglit daw muna siya sa pharmaceutical para sa gamot ni Baby."

Idinampi niya ang palad niya sa sanggol. Normal pa naman ang temperatura nito pero alam niyang mamayang hapon lang ay lalagnatin na ito. Iyon ang epekto ng vaccination nito.

"Let me hold her. Baka nangangalay ka na," aniya bago tinangkang kunin ang bata pero tumanggi si Marko. "You'll make a great father someday, Marko." Hindi na niya napigilang isatinig ang bagay na iyon.

Marko was pleased by her compliment, judging by the glint of joy in his eye. "Thank you. You'll make a beautiful and a great mother, too. Masuwerte ang mga magiging anak natin, Angela. Bukod sa magandang genes na makukuha nila, eh, nakasisiguro pa sila na mamahalin at aalagaan natin sila."

"Natin?" nagpipigil ng ngiting tanong niya.

"Yes. Natin."

Napangiti siya at lihim na kinilig. Kapag si Marko ang napangasawa niya ay tiyak na pulos guwapo at magaganda nga ang magiging anak nila. Dalangin niya ay makuha rin ng magiging mga anak nila ang asul na mga mata nito at ang mahahabang eyelashes nito.

"Isang linggo ka na rito sa Catalina, Marko. Hindi ba masyado mo naman yatang ginugugol ang oras mo rito? I mean, how about your business?"

"My business can run without me. May mga pinagkakatiwalaan akong tao ro'n. Isa pa, wala naman akong pakialam kung malugi man 'yon ngayon. I can always put up a new one. Pero ikaw, nag-iisa ka lang, I cannot afford to lose you."

Biglang nag-init ang mga pisngi niya. "You never run out of words to make me feel great," kunwa ay tukso niya rito pero ang totoo ay pumapalakpak na yata ang mga tainga niya sa sinabi nito. He really made her feel great and treasured.

"Akala mo ba binobola lang kita? No, of course not. Nagkataon lang na masyado akong vocal sa mga nararamdaman ko. Believe me when I say I love you, Angela. I don't say it to make you feel great or to hear you say it back. I just voice out what my heart feels." Kinuha nito ang kamay niya at marahang pinisil iyon. Mataman siya nitong tiningnan sa mga mata. "I love you."

She had expected to hear the words from him but the effect sent a chill right down to her nerve endings. "P-paano ka nakakasiguro sa nararamdaman mo, Marko?" aniya sa kawalan ng maisasagot.

"It's new, yes. And I've never felt it before with anyone. I've had three serious girlfriends pero hindi ganito ang naramdaman ko sa kanila. The feeling's new, Angela, but I'm sure I'm in love with you because you complete me, Angela; you complete my heart, my mind, and my soul, all at once. Iyon agad ang unang naramdaman ko sa unang pagtatagpo pa lang ng ating mga landas."

Angela gasped, for Marko had said the words so sincerely. "I-I d-don't know what to say."

"I told you, Angela, I didn't say those three words to hear you say them back. I said it because that is what my heart feels. Just believe me when I say those words because I mean them."

Napatango na lang siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at dumating na ang nanay ni Rica, nawala ang tensiyon sa pagitan nila ni Marko. Inulit niya sa nanay ni Rica ang mga dapat nitong gawin sa sandaling lagnatin na ang bata. Nagpasalamat naman ito sa kanila ni Marko bago umalis.

Inihatid niya ang mag-ina hanggang sa labas ng clinic. And when they were gone Marko naughtily put his arms around her shoulders, then whispered in her ear, "Doctor, may sakit ako sa puso. Please, pagalingin mo naman ako, sabihin mo naman kung ano ang mga dapat kong gawin, o..."

Natawa si Angela bago marahang siniko si Marko at umalis sa pagkakaakbay nito. "Cardiologist ang kailangan mo, hindi pediatrician."

"Pero ikaw nga ang gamot na kailangan ko. Ikaw lang ang makakagamot sa akin," hirit pa nito bago nagpapa-cute na ngumiti sa kanya.

"Gutom lang 'yan," sagot niya rito. Eksakto namang napatingin siya sa wall clock at napagtanto niyang pasado alas-dose na. Tamang-tama naman na dumating si Dylan at may bitbit na mga pagkain tulad ng pizza, spaghetti, at fried chicken.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon