3-0-5, TECSON ST. Hillside Subdivision, Bacoor, Cavite. Iyon ang address ng bahay na ngayon ay tinitingnan ni Angela mula sa kinalululanan niyang sasakyan.
Hinawakan ng kanyang ina ang nanginginig na mga kamay niya. "Go on, Angela, that is your home..."
"M-Mama..."
"G-gusto mo bang samahan kita?"
Tumango siya. Ilang sandali pa ay nasa harap na sila ng gate ng bahay. Mula roon ay tanaw na tanaw niya ang kabuuang bakuran niyon. Angela bit her lips pero hindi niya nakayanan ang pagdagsa ng emosyon sa kanyang pagkatao, lalo na nang mapatingin siya sa swing na nasa kanang panig ng bakuran. Pakiramdam niya ay nakikita niya roon ang batang Angela habang naglalaro ng mga Barbie doll.
This is home, aniya sa kanyang isip bago tuluyang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nginitian niya ang kanyang ina nang maramdaman niya ang marahang paghagod nito sa kanyang likod. Nasa mga mata pa rin nito ang pagsisisi.
Ilang saglit na kinalma niya ang sarili bago nanginginig ang kamay na pinindot ang doorbell sa gilid ng gate. Makilala pa kaya ako ni Daddy? Iyon ang tanong na nagpapabigat sa kanyang kalooban.
Ah, napakaraming taon na ang lumipas. Pero natatandaan niya na hawig siya ng kanyang tunay na ina. Kung ganoon ay iyon na lang ang panghahawakan niya. Maaari din niyang hawakan ang kapangyarihan ng lukso ng dugo. Mararamdaman ng ama niya na siya si Angela, ang nawawala nitong anak.
Isang beses pa siyang pumindot sa doorbell bago niya nakita ang pagbukas ng front door. Mula roon ay lumabas ang isang may-edad na babae.
Bantulot na binuksan nito ang gate. "Miss, ano'ng kai—" Agad nabitin sa ere ang sasabihin pa sana nito. Namutla rin ito at pagkatapos ay agad nangislap ang mga luhang agad namuo sa mga mata nito. "A-Angela... Diyos na mahabagin! Angela, ikaw nga!"
Tuluyan na siyang napasigok. "Y-Yaya Mina!" Agad na yumakap siya rito at umiyak sa mga balikat nito. Sa kabila ng paghagulhol nito ay panay naman ang pasasalamat niya sa Diyos sa muli niyang pagbabalik. Agad din niyang kinalma ang kanyang kalooban. "S-si D-Daddy?"
"Nasa loob. Halina kayo, pasok."
Nilingon niya ang kanyang ina. Bantulot pa ito na sumunod sa kanya pero hinawakan niya ito sa kamay at sinabayan sa pagpasok sa malawak na bakuran.
Napapikit siya nang maulinigan niya ang malamyos na tugtugin na nagmumula sa grand piano. Nakatitiyak siya na ang daddy niya ang tumutugtog ng piano.
"Go. May kailangan lang akong tawagan. Susunod din agad ako, hija," anang kanyang ina. Tinanguan niya ito at pagkatapos ay mabilis na siyang pumasok sa malaking bahay.
There she saw her father playing a very sad symphony on the grand piano. Kahit nakatalikod ito ay ramdam agad niya na para bang napakalaki na ng itinanda nito. At tila nahuhulog na ang katawan nito. Parang piniga ang puso niya dahil doon. Muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya.
"D-Dad... D-Daddy..." garalgal ang tinig na tawag niya rito. Agad na nawala ang malungkot na musikang nililikha ng piano at namayani ang katahimikan. Gayunman, nananatiling nakatalikod ang daddy niya na para bang itinulos na ito sa kinauupuan. "D-Daddy..." ulit niya.
Noon na lumingon ang daddy niya. Tila nawasak ang puso niya nang makita niyang luhaan ang mukha nito. Agad na tumayo ito at patakbong tinungo ang kinaroroonan niya. Siya man ay humahagulhol na sinalubong ito at buong higpit na yumakap dito.
"Angela, anak ko!" wika nito. Lalo pang nanikip ang dibdib niya nang maramdaman niya ang panginginig ng katawan nito.
"Daddy!" Labis na kaligayahan ang pumuno sa puso niya nang magkayakap na sila. Her father knew she was Angela without asking a single question. Pumikit siya at impit na umiyak sa dibdib ng kanyang ama na ilang taon ding naghirap sa pagkakawalay nila.
"Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos at muli ka Niyang ibinalik sa akin."
Angela cried even more. Ramdam na ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya. Nang humupa ang emosyon nila ay saka niya naalala na kasama nga pala niya ang kanyang Mama Anna. Nakita niya itong nakatayo sa front door. Maging ito ay luhaan din. Saglit siyang bumitiw sa daddy niya bago nilapitan ang kanyang ina at ipinakilala sa daddy niya.
"Dad, I want you to meet my savior, si Mama Anna. Siya ang nakakita sa akin noon sa kinapadparan kong lugar," aniya rito. At sa mabilis na pagkukuwento ay sinabi niya ang pagkakaroon niya ng amnesia sa loob ng maraming taon at ang pagbabalik ng alaala niya nang nagdaang araw lang kaya ngayon lang siya nakauwi. Ipinasya na rin niyang sabihin dito ang tungkol sa pag-aasawa niya pero hindi ang tungkol sa pagiging mag-ama ng abductor niya at ni Marko.
Weird, pero sa gitna ng halo-halong emosyon niya ay nakita pa niya ang chemistry sa pagitan ng daddy niya at ni Mama Anna. Ipinasya niyang iwan muna ang mga ito at nagpaalam siya na aakyat muna sa kanyang silid.
Muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Angela nang makita niya ang silid niya. Walang ipinagbago ang silid na iyon. Naroon pa rin ang mga stuff toy niya, ang mga Barbie doll, at ang lahat ng mga laruan niya. Iyon pa rin ang hitsura ng kuwarto niya pero ang mas nagpapaiyak sa kanya ay ang mga regalong nasa ibabaw ng kama niya na halos umabot na sa kisame sa sobrang dami. Her father had never forgotten her, not even once. Lahat ng importanteng okasyon sa buhay niya ay hindi nito nakalimutan kaya naman lalo siyang napahagulhol ng iyak.
She tried to open some of the gifts. Natutop niya ang kanyang bibig nang makita niyang gown iyon. Napakaganda ng pagkakagawa niyon na tila ba ginawa iyon ng isang dalubhasang mananahi para sa isang prinsesa. Happy 18th birthday, princess ang nakasulat sa card na kalakip niyon. She cried as she hugged that gown to herself. Maraming nasayang na sandali sa kanilang mag-ama dahil sa pagkawala niya at wala siyang ibang masisisi kundi ang ama ni Marko.
Napapitlag siya nang makarinig ng mga katok sa pinto. Tinuyo niya ang mga luha niya bago tumayo at binuksan ang pinto.
"Yaya," aniya nang mabungaran si Yaya Mina. Katulad niya ay mapula pa rin ang mga mata nito at tila nangingislap pa sa mga luhang nagbabadya na namang pumatak.
"Hija, may bisita ka sa ibaba."
Kumunot ang noo niya. "Ako po ang may bisita?" Sino ang maaaring bumisita sa kanya gayong kauuwi lang niya sa bahay nila? Ah, baka sina Brandon at ang iba pa niyang mga pinsan. "Sige po, bababa na po ako, yaya." Ilang saglit na pinayapa muna niya ang sarili bago ipinasyang bumaba na at harapin ang kanyang mga pinsan.
![](https://img.wattpad.com/cover/133305109-288-k420602.jpg)
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)