Binalingan nito ang driver na kanina pa niya napapansin na ngingiti-ngiti. "Manong, dalawa," anito bago uli bumaling sa kanya at saka kumindat.
Napailing na lang siya pero hindi na rin niya naiwasang mapangiti. She didn't know what game he had in mind but she felt like playing that game.
"Funny, we still don't know each other's names," anito bago iniumang sa kanya ang kamay nito. "I'm Markopolo de Gracia."
Napangiti siya. "Markopolo?" His name made him sound like an explorer ready to conquer. Is he going to conquer my heart? Napailing na lang siya sa mga naiisip niya.
"Yes, Markopolo at your service. And you are...?"
Saka lang niya naalala na nakalahad pa rin ang kamay nito sa kanya. Tinanggap niya iyon pero tila nagkamali siya sa kanyang ginawa. Surprisingly, she felt a peculiar heat pass through her body. Nagdulot sa kanya ng pagkalito ang kakaibang init na ipinasa nito sa kanya.
"A-Angela," aniya bago marahang binawi ang kanyang kamay na para bang ayaw na nitong pakawalan sa higpit ng pagkakahawak.
"Finally!" He exclaimed. "Angela..." anitong tila ninamnam pa ang pangalan niya. "Your name suits you. You really look like an angel. Wait, where are your wings and your halo?"
Bigla siyang naguluhan kaya nanahimik na lang siya at ibinaling sa harap ang kanyang paningin. She didn't know how to handle the feeling he had awakened inside her. It mystified her. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin sa kanyang sarili na kaya niyang laruin ang larong mayroon ito pero bigla na lang siyang nagkaganoon. Bakit biglang gusto na lang niyang umurong? The feeling was terrifying, as if she couldn't control it and was about to consume her any minute.
"Hey," naaalarmang wika ni Marko nang manahimik na siya. "May nasabi ba akong ikina-offend mo?"
"None, gusto ko lang manahimik at magpahinga," aniya bago ipinikit ang mga mata para iparamdam dito na ayaw na niyang makipag-usap. She knew how to flirt with boys and knew how to handle them. Pero nang mga sandaling iyon ay iba ang nararamdaman niya at ginugulo niyon ang isip niya.
Hindi maaari! Simpleng atraksiyon lang 'tong nararamdaman ko para sa lalaking 'to. Who wouldn't melt in his blue eyes, anyway?
"Angela..."
"It was nice meeting you, Markopolo," aniya bago binalingan ang driver. "Manong, dito na lang po ako sa tabi."
Agad namang itinabi ng driver ang jeep nito at saka nagpreno. Dahil nasa tabi ng pinto si Marko, kinailangan nitong bumaba para makababa siya. Nagtaka na lang siya nang pagkatapos nilang makababa ay pinaalis na nito ang jeep. Hindi na lang niya ito pinansin. Naglakad na siya papalayo rito. Pero hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang pag-agapay nito sa kanya.
"What's wrong, Angela?"
Nagkibit-balikat siya. "None," aniya habang patuloy sa paglalakad. Ramdam pa rin niya ang pagsunod nito. At bago pa siya makapagprotesta ay nakuha na nito mula sa kamay niya ang mga pinamili niya.
Salubong ang mga kilay na hinarap niya ito. "Ibalik mo 'yan sa 'kin." Bakit ba ayaw siyang tantanan nito?
"Hey, lady, relax. Wala akong gagawing masama sa 'yo. Look at me. Nasa mukha ko ba na gagawa ako nang masama? Sa guwapo kong 'to?" anito, nanlalaki ang mga matang itinuro ang sariling mukha.
She didn't know what happened to her but she just found herself bursting into laughter. Hindi siya sigurado kung sinadya nito ang aktuwasyon na iyon pero natawa talaga siya sa ginawa nito. Kung hindi pa niya napansin na titig na titig ito sa kanya ay hindi siya titigil sa kakatawa.
Tumikhim siya bago magsalita. "Sorry about that. I didn't mean to laugh at you. It's just that... it's just t-that—"
"It's just that you find me cute?" pagpapatuloy nito sa sasabihin niya.
Natilihan siya dahil iyon din mismo ang nais niyang sabihin.
"I'm glad," sabi pa nito. Sa pagkamangha niya ay itinaas pa nito ang libreng kamay nito at inilapit sa mukha niya. Bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay maingat na tinutuyo na nito ang mga luha niyang naipon sa sulok ng mga mata niya dahil sa kakatawa. He looked directly into her eyes as he wiped away those unshed tears and she couldn't help but stare back at him.
Tumikhim siya nang makabawi bago lumayo kay Marko.
"Angela, hindi naman ako masamang tao. Can I invite you out to lunch? I mean, puwede ba tayong mag-lunch ngayon?"
Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. Iniimbitahan siya nitong mananghalian? Hindi ba at naiwan nito sa kotse nito ang wallet nito? Nakalimutan ba nito ang bagay na iyon? "Mister de Grac—"
"Please, drop the formalities, Angela. Tawagin mo 'kong 'Marko.'"
"Okay, Marko, iniimbitahan mo 'kong mag-lunch? Sigurado ka?" nakangiti subalit nakataas naman ang isang kilay na tanong niya. If Marko was smart enough, malalaman nito ang tumatakbo sa isip niya.
Napangiti siya nang umawang ang mga labi nito nang tila nakuha nito ang nais niyang ipakahulugan. Nahagod nito ang sariling buhok habang ang isang kamay na may hawak sa mga pinamili niya ay naihawak nito sa sariling baywang. He looked frustrated.
"Just come with me, Angela. Ako na ang bahala—"
"Sigurado ka? Hindi mo 'ko paghuhugasin ng pinggan?" natatawang tanong niya rito.
"No, I promise," mabilis na sagot nito.
Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na tumatango.
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)