Part 23

9.5K 260 5
                                    


"YOU LOOK so lovely tonight."

Biglang natigilan si Angela pagkarinig sa napakababang boses na iyon. Malamig ang dating niyon at parang gusto niyang ginawin dahil doon. Nasa refreshment area siya at kasalukuyang kumukuha ng fruit punch. Hindi niya kasama si Alexander. Nagpaalam ito na kakausapin diumano ito ng president ng charity event sa gabing iyon. Tumanggi siya nang yayain siya nitong sumama dahil wala naman siyang alam sa pag-uusapan ng mga ito.

Kahit hindi siya lumingon ay kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. Nakita na niya ito pagpasok pa lang nila ni Alexander kanina. Nakadama siya ng kasiyahan pero agad ding napawi iyon nang makita niyang kasama nito ang babaeng nakita niya noon sa restaurant. Lalo tuloy lumakas ang hinala niya na may relasyon ang dalawa kaya naman umakto na lang siya na hindi niya ito nakita. Hindi lang niya inaasahan na lalapitan siya nito.

"M-Marko..."

"Oh. It's great relief to know that you still recognize my voice, honey," anito. Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan nang maramdaman niya ang isang daliri nito na naglalandas sa kanyang likod. Kinilabutan siya sa ginagawa nito kaya naman bigla siyang napaharap dito.

Angela froze. Isang maling hakbang yata ang ginawa niyang pagharap dito dahil halos maglapat na ang mga katawan nila sa sobrang lapit nito sa kanya. Langhap na langhap niya ang mabangong amoy nito. Lalaking-lalaki iyon at tila tinutukso ang kanyang ilong.

Lihim niyang kinastigo ang kanyang sarili bago humakbang pakanan para sana iwasan ito. Pero tila hindi ito makapapayag na makaalis siya dahil agad na humarang ang katawan nito sa daraanan niya. Humakbang siya sa pakaliwa pero inulit lang din nito ang ginawa nito. Kung hindi lang siya naging maingat, paniguradong magdidikit na ang kanilang mga katawan.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Marko, h-hindi ako nakikipagpatintero sa 'yo! Get out of my way," kinakabahang sabi niya rito. Kinakabahan? Bakit ako kinakabahan? Kinakabahan ba siyang malaman nito na apektadong-apektado siya ng presensiya nito?

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Kinuha nito ang kamay niya at ipinaloob sa kamay nito, pagkatapos ay marahan siyang hinila palabas ng pagtitipong iyon. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito dahil sa higpit ng pakakahawak nito sa kamay niya. Hanggang sa makarating sila sa isang sulok, malayo sa mga bisita. Tila wala namang nakapansin sa ginawa nito kaya hindi niya maiwasang kabahan.

"Bitiwan mo 'ko, ano ba!"

Nginisihan lang siya nito. Tiningnan nito ang mga kamay nilang magkasalikop pa rin. "Perfect," nakangiting sabi nito.

"Quit playing games with me, Markopolo. Hindi ako interesado sa kung ano man 'yang tumatakbo sa utak mo. Let go of my hand!" she demanded.

Marko just smiled sheepishly. Mayamaya pa ay tinawid nito ang natitirang distansiya sa pagitan nila at pagkatapos ay marahan siya nitong hinagkan sa pisngi. Nahigit niya ang kanyang hininga dahil doon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksiyon sa ginawa nito dahil tila lalong nagrigodon ang dibdib niya. Sa pisngi lang siya nito hinagkan pero ramdam na ramdam niya ang tila koryenteng hatid niyon sa kanyang katawan. Nanulay iyon sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

Idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. "You felt it, don't you?" She could smell the liquor in his breath and it was driving her crazy.

"Have you ever fallen in love, Angela? Oh, jeez, of course you have. Do you love him? Do you really love that underwear model guy?"

Muntikan na siyang matawa sa sinabi nito. Si Alexander marahil ang tinutukoy nito. "Yes, I love him."

He let out a harsh breath. "Horrible, isn't it? Falling in love, it makes you vulnerable. You end up doing things you never knew you were capable of. Like me. Like this, I'm chasing after you kahit na alam kong may nagmamay-ari na sa 'yo. Whatever happened to destiny?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran nito. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito? In love ito sa kanya?

"Nakita ko lang naman ang mga mata mo, bakit naging pag-aari mo na agad ako nang gano'n kabilis? Na-hostage mo na agad ang puso ko." Marahil ay nabasa nito ang pagtataka sa mga mata niya nang ngumiti ito. "Yeah, it sounds weird, and I can't believe I just said that. But you know what? I love it! Now I know. Plato was right: at the touch of love, everyone becomes a poet," anito, saka ikiniskis ang ilong nito sa ilong niya.

She gasped. She found the gesture so intimate. Sa maikling panahon ay tumatak na agad sa isip niya ang isang ugali ni Marko: mapangahas ito na para bang may karapatan ito sa mga inaakto nito, tulad na lang ng paghawak nito nang mariin sa kamay niya, ang paghalik sa pisngi niya, at ang posisyon nila nang mga sandaling iyon. Napakalapit nila sa isa't isa.

"N-nasobrahan ka na yata ng alak. Mabuti pang—"

"Let go of her!" putol ng kung sino man sa sasabihin niya.

Galit na Alexander ang nalingunan niya. Papalapit ito sa kanila ni Marko. Kinabahan siya sa pagkakagusot ng mukha ni Alexander. Nakikita niya ang emosyon na iyon sa mukha nito tuwing nakikipagbasag-ulo ito. Alexander was so dangerous when he was like this. Wala itong pakialam kung mabangasan man ang mukha nito. Patunay roon ang isang maliit na pilat sa noo nito.

7

A Home In His Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon