Part 61

7.3K 221 5
                                    


"MAUPO ka uli, hijo."

Iyon ang nagpagising sa pagkakatulala ni Marko. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa organisado ang isip niya at hindi pa rin maproseso ng isip niya ang mga rebelasyong narinig niya. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin o kung ano ang gagawin. Pero mas nangingibabaw pa rin ang kagustuhang ikulong sa kanyang mga bisig si Angela at pawiin ang takot at sakit na nagpapahirap dito. He loved her so much that he couldn't stand seeing her hurt.

"S-Sir..." Nalilitong sumunod siya rito. Nakilala na niya ito kanina dahil ito at si Mama Anna ang nadatnan niya sa sala.

Huminga ito nang malalim. "Labing-walong taon na ang nakararaan mula nang mangyari ang aksidente. Kailanman ay hindi ako nawalan ng pag-asa na muling babalik sa akin ang anak ko, hijo."

Napayuko siya. Was his father really the culprit? Ang ama ba talaga niya ang may kasalanan kung bakit pare-pareho silang nahihirapan ngayon?

"My wife Alessandra was very beautiful. Look at Angela at para mo na ring nakita ang asawa ko. Parang pinagbiyak na bunga kasi ang mag-ina ko. Natatandaan ko na marami akong naging karibal sa kanya noon..."

At isa na roon ang ama ko. Napapikit siya nang mariin sa isiping iyon pero hindi siya nagkomento at hinayaan lang niya na magpatuloy ito sa sinasabi.

"At isa na roon ang Tito Manuel mo, Marko."

Napatuwid siya ng upo sa narinig. "Si Tito Manuel? Ang kakambal ni Papa?" bulalas niya. Parang binibiyak ang ulo niya sa biglang pagdagsa ng emosyon. Bakit nga ba hindi niya naisip kanina na may kakambal pala ang kanyang ama? Kung gayon ay hindi ang kanyang ama ang may kasalanan kay Angela kundi ang tito niya. Pero wala pa ring ipinagkaiba iyon, pamilya pa rin niya ang may kasalanan sa asawa niya.

"Malaking tulong ang mga CCTV sa bahay na 'to kaya nagkaroon agad ng lead ang mga awtoridad sa pagkawala ng aking anak. Naging suspect agad si Manuel."

"N-natagpuang patay si Tito Manuel sa yate. Heart attack, I believe..." naguguluhang usal niya. Wala kasi siya sa bansa nang mangyari ang bagay na iyon. Hindi na rin siya noon nagkaroon ng pagkakataong umuwi sa Pilipinas dahil agad na-cremate ang mga labȋ ng tiyuhin niya.

Umiling ito. "He killed himself. Your father protected your family kaya iyon ang balitang lumabas."

Kanina pa napapansin ni Marko na walang anumang galit na nakabadha sa mukha ni Tito Roman. Sa halip ay kalungkutan lang ang naroon. "Mas magaan ang mabuhay kung walang galit ang dibdib, Marko," wika nito na tila nabasa ang nilalaman ng kanyang isip. "Your father asked for forgiveness sa kasalanan ng kapatid niya at ibinigay ko 'yon. Hindi lang iyon, tumulong din ang ama mo sa paghahanap noon kay Angela. Pero mailap sa amin ang tadhana. We couldn't find her. Walang nagawa ang pera ko para matagpuan ko siya, hanggang sa ipagpasa-Diyos ko na lang ang lahat."

"God!" bulalas niya sa kawalan ng maisasagot. Ipinatong na lang niya ang dalawang siko sa mga hita niya at pagkatapos ay isinubsob ang kanyang mukha sa mga kamay niya.

Naramdaman na lang niya ang marahang pagpisil nito sa balikat niya. "I have nothing against you, Marko. You're my daughter's husband, which now makes you my son. Isa pa, ramdam ko ang pagmamahal mo para sa kanya at ganoon din si Angela sa 'yo. Believe me when I say that my daughter loves you," wika nito na nagpatingala sa kanya. Sinalubong niya ang mga mata nito. Napalunok siya nang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Napakabuti ng puso nito para magpatawad agad at tanggapin siya bilang anak na rin nito.

"Just give her some time. Unawain mo muna siya, hijo. Nasasaktan pa siya dahil sa mahabang taon na pagkakawalay naming mag-ama. Kahit hindi siya lumaki sa akin, alam kong mabuti ang puso ng aking anak. She'll eventually find forgiveness in her heart. Just be patient with her, okay?"

Pigil ang emosyong tumango siya. Gagawin niya ang lahat para maalis ang sakit at pait sa puso ni Angela.


A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon