Yes, her eyes were on the road but her mind was on the man sitting next to her. His scent lingered on her nose and tortured her nostrils like she was already addicted to his manly scent. "You were joking about that dream you were talking about, right?" Hindi na napigilan ni Angela ang sarili na itanong ang bagay na iyon dito. If he had been dreaming about her, then he was interested in her.
"No. I swear, napapanaginipan kita, Angela. You and I..."
Sasagot na sana si Angela nang mapansin niyang nagsisimula nang magbayad ang mga pasahero kaya hinanap na niya ang coin purse niya sa loob ng kanyang bag para magbayad. Napailing siya. Minsan na nga lang siyang makasakay sa jeep pero tila hindi rin naman niya na-enjoy iyon dahil nasa katabi niya ang kanyang atensiyon.
"Let me," narinig niyang sinabi ng katabi niya nang binubuksan na niya ang kanyang coin purse. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy pa siya sa pagkuha ng barya. Hanggang sa maging malikot na ang lalaking katabi niya. Lahat na yata ng parte ng katawan nito ay nakapa nito. Until he let out a harsh breath and then looked helplessly at her.
Jeez! Don't look at me like that! saway niya rito sa kanyang isip. His eyes had so much power in them. Tila kayang-kaya niyong palambutin ang mga tuhod niya sa pamamagitan lang ng tingin nito.
Napailing-iling siya. Maybe he lost his wallet. Hindi naman niya maakusahan na umaarte lang ito dahil wala naman sa hitsura nito na wala itong pera. Isang tingin pa lang dito ay mahihinuha nang mayaman ang angkang pinagmulan nito. Napangiti siya nang frustrated na inihilamos nito sa mukha ang dalawang kamay nito. She found it cute.
"This is embarrassing!" he said, then muttered a curse.
"Have you lost your wallet?" Hindi na niya naiwasang isatinig ang nasa isip.
Kumamot ito sa ulo, again, it made her smile. "Yes! No, I mean nasa coat ko, naiwan ko sa kotse." Bumuga ito ng hangin. Gusto niyang mapabungisngis sa namumulang mukha nito. Goodness! He's blushing and he's so cute!
Naglabas siya ng pera mula sa coin purse niya at iniabot iyon dito. "Consider it charity work," biro niya na lalong ikinapula ng mukha nito.
Alanganing tinanggap nito ang pera. "Ililibre kita," anito bago siya nginitian. Her heart thumped widly.
Jesus! Lahat na lang yata, kaaya-ayang pagmasdan sa lalaking 'to—ang ngiti nito, ang asul na mga mata, at ang k-kaguwapuhan nito. Maging siya ay na-weird-an sa mga naiisip niya. Aminado siyang malakas talaga ang dating ng lalaki pero bakit pakiramdam niya ay hindi na lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya para dito?
![](https://img.wattpad.com/cover/133305109-288-k420602.jpg)
BINABASA MO ANG
A Home In His Arms (Completed)
RomancePHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)