Part 19

9.7K 237 4
                                        


CHAPTER FIVE

NAMALAYAN na lang ni Angela na magkaharap na sila ni Marko sa isang pandalawahang mesa sa loob ng Seaside Restaurant na di-kalayuan sa binabaan nila. Saglit itong nagpaalam para gumamit ng telepono ng restaurant. Agad din naman itong nakabalik sa mesang inookupa nila. His blue eyes were gazing at her and his gazes were sending chills down her spine. Pakiramdam niya ay hinihipnotismo siya nito at kahit ano ang sabihin nito ay tatanguan na lang niya.

"W-will you excuse me for a moment? P-pupunta lang ako sa ladies' room." Nabanaag niya ang pagtutol sa mga mata nito pero bago pa ito makasagot ay tumayo na siya at nagtungo na sa ladies' room.

Nang makapasok siya sa ladies' room ay tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin. What is happening, Angela? naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili. Bigla siyang naghilamos ng mukha, pagkatapos ay muli niyang tinitigan ang repleksiyon sa salamin. Naroon pa rin sa mga mata niya ang kakaibang kislap na hindi niya nakikita dati. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Hindi pa rin normal ang tibok ng puso niya. May kakaiba ring tuwa sa dibdib niya. Pumikit siya. Hindi na siya nasorpresa nang makita niya sa kanyang balintataw ang mukha ni Marko. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa pagbabaka-sakaling mawawala rin iyon. Pero nanatiling nakaukit sa isip niya ang nakangiting mukha nito.

"There's nothing wrong about this. Single ako at wala rin akong nakitang singsing sa daliri niya... Maybe, maybe this is really destiny, like he said," bulalas niya.

Ilang saglit pa ay ipinasya na niyang bumalik sa mesa nila ni Marko bago pa ito mainip sa paghihintay sa kanya. Alam niyang may nakaguhit na ngiti sa kanyang mga labi at hindi na niya iyon itatago. Pero napalis ang ngiting iyon nang makita niya si Marko na may kausap na maganda at seksing babae. They talked as if they were really close. Sa tingin niya ay tuwang-tuwa pa si Marko na kausap nito ang babae habang katuwaan at excitement din ang mababanaag sa mga mata ng babaeng nasa harap nito.

Hindi niya alam kung bakit tila pinipiga ang puso niya sa nakikita niya. Dahil doon ay nag-alangan na siyang bumalik sa mesa nila. Naisip niya na oras na lumapit siya sa mga ito ay magmumukha lang siyang tanga na nakatayo o baka magpaka-gentleman si Marko at ito na lang ang tumayo. Napasimangot siya. Hindi dapat siya nagtiwala sa lalaking iyon dahil hindi pa naman talaga niya ito kilala.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Patalilis na lumabas siya ng restaurant bago pa siya mapansin ni Marko. Nang tawagan niya si Alexander ay agad naman itong dumating dahil nagkataong malapit lang ito roon. Nagdahilan na lang siya rito na napasarap siya sa pagwi-window shopping kaya hindi agad siya nakauwi at ipinasyang kumain muna sa Seaside Restaurant. Pinilit niyang umakto nang normal nang sa gayon ay hindi na siya nito usisain pa. Mabuti na lang at hindi ito nagtatanong kung nasaan na ang dapat sana ay pasalubong niya sa mama niya pag-uwi nila sa Catalina. Naiwan niya ang mga iyon sa restaurant.

A Home In His Arms (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon