Part 48

8.1K 224 2
                                    


EVERYTHING happened like a roller coaster ride. Napakabilis ng mga pangyayari. Pagkalapag pa lang ng chopper ni Marko ay may sasakyan na agad na naghihintay sa kanila ng binata. Dinala muna siya nito sa isang boutique na nahinuha niyang pag-aari ni Hanna.

First impressions never last. Iyon ang napatunayan ni Angela nang makilala niya nang personal si Hanna. Sa unang tingin kasi sa dalaga ay aakalain agad na mahirap itong pakisamahan. Pero hindi niya iyon nakita sa masayahing Hanna. Hanna greeted her with open arms and then eagerly helped her to dress. Ito na rin ang nagboluntaryong mag-apply ng makeup niya.

Marko left them for a moment. Pagbalik nito ay halos matulala siya sa kaguwapuhan nito. Naka-formal suit na rin kasi ito. His hair was neatly arranged and his face freshly shaven. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Nagniningning din sa sobrang pagmamahal ang asul nitong mga mata. He was the epitome of the word debonair. He was the most dashing groom she had ever seen.

Pagkatapos niyon ay magkahawak-kamay na silang sumakay sa kotse nito at nagtungo sa bahay ng judge na magkakasal sa kanila.

 She didn't know how Marko was able to do it. Pero pagdating nila sa bahay ng judge ay nakita niyang naroroon na ang mama niya, si Hanna, si Enteng, si Dylan, si Brandon, at si Charlie. Tanging sina Alexander at Vladimir lang ang wala sa mga ito. Si Alexander ay nasa Europe pa rin dahil sa modeling commitments nito habang si Vladimir naman ay abala pa sa pagtugis sa mga kaaway ng gobyerno sa Mindanao.

"Mama..." Bigla siyang naluha at na-guilty nang mapagtanto niyang tila initsa-puwera niya ang kanyang ina sa isang mahalagang desisyon ng kanyang buhay.

Maluha-luhang niyakap siya ng kanyang ina. "Ikakasal na ang baby ko."

"H-how... How did you know, 'Ma? I'm sorry kung h-hindi ko kayo natawagan man lang at naging madalian ang lahat. Hindi ko po intensiyon na hindi ipaalam sa inyo ang bagay na 'to. Mama, I'm so sorry..." lumuluhang sabi niya rito.

"Sshh, it's okay. Naiintindihan ko. Nagmana ka nga sa akin. Ganyan din ang nangyari sa amin ng papa mo. Lihim din kaming nagpakasal. Isa pa, alam ko na rin ang tungkol dito," anito habang maingat na tinutuyo ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.

"P-paano n'yo po nalaman?"

Nginitian siya nito. "Marko. He had already asked for your hand in marriage before asking you the big question, and I gave him my blessing."

"He did?" Sinulyapan niya si Marko. Abala ito sa pakikipagkuwentuhan sa mga pinsan niya. Lalo itong napamahal sa kanya sa kaalamang hiningi rin pala nito ang pahintulot ng kanyang ina para mapakasalan siya.

"Kaya rin ako umalis kahapon at iniwan kayong dalawa sa hacienda, dahil alam kung magpo-propose na siya sa 'yo. Sinabi rin niya sa akin na kung mapapapayag ka niya ay pakakasalan ka raw agad niya sa huwes. But of course, he promised me he'd still give you the grandest wedding you deserve."

Nag-init ang mga pisngi niya. Alam din kaya ng kanyang ina na hindi lang proposal ang nangyari sa kanila ni Marko? That she had already given him her everything?

Muli niyang sinulyapan si Marko. Napapalibutan pa rin ito ng mga pinsan niya. Kung ang kanyang ina ay nasabihan ni Marko, nakasisiguro siya na ngayon lang nasabihan ang mga pinsan niya dahil sa mga kasuotan ng mga ito. Si Charlie ay suot pa ang chef uniform nito. Si Enteng ay naka-rocker attire pa, na para bang tumakas lang ito sa isang singing engagement nito. Si Dylan naman ay tila pupungas-pungas pa at bagong gising lang. At si Brandon naman ay tila nahila lang mula sa isang business conference. It seemed that her cousins were teasing her husband to be.

"Go, get your groom, hija, bago pa siya mapagtulungan ng mga pinsan mo," natatawang wika ng kanyang ina.

Natawa na rin siya sa sinabi nito. Muli, niyakap niya ang kanyang ina bago siya nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang magiging asawa.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon