Part 57

7K 184 0
                                    


ANG KANYANG ina ang agad na nakita ni Angela nang magising siya. Remorse was still in her eyes. Gustuhin man niyang panatilihin ang galit niya o ang pagtatampo niya rito ay hindi na rin niya kinaya. Naging mabuting ina ito sa kanya at sapat na iyon para patawarin niya ito.

Siya na ang naunang yumakap dito. She was still her mother, no matter what happened. Ayon dito ay kaaalis lang ni Marko para sumaglit sa bahay nila.

"Gusto ko na pong umuwi, 'Ma."

Tumango ito. "Sandali at tatawagan ko lang si Mar—"

"No, 'Ma. Hayaan n'yo po muna akong magdesisyon kung ano ang gusto ko this time. Ayoko po munang makita si Marko. Please don't call him. Gusto kong lumabas na ng ospital at... at umuwi s-sa C-Cavite. Gusto ko nang makita ang d-daddy ko."

Bumuntong-hininga ito, kapagkuwan ay pumayag na rin sa kagustuhan niya.

Nakalabas siya ng ospital nang hindi nalalaman ni Marko. Tahimik lang siyang nag-iisip sa loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang daan papunta sa address na ibinigay niya sa kanyang ina.

Ilang beses siyang napabuntong-hininga bago hinagilap ang kanyang cell phone. Tinawagan niya si Alexander.

"Angela, how are you? Okay ka na—"

Tumawa siya nang pagak. "I can't say I'm fine, Xander. Pero may pabor akong gustong hilingin sa 'yo. Well, 'yon ay kung kaya mo lang naman akong pagbigyan," aniyang naghahamon ang tinig.

"What's wrong, Angela?" tanong nito. Marahil ay nahimigan nito ang tensiyon sa boses niya.

"Xander, sa tingin mo ba kaya mo pang hugutin ang papel ng kasal namin ni Marko?" Halatang nabigla ang kanyang ina pero hindi ito nagkomento. Sa halip ay pinisil nito nang marahan ang kaliwang kamay niya. She bit her lip, for emotions flooded her again.

"K-kahapon pa lang naman nangyari, baka hindi pa 'yon naipaparehistro." Napabuga siya ng hangin. "All I'm saying is—kung maaari ay gawan mo ng paraan na hindi maiparehistro ang m-marriage contract namin. I don't want to be married to him anymore." Iyon ang desisyon na agad niyang nabuo bago pa siya lumabas ng ospital.

"Ano'ng ginawa sa 'yo ni Marko, Angela?" maigting na tanong nito, protectiveness was in his voice. Halos nakikita na niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito at ang pagtatagis ng mga bagang nito.

"Please, Xander, I don't want to answer that now. And I'm warning you. Do not... d-do not make any drastic moves against Marko. Ang gusto ko lang mangyari, mapawalang-bisa ang kasal namin, kung posible pa 'yon. If not, then ihanap mo ako ng magaling na abogado. Iyong kayang-kayang padaliin ang annulment process." Napahilot siya sa kanyang sentido. She couldn't believe she just warned her friend not to make any drastic moves against Marko. Tila natural na natural ang paglabas niyon sa mga labi niya.

"I'll see what I can do, Angela. Expect me tomorrow morning. As much as I want to go home now, I just can't. Bukas, kailangang sabihin mo sa 'kin ang lahat-lahat, okay? Take care of yourself, pet. Take it easy, won't you?"

"S-sure..." But she thought otherwise. She wasn't sure if she could take things easily.


"DAMN!" bulalas ni Marko, saka sunod-sunod na ibinalibag ang mga kagamitan na mahagip ng kanyang kamay. He was frustrated. Halos mamatay na siya sa kakaisip kung ano ang nangyari. What had gone wrong? What happened? May nagawa ba siyang mali? Masaya pa silang nagkuwentuhan ni Angela kaninang umaga. Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay para bumili ng ingredients sa iluluto niyang almusal dapat nila. Pabalik na siya sa bahay nang makita niya ito na tumatakbo pasalubong sa sasakyan niya, na para bang may tinatakasan ito.

Agad siyang bumaba at nag-alala nang makita niyang umiiyak ang asawa niya. Pero bago pa man niya ito malapitan ay tumalikod na ito at mabilis na tumakbo palayo sa kanya. He tried to go after her. Hanggang sa halos panawan siya ng ulirat nang makita niyang kasabay ng pagtawid nito sa kalsada ay ang papasalubong na isang sasakyan na tumutumbok sa direksiyon ni Angela. That was the scariest moment of his life. Noon lang siya nakadama ng walang katulad na takot sa buong buhay niya. Mabuti na lang at agad na nakapagpreno ang driver ng kotse.

Pagkatapos ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. She didn't want to see him, but why? At nang balikan niya ito ay para siyang tinadyakan sa sikmura pagkakita sa luhaang mukha nito. Sa dibdib niya ay muling nakatulog si Angela.

And then he just went home para sana magpalit ng damit at ibili ito ng paborito nitong cheesecake. Pero pagbalik niya sa ospital ay bakante na ang silid nito. Lumabas ito ng ospital nang hindi niya nalalaman o baka sadyang hindi nito iyon nais ipaalam sa kanya. Ang akala niya ay nagkasalisi lang sila at baka nasa bahay na nila ito pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang maratnang wala roon ang kanyang asawa. He was really clueless. Para siyang nangangapa sa gitna ng kadiliman. Can somebody tell me what is happening?

Napapitlag siya nang tumunog ang cell phone niya. Sa pagbabaka-sakaling si Angela iyon ay agad niyang kinuha ang kanyang cell phone at sinagot iyon pero hindi si Angela ang tumatawag kundi si Mama Anna.

Tumawag lang daw ito para sabihin kung nasaan ang mga ito. Pero hindi na ito sumagot nang tanungin niya kung may alam ito sa ipinagkakaganoon ni Angela. Mas makabubuti diumano na si Angela ang magsabi sa kanya ng lahat. Frustrated na nag-drive na lang siya papunta sa Cavite.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon