Part 69 (Epilogue-Ending)

17.1K 583 129
                                    



EPILOGUE

"THANK you for the sumptuous meal, chef," nakangiting wika ni Angela habang pumapanaog sila ni Marko palabas sa cabin ni Charlie.

Weekend noon. At tulad ng pangako sa kanya ni Marko, sa Catalina sila mananatili kapag weekends. Napagkasunduan na rin nila na hindi na ituloy ang annulment, sa halip ngayon ay magkatulong pa sila ni Marko sa preparasyon ng kanilang kasal.

Nakilala na rin niya ang pamilya ni Marko, lalo na ang ama nito. Kakatwa ngunit ni hindi man lang siya nakaramdam ng takot dito nang yakapin siya nito kahit na kamukhang-kamukha ito ni Manuel. Isa lang ang ibig sabihin niyon, nakapagpatawad na talaga siya. Wala na ni katiting na galit sa puso niya. Oh, well, may isa pa palang good news. Tila nagkakaunawaan na rin ang daddy niya at ang kanyang Mama Anna. Ah, wala na siyang mahihiling pa.

"Anything for you, pet," sagot ni Charlie. Isa iyon sa mga pambihirang pagkakataon na kompleto silang magkakaibigan at magpipinsan dahil naroroon din sina Dylan, Brandon, Alexander, Vladimir, Enteng, at Charlie.

Kinukuha na ni Marko ang kabayong nanginginain ng damo sa gilid ng cabin nang pigilan niya ito. "Gusto kong maglakad, Marko. Masyado akong nabusog sa luto ni Charlie. Maglakad na lang tayo para naman bumaba ang mga kinain natin," paglalambing niya rito.

Marko smiled. "Hmm... Mabuti pa nga. Bukas, babalik na tayo sa Manila kaya dapat na nating sulitin ang bawat sandali dito sa Catalina." Bahagya itong tumingala sa langit. "Wait here, honey. Hihiram lang ako ng payong kay Charlie. Mukhang uulan, eh," anito. Bago pa siya makasagot ay nakabalik na ito sa cabin. Mabilis din itong nakabalik bitbit na ang isang payong.

Nasa burol na sila nang magsimulang umihip ang malamig na hangin at pumatak ang ulan. Mabilis na binuksan ni Marko ang payong.

"Stay close, honey, baka mabasa ka," bulong nito sa kanya, sabay hapit sa kanya.

Napangiti siya sa kapilyahang naisip. Mabilis na kumalas siya sa pagkakayakap ni Marko. "Catch me, Markopolo!" Mataginting na halakhak ang pinakawalan niya bago lumayo rito at nagtatakbo sa burol. She felt like playing under the rain with the man she dearly loved.

"H-honey, lumalakas na ang ulan! Come here, magkakasakit ka niyan!" nakangiting sabi nito. Amusement was evident in his eyes.

Mapang-akit na nginitian niya ito, lalo na nang unti-unting mabasa ng ulan ang suot niyang manipis na kamiseta. She knew her curves would show. "Catch me, Marko!" ulit niya.

Napapalatak na inihagis nito ang hawak na payong. "Well then, you want to play, wife? Sige, I'm giving you a chance to run. Humanda ka kapag nahuli kita!" He chuckled and then excitement filled him in an instant. He was like a predator ready to conquer his prey.

Angela wanted to run as fast as she could. But when a glimpse of her husband caught her eyes, she couldn't move her feet anymore. Sa isang iglap kasi ay nabasa agad ng tubig-ulan ang kasuotan ni Marko dahilan para dumikit sa katawan nito ang basang kasuotan nito. She caught her breath. Her husband soaking wet under the rain was an appealing sight. He stood tall like he was king of the world. She was enchanted, especially when the contours of his perfectly chiseled trunk were outlined by the translucent white shirt he wore. She felt her heart pounding against her own soaked clothing. She knew his heart was hers to keep.

This was the man she loved. Destiny had brought them together.

When Marko started to move his feet towards her, she also started walking—hindi para lumayo rito kundi para salubungin ito. Hanggang sa mapaloob na siya sa mga bisig nito. Sa isang iglap lang ay magkahinang na ang kanilang mga labi habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos mula sa kalangitan. It was September rain, and it should be cold but his body was enough to keep her warm.

Marko cupped her face and gazed lovingly at her. Gusto niyang maiyak sa emosyong nababanaag niya sa mga mata nito. Hindi lang kasi malawak na karagatan ang nakikita niya sa asul na mga mata nito. Nakikita at nababasa rin niya mula roon ang pagmamahal nito para sa kanya.

"I love you, honey," he said before claiming her lips once more.

In between kisses she answered him. "I love you, too."

Natigilan si Angela, it felt like déjà vu! Parang nangyari na sa kanila ni Marko ang lahat ng iyon. Kailan nangyari ito... Kailan... Saan? And then like lightning, it hit her in an instant. Naalala na niya kung saan nangyari ang tagpong iyon. Sa panaginip niya! Tama! Iyon mismo ang nangyari sa panaginip niya noong araw na makatulog siya pagkatapos niyang umiyak. Napangiti siya, kung katulad na katulad ng panaginip niya ang mangyayari ngayon, well, alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari at lalo siyang na-excite dahil doon.

Sa dulo ng panaginip na iyon ay nakita niya ang pag-iyak ni Marko nang sabihin niya rito ang tungkol sa pumipintig na buhay sa kanyang sinapupunan. Mukhang iyon na nga ang tamang oras para ibalita niya sa kanyang asawa ang isang magandang balita na kanina lang din niya natuklasan.


AYA MYERS

•••WAKAS•••


That was it, folks. :) :) :) Ang kuwentong ito ang pinagmulan ng Valencia Series at Story Of Us Trilogy. :D

Thank you for reading! Don't forget to VOTE and COMMENT. And, please SHARE/RECOMMEND the story. Thanks. :)

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon