"Sure. So, pa'no, honey, dito ako matutulog, ha."
"Hindi puwede," mabilis na sagot ni Angela.
Nanlaki ang mga mata ni Marko. "Why not? Nag-iisa ka lang dito. No, hindi ako papayag. I'll spend the night here."
"Mas delikado yata kung dito ka matutulog, Marko. Mas safe yata ako kung nag-iisa lang ako rito sa bahay," nakaingos na balik niya rito na sinagot lang nito ng mataginting na halakhak.
"Magbe-behave ako, promise," wika nito. Sinamahan pa nito iyon ng pagtaas ng kanang kamay nito.
Nag-isip siya. "Okay, here's the deal. Payag ako na dito ka matulog pero oras na hindi ka mag-behave, ipapatapon talaga kita palabas ng Catalina. Isang tawag ko lang kina Alexander at Brandon, siguradong hindi ka na makakatapak pa rito sa Catalina. How about that?" nakangising tanong niya rito.
Kumamot ito sa ulo. "Ang bigat naman ng parusa," reklamo nito. "Parang hindi mo naman ako mahal niyan. How cruel can you get para ipatapon ako palabas ng Catalina? Bakit hindi mo rin tawagan si Vladimir at ipabaril na lang ako? Parang ganoon din naman iyon," pagmamaktol pa nito.
Nilapitan niya ito at pinamaywangan. "Aba at wala ka pala talagang balak na mag-behave?"
Ngiti lang ang isinagot nito. Isang ngiti na nagsasabing tama siya sa huli niyang sinabi.
"O, kita mo na, may pataas-taas ka pa ng kamay diyan, 'yon pala, may binabalak ka ngang kalokoh-"
Marko conquered her lips before she could even finish her sentence. He kissed her hungrily na para bang napakatagal na panahon nilang nagkalayo. At wala siyang magawa kundi tumugon sa pangangailangan nito. Marko had a unique way of kissing. Hindi niya alam kung paano idi-describe ang halik nito pero sigurado siyang nakakabaliw ang mga labi nito. Para iyong droga na nakaka-high at nakakaadik. Iyong tipong hahanap-hanapin niya sa bawat sandali.
"Now, ipapatapon mo pa rin ba 'ko palabas ng Catalina?" nanunudyong tanong nito habang hapit-hapit siya nito sa katawan nito.
"Kiss me once more, and then I might reconsider," she naughtily answered then clasped her hands arround his neck.
Marko chuckled. His hands moved up from her waist to her still wet hair and softly brushed it with his fingers. He smelled her hair and then let out a soft groan. And then he claimed her lips once more. This time the kiss grew daring for his tongue invaded her mouth and wildly played inside. He took soft little bites of her lips and left her wild for more. Marko was a great kisser. Sa halik pa lang nito ay sanlaksang sensasyon na ang hatid nito sa buong katawan niya. What more if they actually made love?
Marko finished the kiss with a light brush of his lips against hers and then he hugged her so tight. "I love you, honey," he whispered.
"I love you, too."
"Mag-movie marathon na lang tayo, what do you think?" suhestiyon nito habang nagliligpit na sila ng mga pinagkainan nila.
"Sure. Basta romantic movies. Okay lang sa 'yo?" sagot niya rito. Mahilig siya sa ganoong tema ng pelikula at gusto lang niyang malaman kung hanggang sa panonood ba niyon ay kaya siya nitong samahan.
"Hindi ako mahilig sa romantic films, eh. But, yeah, I'll try watching. Pero huwag kang magagalit sa 'kin 'pag naghikab ako, ha? Worst, baka tulugan pa kita."
Natawa siya. "At least you're being honest."
Siya ang naghugas ng mga pinggan habang si Marko naman ang nagtutuyo ng mga iyon bago ilagay sa lalagyanan. Ilang saglit pa at tapos na silang magligpit sa kusina. Kumuha siya ng butter flavored jolly popcorn at isinalang iyon sa microwave. Limang minuto lang at naamoy na niya ang mabangong amoy ng popcorn.
"Cola or just water?" tanong ni Marko patungkol sa inumin na bibitbitin nila sa loob ng entertainment room.
"Tubig lang ako."
"Would you mind kung magbi-beer ako?" tanong nito. May stock sila ng beer sa refrigerator dahil sa mga pinsan niya na madalas tumambay sa villa. Kinuha ni Marko ang container ng popcorn sa kanya dahil mainit iyon.
"No. Bahala ka na sa gusto mong inumin."
Ilang sandali pa at nasa loob na sila ng entertainment room. Sa napakalaking LCD monitor ay ipinapalabas na ang pelikulang napili nilang panoorin, ang Letters to Juliet. The story happens in the beautiful land of Verona, Italy, where an old woman searches for the great love she lost fifty years ago. Ang totoo ay paulit-ulit na niyang napanood iyon. Pero tuwina ay hindi pa rin niya maiwasang madala sa mga eksena roon.
Sinulyapan niya si Marko. Nakadapa sila nang mga sandaling iyon sa isang sofa-bed. Tutok na tutok ang mga mata nito sa TV set at wala ang inaasahan niyang paghihikab mula rito. Patapos na ang pelikula at naku-curious siguro itong malaman kung natagpuan ba ng bida ang kanyang great love. Sinubuan niya ito ng popcorn para sirain ang concentration nito pero ngumanga lang ito at nakatutok pa rin ang mga mata sa TV set.
"She will-"
Mabilis na itinakip nito ang palad nito sa mga labi niya at pinatahimik siya. "No spoilers," hindi pa rin tumitinging sabi nito.
Napapangiti na lang siya kapag sumusungaw sa mga mata nito ang fondness at ngiti sa mga labi sa bawat eksena.
Ilang minuto pa at natapos na ang pelikula.
"Destiny brings them back together. Nasa puso nila ang isa't isa kaya kahit na magkalayo sila sa loob ng limampung taon ay sila pa rin sa bandang huli. They are meant to be," sabi nito bago hinuli ang kanyang mga mata. "Like we're meant to be..."
Hinalikan siya ni Marko sa mga labi na tinanggap naman niya iyon. Pagkatapos ay ito na rin ang kusang bumitiw. Ilang sandali na pinagkuwentuhan pa nila ng binata ang katatapos lamang na pelikula bago sila nagpasyang matulog na. Hindi naman ito nagprotesta nang sabihan niya itong sa guest room ito matutulog.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
