Part 7

11K 260 1
                                    


BUMUNTONG-HININGA si Angela habang pinagmamasdan niya ang marahang pagbaba ng helicopter sa airstrip ng hacienda. Iyon ang sasakyan niya papunta sa Maynila. Sa loob ng dalawang araw mula nang malaman niya ang totoong pagkatao niya, pilit niyang inaalala ang nakaraan niya. Pero kahit ano ang gawin niya ay walang alaala na bumabalik sa kanyang isip. Hanggang sa makapagdesisyon siya na lumuwas muna sa Maynila. Doon ay umaasa siyang may bagay siyang makikita na maaaring makapagpabalik ng alaala niya. She had so many thoughts in her mind but they were all jumbled kaya naisipan niyang pansamantalang umalis ng Catalina.

Kung hanggang kailan siya sa Maynila ay hindi pa niya masasabi. Nakausap na niya si Jenny at pumayag naman ito na ito muna ang tatao sa clinic habang wala siya.

"T-tatawag ka nang madalas, ha, Angela?" wika ng kanyang ina. Masinsinan niya itong kinausap at sinabi rito ang plano niyang pagluwas sa Maynila. Suportado siya nito bagaman naroon pa rin ang takot sa mga mata nito.

Tumango siya. "Siyempre naman, 'Ma. Hindi ko lang po tiyak kung hanggang kailan ako ro'n. Darating din po kasi si Alexander mula sa Milan at alam n'yo naman ang isang 'yon. Tiyak na kung saan-saan na naman ako n'on hahatakin." Wala silang properties sa Maynila kaya sa isa sa mga town house ni Alexander siya tumutuloy tuwing lumuluwas siya sa Maynila para mamili ng mga gamot at iba pang kagamitan sa clinic niya. Alam din ng mga pinsan niya ang pagluwas niya bagaman hindi nagtatanong ang mga ito. Sina Charlie at Enteng ay kahapon pa nakaluwas.

Tuluyang lumapag ang chartered plane. Mag-eeroplano siya ngayon para mabilis ang biyahe niya. Kung pipiliin kasi niyang mag-travel by land ay aabutin siya nang humigit-kumulang walong oras para makarating sa Maynila.

"Bye, 'Ma." Hinagkan niya at niyakap ang ina bago niya binitbit ang kanyang handcarry bag.

Tumango ito. "Take care. Tawagan mo agad ako kapag may development, ha?"

Tumango siya at sumakay na sa eroplano.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon