Part 49

8.4K 215 2
                                        


"WHAT do you want, honey? Magpapatayo ba tayo ng bagong bahay sa Catalina or would you prefer to live with Mama Anna? Any arrangement you choose will be fine," ani Marko sa kanya. Sakay na sila ng kotse nito at patungo na sa bahay nito. Mamayang hapon ay nakatakda silang pumunta sa Greece para sa honeymoon nila. Hindi rin siya makapaniwala kung paano nai-set ni Hanna ang honeymoon trip nila ni Marko nang ganoon kabilis.

Umisod si Angela at isinandig ang ulo niya sa balikat ng kanyang asawa habang nagda-drive ito. Marko kissed her head. "Tiyak na mahihirapan ka kung sa Catalina tayo titira. Narito sa Manila ang business mo at hindi naman puwede na mag-uuwian ka sa Catalina. Ang ibig kong sabihin, dito na lang tayo sa Manila bumase, how does that sound?"

Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nag-aalalang tiningnan siya nito. "Are you sure? Kasi ako, okay lang sa akin na ako ang mahirapan huwag lang ikaw. I know how you love it there and—"

Iniharang niya ang isang daliri niya sa mga labi nito. "I want to live where you are—where my better half is. Kung nasaan ka, doon din ako. Anytime naman, puwede tayong dumalaw sa Catalina, 'di ba?"

"P-paano ang clinic mo sa Centro? Gusto mo ba na magtayo rin ng clinic dito? We can do that, you know."

"Tatakbo pa rin ang clinic sa Centro dahil kay Jenny. Tungkol naman sa pagpapatayo ng bagong clinic dito sa Manila, well, saka ko na pag-iisipan 'yan, Marko. Sa ngayon ay gusto ko munang tumigil sa bahay at pagsilbihan ang aking asawa."

"I'd love that. Pero gusto kong malaman mo na hindi kita pinakasalan para pagsilbihan ako. It's the other way around, my wife. I'll make you smile each day and I intend to make you happy for the rest of our lives." He cupped her face and give her a loving kiss. Pagkatapos ay muli na nitong pinaandar ang sasakyan at nagmaneho ito habang nakayakap sa katawan niya ang kanang kamay nito. Ilang minuto pa ay pumapasok na sa isang exclusive subdivision sa Quezon City ang sinasakyan nila.

"Funny, nagpakasal ako sa lalaking hindi ko alam kung saan nakatira," natatawang sabi niya. He grabbed her hand and lightly kissed it.

"I told you, we have a lifetime to get to know each other. Pagbalik natin mula sa Greece, makikilala mo silang lahat. My parents are based in Ireland pero naka-schedule na silang umuwi rito para makilala ang manugang nila. Mama would love you. That, I can guarantee. Wala naman akong dapat ikatakot tungkol sa pagkatao ko. Well, there are secret scandals about my family katulad ng pagiging magkapatid pala namin ni Hanna. Aside from that, okay naman ang family background ng asawa mo."

Asawa mo. How she loved hearing the words!

Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng isang malaking gate at nang bumusina si Marko ay bumukas iyon. Hindi na niya dapat ipagtaka iyon. Marko owned a private chopper kaya natural lang na high tech din ang mga security system ng bahay nito kasama na ang gate na iyon.

"Close your eyes, honey," anito pagkatapos bumukas ang gate at tuluyang ipasok ang sasakyan sa loob ng bakuran ng bahay. Natatawang sinunod naman niya ang sinabi nito.

"No peeking. Do not open your eyes until I tell you to do so. Are we clear, wife?" tumatawang tanong pa nito bago niya naramdaman ang muling pag-usad ng sasakyan.

"No peeking," pagsang-ayon naman niya.

Naramdaman niyang tumigil na ang sasakyan. Naramdaman din niya na mabilis na bumaba si Marko ng sasakyan. Mayamaya pa ipinagbukas siya nito ng pinto at inalalayang bumaba. Pumuwesto ito sa likuran niya at mula roon ay niyakap siya nito. "Welcome to our kingdom, my queen," bulong nito sa tainga niya.

She slowly opened her eyes. Umawang ang mga labi niya nang matunghayan niya ang bahay na iyon. Marko didn't bother to put the car inside the garage. Sa halip ay sa driveway ito pumarada at mula roon ay kitang-kita niya ang bahay na magiging tahanan nila.

It was beautiful! It was a two-storey western-style house with a spacious lawn. Nauunawaan na niya kung bakit iyon ang naging sorpresa nito sa kanya. Halos magkapareho kasi ng estilo ang bahay na iyon at ang villa sa Catalina. Lalo yata siyang na-in love sa bahay na iyon nang makita niya ang mga halamang namumulaklak sa napakalawak na lawn.

"This is your house?"

"Our home," anito bago hinagkan ang ulo niya. "Nagustuhan mo ba? Okay lang ba kung dito tayo titira? Tell me honestly if you didn't like it para makapagpagawa agad tayo ng bahay na aayon sa panlasa mo."

Humarap siya rito at buong pagsuyong nginitian ito. She could almost picture a happy family—their family—living in that house. "Hindi ko pa nakikita ang loob ng bahay pero sigurado ako na magugustuhan ko 'to. So, this is our home, huh? Hmm, parang naririnig ko na ang mga yabag ng maliliit na batang naghahabulan."

Tumaas-baba ang mga kilay nito. "Pupunuin natin ang tahanang ito ng maliliit na Angela at Marko."

Napatili siya nang biglang umangat ang mga paa niya mula sa lupa. Her husband had caught her up in his arms.

"I shall carry you across the threshold," anito bagonaglakad papasok sa bahay. Kinikilig na ikinawit na lang niya ang kanyang mgakamay sa batok ng kanyang asawa. Number combinations ang nagsisilbing lock ngpinto ng bahay. 

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon