Part 25

10.2K 258 16
                                    


Mayamaya pa ay nagsalita uli si Alexander. "Anyway, who was that guy? Bakit naglilihim ka na sa 'kin ngayon?" nag-aakusang tanong nito.

She bit her lip. Bakit parang nagi-guilty siya sa akusasyon nito? "Hindi ako naglilihim sa 'yo, nalimutan ko lang banggitin," depensa niya.

"Ano naman ang pagkakaiba n'on?"

"There's a big difference, Alexander. Kapag naglihim, ibig sabihin, sinadya kong itago sa 'yo ang bagay na 'yon. Kapag nakalimutan naman, ibig sabihin, unintentional, understand? Hah! I can't believe I really have to tell you the difference between the two like you're a first grader," aniya rito na tila nangangaral sa isang batang paslit.

Naiinis siya rito pero hindi pa rin niya napigilang matawa nang mabakas niya sa mga mata nito ang amusement. Napailing na lang siya. Napakabilis talagang magbago ng mood nito. Kanina lang animo isa itong leon sa sobrang tapang, pagkatapos ngayon ay boyish na boyish na ang dating nito sa klase ng pagkakangiti nito.

"Letse ka," she cursed him boldly. "Napahubad tuloy ako ng sapatos nang dahil sa 'yo. Basta-basta ka na lang kasi nanununtok. Pa'no 'pag nademanda ka?"

"Sorry about that. Hanggang ngayon pala, naghuhubad ka pa rin ng sapatos 'pag naiinis at natetensiyon ka," natatawang sabi nito. "'Yong sa demanda naman, well, hayaan mong magdemanda sila, I can handle them."

"Sure you can handle them, pero pa'no naman si Vladimir? Nakakalimutan mo yata na magkakabit ang pangalan n'yong magkapatid?"

"Si Vlad? Ililibre ko pa ng trip to Hawaii ang sinumang reporter na makakakuha ng kahit isang linya mula kay Vlad. Para namang hindi mo alam na ipinagkikibit-balikat lang niya ang mga ganitong bagay. Anyway, who was that guy?"

Napapalatak siya. "Hindi ka talaga matatahimik, 'no?"

"No. Kaya sabihin mo na lahat ng bagay na may kinalaman sa lalaking 'yon."

"Boyfriend ko, siya si Markopolo," nakangising sabi niya. Napabunghalit siya ng tawa nang manlaki ang mga mata nito. Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay sumimangot na ito. "Ang OA mo, Xander. Hindi ko boyfriend 'yong tao, nag-a-apply pa lang. Magbo-boyfriend ba naman ako na hindi n'yo nakakaliskisan ni Bloody at ng magagaling kong pinsan?" "Bloody" ang tawag niya kay Vladimir. Paraan niya iyon ng paglalambing dito.

"Good girl. Pag-iisipan ko na kung paano ko gigisahin ang kamoteng 'yon. Tamang-tama dahil uuwi na si Vlad, pagtutulungan namin 'yang manliligaw mo hanggang sa sumuko siya."

"Xander!" protesta niya.

Nakaawang ang mga labi na binalingan siya nito. "Umamin ka nga, Angela, do you like him?" nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.

Napanguso siya. "Y-yes, I think I do like him," napapabuntong-hiningang pag-amin niya rito. Ikinuwento na rin niya rito ang ilang beses na pagtatagpo nila ni Marko. Pagkatapos niyon ay binalot sila ng kakaibang katahimikan. Natuon na sa pagmamaneho ang atensiyon ni Alexander habang siya ay naninibago sa katahimikang namayani sa pagitan nila. She wanted to open up a conversation with him but his silence was like an iron wall that separated them.

"Uuwi ka ba bukas sa Catalina?" tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.

"Yes. Ikaw? Babalik ka na naman ba sa Europe?"

Nakahinga si Angela nang maluwag nang mawala na ang seryosong anyo ni Alexander. "In demand ang kaibigan mo, eh," mayabang na wika nito na ikinailing niya. "Susunod ako sa Catalina kapag natapos ko na ang mga commitment ko, okay?"

Nakangiting tinanguan niya ito. Pero agad iyong nabura sa mga labi niya nang mapansin ang paglamlam ng mga mata nito.

Bumuntong-hininga ito. "I'm sorry, sinira ko ang gabi mo."

Umisod siya papalapit dito at pagkatapos ay niyakap ang kanang braso nito. "Minsan talaga sumusobra na kayong lahat sa pagbabantay sa 'kin. I'm not a kid anymore. Malaki na ako, matanda na nga, but nevertheless I am so thankful to have you, Bloody, and the rest of the guys," aniya bago isinandig ang ulo sa balikat nito.

Napangiti siya nang maramdaman niyang hinalikan nito ang kanyang ulo. "Pa'no 'yan, Xander?" Umalis na siya sa pagkakasandig dito at tiningnan ito. "Siguradong babandera bukas sa mga pahayagan ang litrato mo." Hindi niya maiwasang mag-alala para dito.

"Hubad na larawan ko lang ang papatay sa issue na sinasabi mo, Angela," nakangising sabi nito.

"'Yabang!"

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon