Part 24

9.1K 233 0
                                        

"Let go of her!" putol ng kung sino man sa sasabihin niya.

Galit na Alexander ang nalingunan niya. Papalapit ito sa kanila ni Marko. Kinabahan siya sa pagkakagusot ng mukha ni Alexander. Nakikita niya ang emosyon na iyon sa mukha nito tuwing nakikipagbasag-ulo ito. Alexander was so dangerous when he was like this. Wala itong pakialam kung mabangasan man ang mukha nito. Patunay roon ang isang maliit na pilat sa noo nito.

Hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Marko pero hindi nito iyon binitiwan. Sa halip ay lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Sa pagkamangha niya ay sinalubong pa nito ang madilim na mukha ni Alexander.

"Jesus, Marko, bitiwan mo na ang kamay ko!" Binalingan niya si Alexander. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng pag-aalala para kay Marko. "Xander, this is nothing. May hindi lang kami pinagkakaunawaan ng lalaking 'to."

But Alexander was unstoppable. Bago pa uli siya makapagsalita ay nabigwasan na ni Alexander sa mukha si Marko. Bago pa tuluyang bumagsak sa lupa si Marko ay binitiwan na nito ang kamay niya. Sa isang kisap-mata lang ay nakapalibot na sa kanila ang mga bisita. Maagap na niyang nayakap si Alexander nang akmang susugod na naman ito. Nang lumingon siya sa kinabagsakan ni Marko ay naroroon na ang babaeng kasama nito at inaalalayan nang tumayo si Marko. Agad napalitan ng inis ang kaninang pag-aalalang naramdaman niya para dito.

Biglang may nag-flash na camera. Of course, she knew why. Celebrity si Alexander, at kilala rin ito bilang kapatid ni Capt. Vladimir Mondragon. Nasisiguro niya na babandera kinabukasan sa mga pahayagan ang litrato ni Alexander habang nakaamba ang kamay kay Marko. Tiyak na mahihila ang pangalan ni Vladimir sa eskandalong iyon.

"Umuwi na tayo, Alexander," aniya sa pormal na tinig. Nagpatiuna na siyang maglakad paalis sa lugar na iyon. Sa sobrang inis niya ay hinubad niya ang high heels na suot niya at saka nagmamadaling nagtungo sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Pinigilan niya ang kanyang sarili na lingunin si Marko upang siguruhing maayos na ito. Mahirap na, baka hindi niya mapigilan ang sarili at balikan ito kahit naroroon pa ang babaeng iyon.

"What happened back there, Angela?" madilim pa rin ang mukhang tanong ni Alexander sa kanya pagkalulan nito sa sasakyan. Ni wala yata itong pakialam sa gulong nilikha nito.

"You tell me what happened back there! Ikaw itong basta na lang sumugod. God, Alexander, you created a scene! Hindi mo man lang inisip na charity event 'yon." Oo nga at temperamental si Alexander pero ngayon lang nangyari na halos magsilabasan na ang mga ugat sa leeg nito sa sobrang galit.

"Charity event?! You don't know what you're talking about, Angela. Kung alam ko lang na gano'n ang—" Tumigil ito sa pagsasalita nang makitang nakatingin siya rito.

"What do you mean, Xander?" Kung tama ang hinala niya ay may natuklasan ang kaibigan niya tungkol sa event na iyon na siyang nagpainit ng ulo nito at nadagdagan na lang iyon nang makita nitong halos yakap na siya ni Marko.

Bumuntong-hininga ito. "I can't tell you what I've discovered, Angela. Isang malaking pagkakamali na dumalo tayo ro'n. Kunsabagay, aalis din naman tayo kahit hindi nangyari ang kaguluhang 'yon kanina. Do not ask any further, okay?"

Tumango na lang siya nang makitang napakaseryoso ng ekspresyon ng mukha nito. Pinaandar na nito ang sasakyan nito.

A Home In His Arms (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon