Nagmamadaling bumangon si Marko. "Stay here. After what we had last night, alam kong mahina pa ang katawan mo. Ako na ang kukuha ng pagkain sa ibaba. Stay in bed, mabilis lang akong magluto," anito bago kumindat sa kanya. Hinatak nito ang roba nito mula sa kung saan at isinuot iyon. Pagkatapos niyon ay mabilis na naglakad na ito palabas ng kuwarto nila. Wala pang isang minuto ay nakabalik na uli ito sa kuwarto.
"Wow! Mabilis ka ngang magluto!" She teased him.
Marko chuckled. "Actually, lalabas ako saglit, honey. Pupunta lang ako sa pinakamalapit na convenience store. Gusto kitang ipagluto ng espesyal na putahe. Unfortunately, kulang ang ingredients ko." Pagkasabi niyon ay nagsimula na itong mabihis.
"Magpa-deliver na lang kaya tayo?" suhestiyon niya rito.
Umiling ito. "First meal as husband and wife, dapat memorable 'yon. No arguments. I'll cook for you."
Napangiti na lang siya. Napaka-sweet talaga nito. "'Sama ako..."
"No need, wife. Mabilis lang ako," anito habang nagpapaikot-ikot, tila may hinahanap na kung ano. Ang mga kamay nito ay nasa magkabilang baywang nito.
Napakunot-noo siya. "Ano 'yon?"
"Na-misplace ko yata 'yong wallet ko. I can't find it." Lumapit ito sa bedside table at binuksan ang drawer na naroon. Mula roon ay kumuha ito ng ilang lilibuhing papel at ipinamulsa iyon. Pagkatapos ay nilapitan siya nito at hinalikan sa mga labi. "I'll be quick," anito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Umiiling subalit nakangiting bumaba ng kama si Angela. Sumilip siya sa bintana at nakita pa niya ang paglabas ng sasakyan ni Marko sa bakuran. She went inside the bathroom and cleaned herself.
Napapalatak siya nang tumapat siya sa harap ng malaking salamin. Makikita sa katawan niya ang mga bakas ng tamis na pinagsaluhan nila ni Marko nang nagdaang gabi. Gayunman, ikinasisiya niya ang mga bagay na iyon. She felt loved and cherished every second in Marko's arms.
Tinapos na niya ang paglilinis ng katawan at ibinalot ang katawan sa isang malaking tuwalya na nahugot niya mula sa towel rack.
Pumasok siya sa isang silid na marahil ay walk-in closet ni Marko. Napapalatak siya nang maalalang wala nga pala siyang bitbit ni isang damit man lang maliban sa suot niya kahapon. Tila nalimutan din ni Marko ang mga bagay na iyon. Kailangan pala niyang pumunta sa department store para sa mga personal niyang kagamitan. Humugot na lang siya ng isang T-shirt ni Marko at iyon ang isinuot niya.
Napailing-iling siya nang paglabas naman niya ng closet ay nakita niya ang nagkalat na mga damit nila ni Marko. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon at maayos na inilagay sa hamper. Maging ang bedsheet, ilang unan, at comforter ay halos nakalaylay na sa sahig. That was how wild their night had been.
Inayos niya ang kama at itinupi ang mga comforter. Nalinis na niya ang silid pero hindi pa rin niya nakikita ang wallet na hinahanap kanina ni Marko. Sinilip niya ang ilalim ng kama. Napangiti siya nang makitang naroon ang wallet. Kinuha niya iyon at ipinatong sa side table bago ipinasyang maglaba na ng underwear niya. Pero hindi pa siya nakakahakbang ay napatingin uli siya sa wallet. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kuryosidad sa wallet ni Marko.
Ipinasya niyang tingnan iyon, tutal naman ay wala si Marko. May karapatan na rin naman siya sa lahat ng bagay na may kinalaman dito. Napangiti siya nang maalala niya ang eksena nila sa jeep kung saan ay siya ang namasahe sa binata dahil naiwan nito ang wallet nito.
She found nothing interesting within the wallet. Maliban sa cash na naroon at mga credit card ay wala nang iba pang laman iyon. Isasara na lang niya iyon nang mapansin niya ang tila papel na nakasingit sa isa sa mga bulsa niyon.
Kinuha niya iyon. Agad siyang napangiti nang makita niyang mga litrato pala iyon. Litrato ng batang Markopolo ang una niyang nakita. Malawak ang pagkakangiti ng asawa niya roon. Sa tingin niya ay nasa kinse anyos lang ito sa litratong iyon. Sa murang edad pa lang nito ay kitang-kita na ang kakisigan nito.
Ilang saglit na pinakatitigan pa niya ang litrato bago niya ipinailalim iyon at ipinaibabaw ang isa pang litrato. Sa tingin niya ay ito ang mga magulang ni Marko. Napangiti siya nang unang mapagtuunan ng pansin ang babae na marahil ay ang ina ni Marko. She was blond and she had blue eyes. She was obviously Irish, just as Marko said. Lumipat sa ama ni Marko ang mga mata niya. He was handsome. Pangahan si Marko samantalang ang lalaki ay— God!
Bigla siyang nanlamig. Pakiramdam niya ay natuklaw siya ng ahas sa litratong iyon. Nanayo rin ang mga balahibo niya sa katawan. Ang nunal sa noo nito— Tila napapasong binitiwan niya ang litrato. Napaatras siya, sabay hawak sa kanyang ulo. Bigla na lang sumakit iyon. Sapo-sapo ang ulo, napaupo siya sa sahig. Parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
