NAMAMAGA na ang mga mata ni Angela pero wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak. Mula sa silid niya ay narinig niya ang pag-alis ng pamilyar na tunog ng sasakyan ni Marko. She was so hurt and so angry at the same time.
Nag-excuse ang kanyang ina at lumabas ng silid nang pumasok sa kuwarto niya ang daddy niya. "D-Daddy..." aniya rito nang silang dalawa na lang ang naroon. Niyakap siya nito nang mahigpit.
Mayamaya pa ay bahagya siya nitong inilayo at marahang pinunasan ang mga pisngi niya. "God, you're so hurt..."
Napasigok siya. "P-pinaglalaruan ako ng tadhana, Daddy. Bakit si Marko pa? I hate him! I hate them!"
"Alam mo ba na isang manipis na linya lang ang naghihiwalay sa pagitan ng galit at pagmamahal? Labis kang nasasaktan dahil labis din ang pagmamahal mo para kay Marko. Tama ba?"
Napapikit siya. Sa halip na sumagot ay napahikbi na lang siya.
"Hija, hindi ang ama ni Marko ang may kasalanan sa 'yo..."
Nakaawang ang bibig na tiningnan niya ito. Kapagkuwan ay umiling-iling siya. "Hindi ako maaaring magkamali, Dad. It was him! Malinaw kong nakikita sa isip ko ang mukha niya. It was him! sigurado ako, Dad..." Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya. Ang Manuel na nakipagkilala sa kanya noon ay ang ama ni Marko.
"It was his face, yes, pero dalawa ang may-ari ng mukhang iyon, hija..."
Tila may pumitik sa sentido niya. "D-Dad?"
"May kakambal ang ama ni Marko, hija. Si M-Manuel. Marko's father's name is Michael. Ang tito ni Marko ang k-um-idnap sa 'yo."
Napatayo siya. She wanted to say something but she couldn't find the words.
"Manuel loved your mother very much. A-ang totoo niyan, matagal na siyang nanliligaw sa mommy mo. But your mother couldn't offer him anything but friendship. Hanggang sa dumating ako sa buhay ng mommy mo. We fell in love with each other and got married. Wala na kaming naging balita mula noon kay Manuel. Until we had you. N-nang mamatay ang mommy mo, hindi iilang beses na nakita ko si Manuel na sumisilip sa burol ni Alessandra. Hindi ako gumawa ng hakbang dahil nauunawaan ko ang nararamdaman niya. Hanggang sa mangyari na nga ang insidenteng iyon..."
She was shocked. Bigla siyang nalito. Marami pang sinabi ang ama niya pero hindi na niya maunawaan iyon. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya. Hindi ang ama ni Marko ang may kasalanan sa kanya kundi ang tito nito. Pero ano ang pagkakaiba? Pareho lang ang sakit at galit na nararamdaman niya. She still hated them.
"Forgive and forget, Angela..."
Napatingin siya sa daddy niya. Wala siyang makitang galit sa mga mata nito, tanging panghihinayang lang ang naroon.
"D-Dad, n-napatawad n'yo po ba agad sila noon?"
Hinaplos ng daddy niya ang kanyang buhok. "No. Katulad mo, abot-langit din ang galit ko noon. I was so mad. Lahat sila, sinisi ko sa pagkawala mo. But then, na-realize ko na hanggang nasa puso ko ang galit ay sarili ko lang ang pinahihirapan ko. Hindi lang sila ang hindi natatahimik, ako man. It was so hard. Eventually, I learned to forgive them."
Humihikbing tumingin siya sa bintana ng kanyang kuwarto. She couldn't find it in her heart to forgive. Not now...
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
