Part 68

9.7K 214 1
                                    


"WHAT about the annulment papers?" nakasimangot na tanong ni Angela habang sinusubuan niya ng mainit na sabaw si Marko. Magaling na ito at wala nang lagnat pero pinagbigyan na lang niya ito nang naglalambing na magpasubo ito sa kanya. "You've hurt me with those papers," dugtong pa niya at hindi na niya itinago ang pamamasa ng kanyang mga mata.

Bumuntong-hininga si Marko, saka kinuha mula sa kamay niya ang hawak niyang mangkok at inilagay iyon sa side table. Pagkatapos ay hinuli nito ang mga mata niya. "I meant the annulment papers, Angela. Gusto ko kasi na magsimula tayong muli. Iyong kikilalanin mo muna akong mabuti. Then, kapag kilala mo na akong mabuti, saka uli kita yayayaing magpakasal," masuyong sabi nito.

"I-I thought you didn't love me anymore." Muli siyang napasigok.

"Magunaw man ang mundo, hindi kailanman mawawala ang pag-ibig ko sa 'yo, Angela. Binigyan lang kita ng kaunting oras para mag-isip pero hindi kita kailanman bibitawan. That's why I wanted our wedding annulled. Plano ko kasing magsimula uli. Magsimula, as in liligawan uli kita kahit pahirapan uli ako ng mga pinsan mo. Sabi ko, hindi muna kita gagambalain pero hindi na 'ko nakatiis. Pakiramdam ko, ikamamatay ko na kapag hindi ko man lang narinig kahit ang boses mo kaya tinawagan kita. Gusto ko nang sapakin ang sarili ko nang mapagtanto ko ang implikasyon sa 'yo ng mga sinabi ko, lalo na nang putulin mo pa ang tawag ko. Kaya kahit tinatrangkaso na 'ko, nagkumahog pa rin akong pumunta rito," mahabang paliwanag nito.

Ngumiti na siya. Napawi na ang lahat ng agam-agam sa puso niya. "Nang malaman ko kung ano ang koneksiyon mo kay Manuel, may misyon agad akong nais isakatuparan—a mission to get over you because you were my enemy. But you know what, it was mission impossible. Paano pa kita kalilimutan kong pagmamay-ari mo na ang lahat-lahat sa 'kin? Habang tinitikis kita, napagtanto kong ang sarili ko lang ang mas pinahihirapan ko."

"Oh, honey." Marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha. "I wish I could heal the wound inside your heart."

"There is no wound, Marko, dahil marunong akong magpatawad. I can forgive and forget. Mas masarap mabuhay kapag walang galit na namamahay sa puso natin. And if you were a wound inside my heart, I'd rather leave it there with all the pain locked inside than have no trace of you in it."

He smiled at her, thanking her for the forgiveness she bestowed, and vowing to make it up to her each day. Tama ang daddy niya, masarap mabuhay kung marunong magpatawad.

"Kailan mo ako ipakikilala sa mga biyenan ko at sa iba pang miyembro ng mga de Gracia?" mayamaya ay nangingiting tanong niya rito.

Mababakas ang matinding katuwaan sa mga mata ni Marko. "Are you ready, honey? Sigurado ka ba na handa ka nang makilala sila?"

"Handang-handa na. Pero siyempre, pahapyawan mo naman ako ng dapat kong asahan sa kanila, lalo na sa mga magulang mo. Katulad ng kung ano ang mga hilig at gusto ng magulang mo, 'yong mga gano'n," nakangiting sabi niya rito.

"Mamaya na ang kuwento. For now, let me show you how much I love you," mapanghalinang wika nito bago inangkin ang mga labi niya. Napapikit siya nang muling maramdaman ang kaligayahang iyon na hatid ng mga halik nito. Ah, magsisimula na uli ang panibagong kabanata ng kanilang buhay na walang multo ng kahapon.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon