Part 56

7K 190 1
                                    

She looked at her mother. "Sabihin nga ninyo sa akin ang totoo, 'Ma. Wala ba talagang naghanap sa 'kin? Walang missing persons report na napabalita tungkol sa pagkawala ko?" Mahal na mahal siya ng daddy niya. Hindi siya nito sinisi kahit na namatay sa panganganak sa kanya ang tunay niyang ina kaya nakatitiyak siya na hahanapin at hahanapin siya nito.

Bigla itong nag-iwas ng tingin ngunit sapat na ang ginawa nito para makita niyang tinakasan ng kulay ang mukha nito.

Natawa siya nang pagak. "Meron, 'di po ba? My father looked for me. Nakasisiguro ako na hinanap niya ako, kesehodang maubos ang pera namin. Pero inari mo na 'ko. Itinago mo 'ko, at ginamit mo rin ang pera mo para tuluyang maangkin ako, 'di ba? Nanaig ang pera at kapangyarihan ng mga Valencia. Tama ako, 'di po ba?"

A tear fell from her mother's eye. Her expression told her she was right. "I-I'm sorry, A-Angela..." anito, saka yumuko.

"No, you're not sorry. You're a selfish woman! Hinayaan mong magdusa ang daddy ko kapalit ng pagdurusa mo sa pagkamatay ng anak mo!" umiiling na akusa niya rito.

"N-no, Angela, anak..."

"Kaya pala halos sa San Francisco mo 'ko patirahin. Kaya pala mas gusto mong ikaw ang dumadalaw sa 'kin doon kaysa ako ang umuwi sa Pilipinas. Ginawa mo ang lahat maitago mo lang ako! How could you do that?" humihikbing tanong niya rito. "Nakakatulog ka ba sa gabi, 'Ma? Nakakatulog ka ba sa isiping may isang tao na naghihirap dahil sa pagkawala ko?" sumbat niya rito.

"N-no. Binabagabag din ako ng konsiyensiya ko, Angela. Pero masisisi mo ba ako? I was a lost soul when my daughter died and then you came. Sa pagdating mo sa buhay ko, nagkaroon muli ng direksiyon ang buhay ko. Angela, anak... patawarin mo ako."

"Leave me for a while, 'M-Ma. Leave me bago ko pa pagsisihan ang mga maaaring lumabas sa bibig ko," walang bahid na kahit na anong emosyong sabi niya rito. Ilang sandali itong nag-alangan. Kapagkuwan ay tahimik na lumabas na rin ito ng silid.

Naiwan siya roong mag-isa. Napakatahimik ng silid kaya muli siyang napaluha. Pero tila hindi iyon sapat dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Ilang sandali pa ay humahagulhol na siya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa pakiramdam niya ay naibuhos na niya lahat ng kanyang mga luha.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Marko. At least she saw him now as Marko, and not as his father, Manuel.

She looked away but she never bothered to wipe her tears away. Pakiramdam niya ay gusto na naman niyang humagulhol.

"Jesus! Honey, Ano ba'ng problema?" nag-aalalang tanong nito. He reached for her and hugged her protectively.

Nakagat na lang niya ang ibabang labi niya nang maramdaman niya ang marahang paghagod ng kamay nito sa kanyang likod. She wanted to push him away, curse him, and tell him what a devil his father was for ruining her life. Pero hindi niya matagpuan ang tinig niya.

"M-Marko..." mahinang usal niya sa pagitan ng paghikbi. She wanted to tell him how sorry she was for mistreating him a moment ago. Gusto niyang magpaliwanag dito kung bakit umaakto siya nang ganoon. Pero tila may nakabara sa lalamunan niya at hindi niya matagpuan ang tinig niya.

Ah, how could she love him and hate him at the same time?

"Sshh... It's okay, honey," malamyos na wika nito. Ipinagpatuloy lang nito ang marahang paghagod sa likod niya. Nararamdaman din niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya. Dahil doon ay muling bumalong ang mga luha niya.

Ilang sandali pa ang lumipas at naramdaman na niya ang pagbigat ng mga talukap niya. Ayaw man niyang matulog, wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ng antok.

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon