Part 37

7.6K 223 2
                                        


PAGKATAPOS nilang maghapunan ay saka lang nalaman ni Angela kung ano ang paraang sinasabi ni Marko na gagawin nito para makapag-usap sila. Palihim na sinabihan siya nito na umuwi muna siya at bumalik sa cabin pagkatapos ng isa o dalawang oras. Napasunod naman siya nito at hindi nga niya napigilan ang sarili. Bumalik siya ayon na rin sa sinabi nitong pagkalipas ng dalawang oras.

Mula sa malaking puno ng santol na pinagkukublihan niya ay kitang-kita niya sina Marko, Dylan, at Brandon na nag-iinuman sa harap ng cabin ng huli. Sa unang tingin ay aakalain mong pare-pareho nang lasing ang tatlo at tila babagsak na sa kalasingan. But she knew better. Sadyang nilalasing ni Marko sina Brandon at Dylan. Ilang sandali pa at tuluyan nang bumigay sa kalasingan ang dalawa.

Inayos muna ni Marko ang dalawang binata na bagsak na sa kalasingan bago siya nito nilapitan sa pinagkukublihan niyang puno.

"M-Marko." It nearly took her breath away when he put his arms around her tiny waist. She couldn't move. Nagkamali yata siya ng desisyon na sundin ang kagustuhan nito dahil kumakabog na sa kaba ang dibdib niya. Bahagya rin siyang nag-alangan nang maamoy niya ang alak sa hininga nito.

"Sshh... Huwag kang matakot, hindi ako lasing." He chuckled. "Palagi kong ginagawa ang mandaya sa inuman no'ng nag-aaral pa 'ko sa Ireland kaya wala kang dapat ikatakot, honey. I'm sober one hundred percent. Medyo pagpasensiyahan mo na nga lang kung naaamoy mo ang alak sa hininga ko."

Gusto niyang sabihin dito na naaamoy nga niya ang alak sa hininga nito. Na hindi niya iyon nagugustuhan dahil iba ang nagiging epekto niyon sa katawan niya. Idagdag pa ang pagkakapulupot sa katawan niya ng mga braso nito. There was heat building inside of her.

"But—"

"God! Pakiramdam ko, ilang dekada ang hinintay ko para lang sa sandaling 'to."

"Marko, l-let me go..." walang lakas na protesta niya nang humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.

Marko stared at her like he was trying to read her mind. "Don't try to deny it, honey. Kayang-kaya kong patunayan sa 'yo na pareho lang tayo ng nararamdaman."

"You're impossible, Marko. Kung ano-ano'ng nais mong paniwalaan. Bahala ka na nga diyan. Uuwi na 'ko. I shouldn't have come here in the first place," aniya rito bago nagtangkang kumawala sa mga bisig nito. Agad siyang nakawala kaya naglakad na siya palayo rito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo rito ay naramdaman na niya ang isang kamay ni Marko na pumigil sa braso niya. Namalayan na lang niyang angkin na nito ang mga labi niya. She froze. Bigla siyang natensiyon, on instinct ay itinikom niya nang mariin ang kanyang mga labi at hindi hinayaang makapasok sa teritoryo niya ang nananalakay na dila nito.

Marko ended his assault of her lips, pero hindi siya nito binitawan. Sa halip ay idinikit nito ang sariling noo sa noo niya. Nanayo ang mga balahibo niya nang tumama sa mukha niya ang mainit at mabangong hininga nito na hinahaluan ng amoy-alak. It made her shiver.

"Don't fight me, honey, let go..." anito bago hinagkan ang tungki ng kanyang ilong at pagkatapos ay nasa mga labi na naman niya ang mga labi nito.

He was teasing her with light kisses. At nadala siya sa mga halik na iyon. Kaya nang muli itong magtangkang angkinin ang mga labi niya ay namalayan na lang niyang tinutugon na niya ang mga halik nito. Surprisingly, a thousand pleasures unfolded in an instant when she let his tongue wander inside her mouth. It wasn't her first kiss, but it was the first time she had ever felt such a pleasurable feeling.

Iyong pakiramdam na sa bawat halik ay tila sumasaya siya at nakokompleto ang buhay niya. She wasn't Miss Naïve and she had been in a relationship before, pero bakit nang mga sandaling iyon lang niya naramdaman ang kakaibang sensasyong lumulukob sa katauhan niya? It was indeed new, another peculiar feeling. Sa tuwina ay iba-ibang pakiramdam ang ipinapadama ni Marko sa kanya.

A Home In His Arms (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon